Chapter 25

4.6K 247 15
                                    

Natapos kaming kumain at sa buong oras na kumakain kami ay iniintindi ako ni Aleixis na paulit ulit namang ikinakagulat ng mga kaibigan niya dahil sigurado naman ako na ang akala nila kay Aleixis ay walang pakialam sa mga babae at para bang imposibleng asikasuhin niya ang mga babae ngunit dumating ako at para daw silang nananaginip sa mga nakikita nila.

Tinawanan ko nalang sila lalo na kung paano sila magtago sa likod ng isa’t isa ng samaan sila ng tingin ni Aleixis ngunit patuloy pa din naman sila sa pagkukwento na siya namang ikinakatuwa ko dahil ibig sabihin ay close talaga silang magkakaibigan.

Matapos kumain ay bumaba na kami ng second floor at kita ko ang mga nanghahabang leeg ng lahat habang nakatingin sa amin o sabihin na nating nakatingin sa akin ngunit halos natatakpan na ako ni Aleixis idagdag mo pa na nasa gitna nila akong apat.

Hanggang sa nakalabas na kami ng Cafeteria ay ramdam ko pa din ang maiinit nilang tingin ngunit hindi ko na iyon pinansin at binigyan na lamang ng ngiti si Aleixis ng hagudin niya ang likod ko.

Napansin ko naman na ibang daanan na ang dinadaanan namin at kung hindi ako nagkakamali ay daan ito patungo sa pinakalikod na building ng school.

Hindi na lamang ako umimik at sinabayan na lang sila dahil alam ko naman na hindi ako pababayaan ni Aleixis.

Hanggang sa bumungad sa amin ang isang building na sinasabi ko kanina, walang nagpupunta dito dahil wala naman daw gumagamit at halatang abandonado na.

Hindi na lang ako nagsalita hanggang sa umakyat kami sa ikatlong palapag at tumigil sa isang pintuan.

Binuksan iyon ni Warren at sa pagbukas niya at tumambad sa aking mga mata ang malinis na kwarto.

Napakalinis nito at iba’t iba ang itsura sa labas dahil maraming gamit dito at may mga appliances pa.

Naramdaman ko naman ang mga braso ni Aleixis sa balikat ko kaya napatingin ako sa kanya.

“ Welcome to our haven. ” Saad niya at binigyan ako ng ngiti na ikinangiti ko din.

Hindi ko akalain na magkakaroon sila ng sariling lugar dito pero maganda na din iyon para may privacy sila at hindi laging nakikita ng mga tao lalo na para kay Aleixis.

Pinaliwanag nila na ang kwartong ito ay pinaayos nila, dalawang taon na ang nakakalipas at sakop nito ang buong ikatlong palapag kaya naman may sari-sarili ding silang kwarto dito at may mawalak na space.

Meron din ditong kusina at bawat kwarto ay may Cr. Para na din itong isang malawak na bahay at ayon sa kanila kadugtong din nito ang ikaapat na palapag at sila lang ang nakakpasok doon.

Hanga ako sa kanila at nagpasalamat ako ng bigyan nila ako ng isang kwarto, ito ay katabi ng kwarto ni Aleixis ngunit wala pa iyong laman at sabi ni Aleixis ay ipapaalam niya kay Daddy ang tungkol dito na ikinatuwa ko at hindi ko napigilan na mapayakap sa kanya na ibinalik din naman niya matapos.

Matapos ng mahabang araw ay hindi din kami nakapasok sa klase pero ayon kina Joren ay ayos lang iyon at walang problema kaya naman ngayon ay pauwi na kami ni Aleixis.

Mula nang magkita kami sa Cafeteria ay hindi pa kami nakakapag usap ng ayos at mukhang sa bahay pa kami mag uusap.

Malalim ang iniisip ni Aleixis, sigurado ako at hindi ko alam kung anong iniisip niya pero masaya naman ako dahil hinahaplos niya ang ulo ko habang nakasandal ako sa mga balikat niya, para tuloy kaming magkayakap at hindi ko mapigilan ang tuwa na nararamdaman ko.

Pakiramdam ko ay magtutuloy tuloy ito at mas lalo kaming magkakalapit kaysa sa dati at walang makakapaghiwalay sa amin.

Hindi ko namalayan na ang dating walang buhay na mata ko at nagniningning sa saya habang hindi naman nawala wala ang isang magandang ngiti sa mapupula kong labi kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko nang maisip na walang makakapaghiwalay sa amin ni Aleixis.

Pero lahat pala ng ideyang iyon ay maglalaho at masisira kasabay ng miserableng buhay ko ng wala siya.

Mr. Villain, I Love You 🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon