Matapos ang ilang oras na katahimikan, bigla na lamang nagbukas ang pintuan at may mga pumasok na maraming lalaki, may dala-dala din ang mga ito na malalaking kadena at tumama ang hinala ko ng magsilapitan sila sa mga kulungan at ikinadena ang mga bata at hinila palabas.
Mukhang eto na ang oras na ibebenta na nila ang mga bata ngunit darating ang mga pulis at ang ama ni Aristotle para iligtas ang lahat. Dahil dito hindi maibebenta ang mga bata.
Maya-maya pa ay bumalik ang mga lalaki at muling kumuha ng bata, bakas sa mukha nila ang kasayahan dahil maaaring mabilis maibenta ang mga bata lalo na at karamihan sa kanila ay batang babae.
Hanggang sa kaming hilera na ang kinuha, pinalabas kami at sinuutan ng kadena sa leeg, labag man sa kalooban ng iba ay wala rin naman silang magagawa.
Nasa unahan ako kaya naman hindi ko alam kung anong reaksyon ang meron si Aleixis ngunit rinig ko ang iyak ni Aristotle.
Pitong taon ako habang walong taon naman ang dalawa.
Maya-maya pa ay pinapasok kami sa isang pinto at agad akong napapikit ng tumama sa mukha ko ang makakasilaw na ilaw.
Dahan-dahang na-adjust ang ilaw at naimulat ko na ang mga mata ko.
Sa pagmulat ko ay sumalubong sa akin ang mga tao na nasa baba ng maliit na stage na kinalalagyan namin.
Lahat sila ay may mga maskara at may hawak hawak na board, marahil iyon ang itataas nila kung gusto nilang bilhin ang batangf iyon.
Hindi pa sa amin nakatutok ang atensyon nila dahil ang atensyon nilang lahat ay nasa isang batang babae na nasa kabilang stage at kasalukuyang nagbi-bid ang mga tao para malaman kung sino ang makakabili sa batang babae.
Hanggang sa nabili ang bata sa halagang 85,000.00. Pilit naman siyang kinuha ng matandang lalaki nakabili sa kaniya ngunit pinigilan ito ng guard at mukhang mamaya pa makukuha ng matanda ang bata, wala naman itong nagawa at bumalik nalang sa pagkakaupo.
Naramdaman ko ang paghila ng lalaki sa kadenang nakakabit sa akin kaya naman kumilos na ako at ako na ang napasalang sa auction.
Tumahimik ang paligid ng tumapat na sa akin ang ilaw.
“ Okay. This child was like a doll! So who would like a doll but an alive doll? ” Saad ng host na nakapagpabalik sa wisyo ng lahat.
Samu’t saring bulungan ang narinig ko hanggang sa lahat ay nagtaas ng board, nagmulan sa 100,000.00 hanggang sa patuloy ang bidding at lumaki ito ng lumaki.
Tumingin ako sa direksyon ni Aleixis ngunit hindi ko siya makita dahil na rin sa madilim doon at nakatutok sa akin ang ilaw.
Napatingin naman ako sa host at kita ko ang saya sa mukha niya lalo na at tumataas ang bidding price.
“ 7 million! ” Saad ng matandang lalaki na siya ring nakabili sa batang babae kanina.
Natahimik ang lahat na siya namang ikinatuwa ng matanda sa pag-aakalang siya na ang nakabili sa akin ng biglang nawalan ng ilaw.
Hindi ko alam ang nangyayari pero ramdam kong may mga pumasok at sa muling pagbukas ng ilaw, marami ng mga lalaking nakatayo na may hawak ng baril at sumigaw.
“ Walang gagalaw! Pulis kami! ” Saad ng isa at nagkagulo ang lahat.
May mga nagtatangkang umalis ngunit madaming pulis na nakapalibot.
Bumukas ang pintuan sa taas at nakilala ko kung sino ang dumating, si Don Alejandro at dali dali itong bumaba, lumapit ito agad kay Aristotle kaya naman napatingin ako kay Aleixis na ngayon ay tanaw na tanaw ko na.
Walang ekspresyon sa mukha at malamig na nakatitig lang sa mga nangyayari.
BINABASA MO ANG
Mr. Villain, I Love You 🌟
FantasyWhat if bigyan ka ng chance ng tadhana para makilala yung favorite character mo? What if there's a chance na mapasaya mo yung favorite character mo na kinakaayawan ng mundo? What if may pagkakataon kang manatili sa tabi niya at maging karamay niya s...