Kabanata 48

2.6K 73 18
                                    

Para akong batang musmos na iniwan nang naglakad siya palayo sa 'kin. Wala akong ibang nagawa kundi ang bumalik sa pagkakaupo at takpan ang bibig dahil sa muling pag-iyak.

Ganoon akong naabutan ni Shiena na siyang agad bumalot sa akin ng yakap. I gripped her shoulders hard, thankful that she was there where I needed someone to lean on.

I was getting tired of it... getting tired of crying, blaming and pitying myself.

"Tahan na ate, naiiyak na rin ako," napalabing pangsisita ni Shiena habang inaayos ang nagkalat na buhok sa aking mukha.

Natatawa akong napaayos nang upo. Ang ilong ay barado na sa pagluha. "S-salamat. Maraming salamat sa 'yo, Shiena."

Inabot niya sa akin ang mainit pang kape at kapwa kami sumandal sa pagkakaupo. Huminga ako nang ilang ulit, kinakalma ang sarili. Ang aking mata'y mahapdi at nanliliit habang ang lalamuna'y tuyot.

Nanginginig kong hinipan ang kapeng hawak at bahagyang humigop. Kahit papaano'y nainitan ang nanlalamig kong tiyan.

"H-hindi ko talaga alam," panimula ko at napatitig sa puting dingding.

"Nalimot ko ring nasabi sa 'yo ate dahil matagal na noong una siyang inatake ng allergy. Allergic siya sa hipon. First time namin siyang pinakain ng shrimp soup noon nang bigla siyang nagkagano'n tulad nang nangyari kanina. Simula noon ay hindi na muling nagpabili ang Donya ng mga pagkaing may kinalaman sa hipon." Tumango ako sa nakalap na impormasyon. "Pasensiya at hindi ka namin na-inform ate."

"No, I know I'm at fault. I always am," then I let out a shaky laugh. "Iniwan ko ang anak ko kahit dalawang buwan pa lang siya kaya wala na akong ibang alam hanggang sa lumaki siya." I had the urge to open up so I continued. "Alam mo ba kung saan ko siya iniwan? Sa labas ng bahay nila Simon sa gitna ng gabi." Rinig ko ang kaniyang pagsinghap na siyang nagpakibot sa aking labi. "I know. I'm cruel, right? Sino nga ba namang ina ang may pusong basta na lang i-gano'n ang anak?" I chuckled lowly to ease the pain. "It haunted me. There were times I woke from a deep slumber only to cry again because of what I did to my son."

"Ate..."

"Kung alam mo lang, Shiena," my voice shook. "Hindi ko naman 'yon gagawin kung hindi kailangan." I sipped from my coffee to gain another courage to speak. "Papáng's condition worsened while Mamáng couldn't properly think of her own. I was torn what to do since I also had a child to take care of." Pain and longing engulfed my heart as I reminisced the past. "Or maybe I was just too weak and selfish to not carry all of my burden with both arms."

"Mahirap naman talagang sabay solusyunan ang sabay-sabay na problema ate. Kasi kung sabay, hindi mo alam kung ano ang mas dapat gawin. Mayro'n at mayro'ng dapat unahin para sunod na masolusyunan ang iba."

"What do you think of what I did?"

Ramdam ko ang pagnakaw na sulyap niya sa akin. "'Yong totoong sagot ba ate?" I chuckled and nodded my head. "Ang sama mo po sa part na 'yon. Mali 'yong ginawa mo lalo na kung pwede mo namang kausapin na lang si Kuya Simon para ibigay si Silious. Hindi ko akalaing gano'n ang nangyari sa cute na 'yon." Matapos ay hinawakan niya ang libreng kamay ko. "Pero kung titingnan natin siya ngayong nasa maayos na kalagayan, malusog at masigla, worth it ang pagsakripisyo mo ate. Nagawa mo nga lang sa pangit na paraan."

"Thank you for your honesty," I murmured and gripped her hand.

"Pwede ko bang malaman anong nangyari matapos kayo umalis ate?"

I inhaled sharply and tiredly closed my eyes. "Papáng didn't make it. We left to chase the tiny hope we had only to come back without him anymore."

My throat had a hard time swallowing. I thought I already drained myself from crying yet another batch of tears flowed again. Inis kong pinalis iyon.

Sprouted Desire ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon