Kabanata 14

1.8K 39 12
                                    


Pagharap niya'y dala na niya ang naka-plastic na pagkain. I checked my phone and it was exactly lunch time. Kumalam ang aking sikmura pero hindi ko iyon ipinahalata sa kaniya.

Muli siyang umupo sa aking harapan at sinimulan na niyang buksan ang dala. May isang pinggan doon at dalawang pagbaunan. Napatingin din ako sa iisang malaking bote ng tubig.

Iinom ba kaming dalawa diyan?

Kinurot ko ang mga daliri dahil sa mga pinag-iisip.

"Siguradong magugustuhan mo 'to dahil luto ni Mama," ngumiti siya sa akin bago binuksan ang dalawang pagbaunan.

Umayos ako ng upo at parang batang nag-aabang ng regalo. Unang tumambad sa akin ang kanin. Marami iyon pero dahil sa katawan ni Simon ay alam kong kulang pa niya. Bigla tuloy akong nahiya na makikihati pa ako.

"Panigurado namang masarap magluto si Mama," komento ko upang hindi mamatay ang aming pag-uusap. Sinulyapan niya ako at inangatan ng kilay. "Si Mama mo, I mean," dagdag ko nang maging iyon ay hindi pa pala nakatakas sa kaniya.

Binuksan na niya ang isa pang pagbaunan. Ang ngiti ko ay unti-unting naglaho habang ang kilay ay nagsalubong. Inilapit ko nang bahagya ang mukha roon bago lumunok nang malalim.

"W-what's that?" I couldn't help but stutter which earned a laugh from him.

Pinakatitigan ko pa iyon pero hindi ko mawari kung anong klase ng karne iyon. Parang gustong bumaliktad ng sikmura ko.

"Adobong palaka Cres," mayabang niyang anas at ipinagitna ang ulam.

Mahigpit kong pinagtikom ang mga labi. Tiyak kong klaro sa kaniyang mata ang aking pandidiri ngayon pero... the heck? Really? A frog?!

"Ah..." Tumango na lang ako nang makabawi. Hilaw pa akong tumawa. "Busog na pala ako Simon. Ikaw na lang ang kumain," naging tabingi ang aking ngiti.

Nagtaas siya ng kilay sa akin. Itinatago niya ang ngisi ngunit pansin ko naman. Mas lalo akong hindi mapakali. I wouldn't dare eat that!

"Ayaw mo?" Biglang sumeryoso ang kaniyang anyo, maging ang boses.

Lumunok ako nang malalim. "Yeah... I'm full," I replied but my stomach grumbled otherwise.

"Hindi puwede Senyorita." Ngayon ko lang na naman narinig ang 'Senyorita' sa kaniya nang kaming dalawa lang. "Kailangan mong kumain." Inilagay niya ang pinggan sa aking harapan at nagsimula na siyang maglagay ng kanin. "Dito na lang ako kakain," sabay angat niya sa hawak na pagbaunan ng kanin.

"Isn't that poisonous?" Kung anu-ano na ang pagpapalusot kong ginawa.

He chuckled before looking at me in the eye. "May mga palakang hindi makain, pero ito," sabay nguso sa nakahandang ulam, "ay maaaring kainin ng mga tao."

"Where did you get these? Paano kung—"

"Ako ang humuli niyan Cres, at si Mama ang nagluto kaya malinis 'yan," aniya sa pinal na tono.

Wala na lang akong nagawa kundi ang tumango. Tulad noong una kaming nagsalo ay naghugas ako ng kamay sa banyo. Matapos ako ay sumunod naman siya. Ilang beses akong humugot nang malalalim na hininga. Hindi naman siguro ako mamamatay rito. Besides, it was from Simon!

"Kain na tayo?" Tanong niya at suwabeng umupo sa aking harapan.

I licked my lower lip before gazing at our food. I could imagine that they were alive frogs jumping from the food container. Nauna nang manguha si Simon ng kaniyang ulam at agad inilagay sa kaniyang pagkainan. After that, I watched him eat the frog like it was so freaking delicious!

Sprouted Desire ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon