Lutang akong lumabas sa mansyon ng Valdez. Matapos akong iwan doon ni Simon ay wala ng muling humarap pa sa akin. Wala na akong ibang nagawa kundi ang nanlulumong umalis. Napasinghot ako bago bahagyang yumuko sa dalawang guard sa labas.
Makita man lang sana kahit anino ng anak ko ay hindi pa nangyari. I was lost with words when he was in front of me a while ago. Maging ang hinanda kong mga katanungan ukol sa isyu niya at kay Donya Melvira ay hindi ko rin naitanong. I didn't see Donya Melvira either. I didn't know if she was aware that I went to her house or only Simon knew.
Nilunok ko ang pait na nalasahan sa dila. Muli kong nilingon ang malaking gate na nakasara bago nanlalantang pumara ng masasakyan pauwi. Nakapagpaalam akong hindi ako papasok ngayon kaya't alam kong may hinanap na muna silang pamalit sa akin.
Tulala lamang ako habang binabagtas ang daanan pauwi. Ang mukha at anyo ni Simon ay panay ang paglitaw sa aking isip. Makisig na siyang pagmasdan noon pa kahit pa man kukupasin ang suot na damit. Pero mas nakakahumaling pala siyang titigan sa ayos niya kanina.
Nakakapanibago. Hindi ako sanay na makita siyang gano'n, at lalong hindi ako sanay sa pakikitungong ipinakita niya sa akin.
Naabutan ko pa si Niko na ka-session si Mamáng sa gitna ng sala. Nang makita ako nito'y tinanguan ko na lang bago ako dumiretso sa kuwarto. Tumungo rin ako sa banyo para saglit na maghilamos bago pumunta sa kusina. Hindi ko aakalaing wala pang dalawang oras ay nakauwi na ako agad. Mabigat ang dibdib na inabala ko ang sarili.
Matapos ang isa't kalahating oras ay tapos na si Mamáng sa session niya. Sakto ring tapos na akong nakapaghanda ng tanghalian kaya't inaya ko na rin si Niko na makisabay sa aming kumain.
"Maaari naman akong umuwi na lang Cresencia," ani Niko habang kakamot-kamot pa sa batok.
Tipid ko na lang siyang nginitian. "Tanghali na, mas maiging dito ka na rin kumain."
Ipinaghila ko ng upuan ang tahimik na si Mamáng bago siya binigyan ng makakain. Gumalaw na rin kalaunan si Niko. Napatingin ako sa kaniya na ngayon ay nakatingin sa akin.
Saglit kong ninakawan ng tingin si Mamáng. "Uh, kumusta naman ang second session n'yo?" Marahan kong tanong bago sumubo.
Hindi naman mailap si Niko kaya't hindi ako nahihiyang makipag-usap sa kaniya. Sumulyap din siya kay Mamáng bago tumingin ulit sa akin.
"Still the same. Pero nagustuhan ko ang pagiging responsive niya ngayong araw 'di tulad noong una na parang 'di niya ako kausap."
Napatango-tango naman ako. "That's good to know. Maraming salamat sa tulong mo Niko."
He gently nodded his head. "It's my job Cresencia... and I'm willing to help."
"Kumusta ang lakad mo kahapon?" Ngiting bungad ni Sam nang makita akong papasok ng kusina.
Binati ko muna siya bago sumagot. "Ayos lang naman." Itinuon ko ang mata sa pagsusuot ng apron.
Hindi alam ni Sam ang totoong rason ng pinuntahan ko kahapon kaya't hindi na ito nang-usisa pa. Balak ko mang pumunta ulit sa Valdez para muling makausap si Simon ay hindi naman puwedeng lumiban ako uli sa trabaho. Kailangan ko pa ring kumita ng pera. Marahil ay sa Linggo na lang ako dadalaw ulit.
Nang mga sumunod na araw ay sa trabaho lang ang atensyon ko. Pinilit ko munang ignorahin ang kabang muling bumabalot sa akin dahil nakakasira ito sa trabaho ko. Lagi na lang kasi akong nasisita ni Sam dahil sa pagiging lutang.
Dumating na nga ang araw ng Linggo. Day off ko sa trabaho kaya malaya akong muling bumisita. Nagpaalam na ako kay Mamáng at kay Kristine na siyang lagi niyang kasama sa tuwing wala ako bago sumakay ng tricycle.