Simon Eulysses Montague
"HOY! Sinong tinatanaw-tanaw mo diyan?" Napapitlag ako sa biglaang pagtapik ni Rigor sa balikat ko. "Aba, titig na titig kay Senyorita ah!" panunukso niya nang magawi kung saan ako nakatingin.
Inis kong inalis ang pagkakasandal ng braso niya sa akin. "Hindi ko siya tinititigan. Napatingin lang ako," palusot ko at umalis mula sa pagkakahawak ng bakod sa kuwadra.
"Sus! Ayos lang 'yan Simon, halos lahat naman tayo ay talagang nabibighani kay Senyorita," aniya na siyang ikinakuyom ng kamao ko.
Nilingon ko siya sa aking gilid at kita ang pagkatitig sa aming pinag-uusapan. Inis kong ibinalik ang mata sa kanina pang pinagmamasdan. Mula rito sa kuwadra ay tahimik ko siyang pinapanood. Sakay siya ng paborito niyang kabayo, si Valir. Hindi ko maiwasang mamangha sa kariktan niya.
Nakakaakit na mukha, olandes na buhok, at katawang kahit bata pa'y tila hinog na.
Balita ko ay dose pa lang siya pero para na siyang ganap na dalaga. Hindi ko maiwasang mamangha dahil sa matamis niyang pagngiti, mahinhing pagsasalita at mabining paggalaw. Isa talaga siyang alta.
Isang buwan pa lang akong nagsimulang magtrabaho rito sa hacienda dahil wala na ang Papa. Namatay siya sa sakit niyang pneumonia at wala akong ibang pagpilian kundi palitan siya sa pinagtatrabahuan. Hindi na kasi kaya ni Mama ang mabibigat at nakakapagod na trabaho dahil may asthma siya.
At heto nga, unang pasok ko pa lang ng hacienda ay naagaw na agad ng Senyorita ang atensyon ko. Paano, madalas niyang kasama ang Senyor na lagi rin akong tinatawag sa trabaho. Ramdam ko ang pagkahilig nito sa akin. Ang sabi ng Mama ay isa raw ang Papa sa naging kaibigan ng Senyor kaya't gano'n na lang siguro ang kabaitang pinapakita niya sa akin.
Napatigil ako sa malalim na pag-iisip nang tinulak ako nang tumatawang si Rigor. "Halika na nga! Magpapastol na tayo ng baka," aniya at nauna nang umalis.
Bumuntong hininga na lang ako't sumunod. Aminado ako na sa kinseng edad pa lang ay gusto ko na siya. Iyon ang unang pagkakataon na nakaramdam ako nang matinding atraksyon. Paano'y wala na yatang ibang babae ang hihigit sa kaniya.
Hindi ko akalaing ang pagmamasid ko sa kaniya kahapon ay 'yon na ang huli. Isang linggo akong nag-abang mula sa kuwadra para sana panoorin ulit siya sa pangangabayo nang napag-alaman kong lumuwas na pala siya pa-siyudad.
At muli, sa unang pagkakataon, nawasak ang umuusbong kong admirasyon. Pinilit ko siyang inalis sa aking sistema kahit pa laging bumabalik sa isip ang kaniyang mukha. Nagpatuloy ako sa pagtatrabaho sa hacienda hanggang sa makalipas ang walong taon ay nawalan na ako ng pag-asa.
Bakit nga ba umaasa ako gayong alam ko namang wala akong panabla sa mga mayayamang manliligaw niya? Imposibleng walang nobyo iyon sa Maynila. Imposibleng hindi mataas ang pamantayan no'n sa mga lalaki.
Wala akong balita kung kailan siya babalik kaya't ang pang-uulila ko sa kaniyang presensya ay nalipat kay Winona. Kay Winona na walang ibang ginawa kundi pakitaan ako ng kabaitan. Hindi siya mahirap mahalin dahil maganda siya, malambing at maalaga. Hindi rin lingid sa aking kaalaman ang pagkagusto nito sa akin noon pa man.
"Bakit ka pa naghihintay sa taong hindi ka naman gugustuhin? Sa tingin mo ba, sa dami ng nakilala niyang alta sa siyudad ay magagawa ka pa niyang pansinin?"
Nanikip ang dibdib ko sa kaniyang turan. Alam ko namang totoo iyon pero hindi naman na kailangang ipamukha sa akin. Matagal ko nang tanggap ang parteng iyan.
Pagtuntong ng halos dalawang taong panunuyo at pagpapansin niya ay tuluyan ko na siyang tinanggap bilang nobya. Aminado akong maganda siya maging kaibigan at maganda maging kasintahan. May parte sa aking gusto ang kaniyang pagkatao kaya't sinubukan ko.