Kabanata 21

1.9K 46 13
                                    

Panay ang pasimple kong pag-irap sa tuwing nagbabaliktanaw si Winona sa kanilang pagkabata ni Simon. Hindi naman ako tanga para hindi mahalata na sinasadya niya ang mga iyon. Samahan mo pa ng kaniyang pangisi-ngisi na akala mo kambing.

"Ayaw mo na ba?" I looked at Simon and simply rolled my eyes on him before nodding.

Kanina pa ako tapos kumain dahil kanina pa nawala ang gana kong ngumuya.

"Hala Senyorita, sorry kung na-a-out of place ka sa amin." It was Winona with her irritating fake smile.

"Uh, no. It's fine." Pinakitaan ko rin siya ng pekeng ngiti.

Nahihiya akong tiningnan ni Aling Carmen na tila ngayon lang din natanto ang aking kalagayan. "Pasensiya na Senyorita, napasarap ata ang kuwentuhan namin at bahagya ka naming nakalimutan."

Umiling ako agad bilang pagtanggi sa kaniyang sinabi kahit sa kaloob-looban ay totoo naman. "Ayos lang po talaga." Pasimple kong tiningnan ang relong pambisig na suot. It was already quarter to nine! "Uhm, puwede po ba akong lumabas muna at tingnan si Papáng?"

Tumango lang sa akin si Aling Carmen. Sumabay sa pagkakatayo sa akin si Simon. Inangatan ko siya ng kilay.

"Samahan kita sa labas," aniya at marahan akong hinawakan sa siko.

Napunta ang mata ko kay Winona na nakatitig lang nang mariin sa baso ng juice at nakatikom ang labi. Hindi na lang ako nagsalita at nagpaalam na lang kay Aling Carmen na lalabas na.

"Kanina ka pa walang imik," pagpupuna niya nang makalabas na kami.

Itinago ko ang pagkabusangot. "Wala naman akong masabi."

Hindi na siya nakapagsalita dahil nagawi na ang mga kainuman ni Papáng sa amin. Papáng snapped out from talking then looked at me.

"Yes anak?" His voice was already groggy. Bahagya na ring namumula ang kaniyang pisngi.

I heaved a sigh and lowly muttered, "Ano'ng oras po tayo uuwi?"

Napatingin siya bigla sa kaniyang relong pambisig at napakamot sa batok bago tumingin sa kaniyang mga kasama.

"Nasobrahan natin ang katuwaan, mag-a-alas nuwebe na pala!" Natawa ang mga naroon. Tumayo na siya at tumingin sa akin. "Sige, alis na tayo anak."

Tumungo muna kami sa sala nila Simon para magpaalam kay Aling Carmen at para makapagpasalamat na rin sa kaniyang pag-imbita. Everyone bid their goodbyes on us as we went out. Simon stayed with us until where our jeep wrangler was.

"Kaya n'yo pa bang magmaneho Senyor?" marahang tanong ni Simon.

Papáng barked a low laugh. "Kaya pa Simon!"

Tumungo na si Papáng sa driver seat habang ako ay nanatiling nakatayo sa gilid. The night breeze engulfed us. Wala sa sariling napayakap ako sa mga braso. Hindi gaanong maliwanag sa aming puwesto ngunit nakita ko pa rin ang diin ng pagkakatitig niya nang tinagpo ko ang kaniyang mga mata.

"Pasok ka na. Malamig na."

Tinitigan ko pa siya nang ilang sandali bago masunuring tumango. Naiinis pa rin ako dahil kay Winona ngunit hindi naman siguro tamang maging sa kaniya ay mainis din ako.

"Gusto mo ba talaga ako Simon?" I saw him taken aback. "O nakikisakay ka lang sa mga kagustuhan ko dahil amo mo ako?"

Simon snatched a glimpse from Papáng inside our jeep before withdrawing a deep breath. "Kailan ka ba maniniwala sa mga salita ko Cresencia?" He lowered his voice, not wanting anyone to hear his words.

Napalunok ako nang malalim bago marahang napaatras. Tumigas ang kaniyang ekspresyon at tumindig ng tayo.

"U-uwi na kami," nausal ko na lang bago nagmadaling pumasok sa loob ng sasakyan.

Sprouted Desire ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon