Tahimik kaming naglakbay patungong maisan. Kung dati ay mahilig ko siyang daldalan, ngayon naman ay nanahimik ako. I should be kept in mind that this man was already taken. Off-limits na. Napasimangot ako sa kaisipang iyon.
"Tahimik ka," pagpupuna niya habang ang mata'y nasa harapan ng aming dinadaanan.
"Wala naman akong sasabihin," anas ko at mas pinabilisan si Valir sa paglalakad.
"Ayos ka na ba ngayon, Cres?" Kita ko siyang sinulyapan ako. Agad na namang nagrigudon ang puso ko sa pagtawag niya sa aking pangalan. "Sobra kaming nag-alala sa 'yo kahapon."
Marahan akong tumango at saglit siyang sinulyapan. "Takot lang talaga ako sa dugo kaya hilig kong mawalan ng malay kapag nakakakita niyon."
Hindi na siya nakapagsalita pa dahil ilang metro pa lang ang aming layo ay kita ko nang kumakaway ang nakasumbrerong si Rigor. Sa tabi niya ay si Papáng at ilang mga tauhan habang nakatitig sa malawak na maisan.
Nagawi ang mata sa amin ni Papáng at kita ko ang kaniyang ngisi. Nang mapagtanto ko kung para saan iyon ay napasimangot ako. Matutuwa sana ako kung wala lang sabit si Simon.
"You're early," Papáng muttered as I stepped down the grass.
Kinuha ni Simon ang tali ni Valir at agad ko namang ibinigay iyon. Tinali niya ito sa gilid ng kubo. Lumapit pa ako kay Papáng at nakitanaw rin sa malawak na maisan. Halatang puwede nang pitasin ang bunga nito.
"Wala naman po kasi akong gagawin sa bahay," katuwiran ko.
Nginitian ako ni Rigor nang magtama ang aming mga mata. Ngumiti lang din ako nang tipid. Naramdaman ko ang pagtabi sa akin ni Simon.
"Saan mo pa ba balak gumala anak?"
Kaswal akong humalukipkip kahit pa bahagyang kinabahan sa presensiya ng katabi ko. "Dito lang muna sa maisan Papáng. Can you tour me around?" Iginala ko pa ang mata sa paligid. Mas lumaki ang storehouse ilang lakad mula rito sa aming puwesto.
Napakamot si Papáng sa noo. Nakagat ko ang pang-ibabang labi dahil parang alam ko na ang sagot. "Hindi kita masasamahan ngayon anak. Tutungo ako sa manggahan para tingnan ang mga tauhan at babalik din dito mamaya para planuhing anihin na ang maisan."
Mapang-unawa akong tumango. "Ayos lang naman po."
"Nandiyan naman si Simon," agap niya at tiningnan ang binanggit. "Hindi muna kita uutusan ngayon ngunit ikaw na ang bahala sa anak ko." Tumawa pa si Papáng nang marahan.
Ramdam ko ang pagtango ng huli, "Walang problema Senyor."
Lihim na kumalabog ang aking puso pero agad ko rin iyong iwinaksi. Naglagi pa kami ng ilang minuto kasama si Papáng hanggang sa nagpaalam na nga silang tutungo na sa manggahan. Sumunod ang mga tauhan at tanging iilan na lang kaming naroon ang natira.
Hinarap ko na siya matapos makasagap ng sapat na lakas. "Kaya ko namang ako na lang ang maglibot ngayon."
Iling ang agad niyang sagot. "Sasamahan kita."
Hinuli niya ang mata ko at kita ko kung paano bumaba ang kaniyang tingin sa aking kabuuan. Nag-init ang aking pisngi sa pagyakap ng hiya lalo na't napakunot-noo siya habang nakatitig sa hantad kong hita. Hindi naman masyadong maikli ang maong shorts ko pero kung tingnan niya ito ay parang sobrang ikli niyon.
"P-pangit ba?" Muntik ko nang mamura ang sarili sa kaba at pagkautal.
Bumalik ang mata niya sa 'kin ngunit ang pagkakakunot-noo ay naroon pa rin. "Komportable ka ba sa suot mong 'yan? Sumakay ka pa kay Valir kanina." Parang ngayon niya lang ata talaga napansin ang aking kasuotan.