Kabanata 24

1.7K 39 2
                                    


Mula sa pagtunganga sa bintana kung saan saksi ako sa paghagupit nang malakas na bagyo ay napatda ako nang mag-ring ang cell phone ko. Dali-dali ko iyong pinindot nang makita ang pangalan ni Simon.

"Simon," I murmured slowly but deep inside, my heart was ramming so fast.

Rinig ko ang kaluskos sa kabilang linya. "Cres..."

Napangiti ako nang muling marinig ang malalim niyang boses. "I miss you, Simon." Ipinatong ko ang mga binti sa kinauupuan upang mayakap ang mga tuhod.

"Miss na rin kita Cresencia." Mas lalong gumaspang ang tono nito na siyang nagbigay ng ibayong kiliti sa aking kaibuturan. "Kailan kayo makakauwi?"

Malungkot akong napatingin sa aking mga paa. Nandito kami ngayon sa bahay nila Wendell ng apat na araw na. We came here last Monday and still trapped here because of typhoon. Gustuhin ko mang ipagpilit na umuwi ay matigas na tumanggi si Mamáng. Baka raw mapaano kami sa daan na siyang ginatungan naman ni Wendell.

Luckily, his sister got married first before the typhoon arrived during their reception. Sa ngayon nga ay masama pa rin ang panahon. Ayon naman sa balita ay papalabas na bukas ang bagyo pero mananatili pa ring masama ang lagay ng panahon.

"I-I don't know. Gusto na kitang makita." Tunay akong nangungulila sa kaniyang presensya. Ganito pala ang pakiramdam na malayo sa kaniya.

"Hihintayin kita sa pagbabalik mo." Tumango ako kahit hindi naman ako nito nakikita.

Four days turned to a week and all I did was to get along with Wendell's family as Mamáng instructed me. They were okay to be with but I wasn't really comfortable every time they tried to open the topic about my future with Wendell. And I was thankful that one week was already enough.

Umayos na ang panahon. Sa katunayan ay maganda na ang sikat ng araw. Matapos ang isang linggong paglalagi roon ay uuwi na rin kami sa wakas. Mabilis kong ipinalagay sa aming driver ang aming mga bagahe bago lumingon sa pamilya ni Wendell. They were all standing in their door way.

"Maraming salamat po sa pagpapatuloy sa amin Tita," I smiled at Wendell's mother before giving her a peck on her cheeks.

She held my arm and gently squeezed it as she smiled. "Para saan pa't magiging parte ka na rin ng aming pamilya?"

Everyone laughed because of her remark. Tumagilid naman ang pagkakangiti ko.

As if I would let it.

Nagpaalam na rin ako sa ama ni Wendell bago sa kaniya mismo. Wendell just nodded and hugged me tightly before he let go. Mamáng did the same before we finally bid our goodbyes.

Malaki ang ngisi ko habang binabaybay namin ang daanan pauwi. One week seemed like a year to me! Miss ko na ang hacienda, si Valir, si Papáng at siyempre si Simon!

"Papáng!" Napatili ako at agad siyang dinamba ng yakap.

He laughed out loud as he hugged me back. "My princess! Ah, na-miss kita anak."

Kumalas ako sa kaniya at ngumiti. "I've missed you too!"

Sunod na bumaling si Papáng kay Mamáng at inalalayan itong pumasok sa loob. Nangingiti ko silang pinagmasdan. Nang mawala sila sa paningin ko ay agad kong inilabas ang cell phone at tinawagan si Simon.

Lumabas ako ng bahay at tinanguan lang ako ng tauhang tagabantay. Buti na lang at hindi si Mang Dorio ang nandoon dahil tiyak na magtatanong iyon kung sakali.

"Hello Simon? I am here now! I want to see you!" atat kong sambit habang naglalakad patungong kuwadra.

I planned to go to their house today to visit him. Kagabi kasi ay sabi niyang hindi muna sila pinapapasok ni Papáng sa hacienda, maliban na lang sa ibang tauhan na siyang taga-tingin ng mga pananim at mga hayop sa rancho.

Sprouted Desire ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon