Tahimik naming binagtas ang daan pauwi. Wendell kept on complaining that we shouldn't have left yet.
"It was fun swimming in that river huh? Next time I want to spend a whole day with you in there."
Hindi ko ito nilingon dahil ang mata ko'y nakatutok sa aming unahan kung saan kanina pa walang imik si Simon. He was riding another horse but the impact I felt when he was riding Brisko back then was still there. Ang lakas pa rin ng kaniyang dating.
Nakarating kaming tatlo sa bahay. Agad dumalo sa amin si Mang Dorio at nag-aalala kaming tiningnan nito.
"Bakit basa kayo Senyorita?" aniya at pinasadahan pa kami ng titig.
Umihip ang pangtanghaling hangin kaya't mas hinamig ko ang sarili. Sumigaw si Mang Dorio at mayamaya pa'y lumabas si Babet na may dalang tuwalya sa magkabilang kamay.
Simon got the pink one and handed it to me while Babet gave the other one to Wendell.
"Salamat," mahina kong wika at inangatan siya ng tingin pero wala pa ring pagbabago sa kaniyang anyo.
Pumasok na kaming tatlo sa loob ng bahay at kita ang nagtatakang mukha ni Mamáng na pabalik-balik ang tingin sa amin ni Wendell.
"What happened?" She approached us and held Wendell on his shoulder.
"We just had fun Tita. Ang sarap pa lang maligo sa ilog n'yo. Right Cres?" Wendell glanced at me.
Nawala ang pag-aalala sa mukha ni Mamáng at napalitan nang malawak na ngiti. "Oh, is that it? Mabuti naman at nagkaroon kayo ng quality time together."
Sumulpot si Papáng na mula sa kusina. Hindi na siya nagtanong kung ano'ng mayro'n dahil ang hula ko'y narinig na niya ang usapan kanina. He looked at me before the man standing behind me. Alam kong si Simon iyon dahil hindi pa rin magkandaugaga ang sistema ko.
"Magpalit muna kayo sa taas at bumaba na para sa tanghalian," he announced which Mamáng agreed at. "Simon, sumabay ka na sa tanghalian dahil hindi pa tayo tapos mag-usap," dagdag niya na lalong nagpakalabog ng dibdib ko.
I bit my lower lip and looked behind. He looked intimidating with his height. Matangkad din naman si Wendell ngunit kung pagdidikitin silang dalawa ay walang-wala ang huli. His face was stoic and firm. Tuwid lang siyang nakatayo at naghihintay ng habilin. His dark eyes darted on mine. Nahigit ko panandalian ang hininga bago nag-iwas ng tingin at nasalubong ang naghihintay na mukha ni Wendell.
"Let's change our clothes now, Cres. Buti na lang pala at nagdala ako ng extra clothes sa sasakyan."
Tumungo kaming dalawa sa ikalawang palapag. Babet gestured Wendell to the guest room while I went to my room and took a quick bath. Habang nagbibihis ng panibagong damit ay hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba. Simon would eat with us! Mas maganda sana kung wala si Wendell ngayon.
Nagsuot na lang ako ng off shoulder floral dress bago bumaba. Dumiretso na ako sa dining dahil rinig ko na ang pagkalansing ng mga gamit. There I saw Papáng in the middle with Mamáng on his right side and Wendell on Mamáng's opposite side.
"Maupo ka na sa tabi ni Wendell, Simon," Papáng muttered and Simon obliged.
"Who is he, Gregorio?" Mamáng's eyebrow lifted.
"Isa sa pinagkakatiwalaan kong tauhan Celistina."
"Oh, you're just a worker here?" Singit naman ni Wendell. I didn't like the sound of it.
Bago pa may makasagot ay tumikhim na ako kaya't lahat sila'y nagawi sa akin.
"Cresencia, sit here," Mamáng tapped the chair beside her.