Kabanata 41

2.5K 66 21
                                    


Buong maghapong tumatak sa isip ko ang litratong nakita sa kuwarto ni Silious. Gustuhin ko mang magtanong sa mga tao rito ay wala naman akong sapat na lakas. Simon didn't go home with Donya Melvira for lunch. Ang anunsiyo ng isang tauhan ay kumain na raw ang mga 'to sa planta.

I heaved a sigh as I clutched on my shirt, where my heart was aching real hard. Tapos na akong umiyak kanina habang natutulog si Silious ngunit hindi pa yata roon magtatapos.

Aling Carmen... she was such a kind and loving mother. Hindi man kami madalas na magsama at mag-usap noon ay aminado akong masaya ang bawat minutong nakasama ko siya.

"Mukhang gagabihin po sila Sir, Ate."

Napalingon ako sa nagsalita. It was Shiena who was also looking outside where brightness was starting to fade away as darkness was taking over. Hawak niya sa mga braso ang anak kong naglulumikot ang mata. Kakukuha niya lang sa 'kin kay Silious kanina dahil aniya'y baka pagod na raw ako sa pagbuhat.

I passed Silious to her not because I was already tired but because of thinking too much, I couldn't properly concentrate.

Napatingin ako sa relong pambisig at muling napabuntong-hininga. It was quarter to six and I needed to go home. Gusto ko pa sanang hintayin si Simon at tanungin ang tungkol kay Aling Carmen ngunit sa tingin ko'y hindi ko magagawa iyon ngayon.

Pinagmasdan ko si Silious bago muling binuhat ito. Pinugpog ko ito ng halik sa mukha na siyang nagpahagikgik sa kaniya. Kahit papaano'y nabawasan ang bigat sa dibdib ko. I wanted to go home with him but I didn't want to provoke Simon.

Muli kong sinulyapan si Shiena at nakakaintindi naman itong kinuha ulit si Silious sa akin. "Ingat ka po pauwi Ate," aniya habang sinasamahan ako palabas.

"Pakitingnan si Silious Shiena ha, una na ako." Paalam ko bago tuluyang bumukas ang gate.

Kumaway ako sa kanilang dalawa at nagpasalamat sa dalawang guwardiya sa labas bago tumawid upang maghintay ng masasakyan pauwi.

When I got home, I saw Kristine sitting at our mini sala while fidgeting her phone. Nag-angat siya ng tingin nang maramdaman ang presensiya kong pumasok. Nanlalanta man ang pakiramdam ay nagawa ko pa rin siyang ngitian.

"Hi, how's Mamáng?" I muttered as I removed my footwear and placed it in the corner.

Tumayo ang dalaga at nilingon ang nakasaradong kuwarto ni Mamáng. "Kanina pa po siya nakatulog pagkatapos ng session nila ni Kuya Niko."

Tumango ako at dumiretso sa kusina para uminom ng tubig. Nang lumingon ako ay nakahanda na si Kristine sa pag-alis. Akma sana akong kakapa ng pera sa bulsa nang makita ko ang agad na pag-iling niya. Naalala ko nga pa lang ayaw niyang tumanggap ng pera.

Huminga ako nang malalim at lumapit sa kaniya. "Halika, ihahatid kita."

Masaya siyang tumango. "Uhm, Ate..." tumikhim ito kaya't nagawi ako ulit sa kaniya. "Kaya po siya agad nakatulog kanina ay dahil halos isang oras din po siyang umiyak habang yakap-yakap ang urn ni Senyor," tukoy nito kay Mamáng.

Parang may nagbara sa aking lalamunan. Ngayon lang na naman kasi umiyak si Mamáng nang dahil kay Papáng. Madalas siyang walang emosyon sa mukha at nag-iilusyon sa dati naming pamumuhay kaya't nakakapanikip ng dibdib na malaman iyon ngayon.

Dahil kaya ito sa session nila ni Niko? Most probably. But if that was the case, then there was a huge possibility that Mamáng could be back to her real self sooner or later.

Matapos kong ihatid si Kristine ay dumiretso na ako ng kusina para maghanda ng makakain sa aming panggabihan. I picked two eggs and a can of sardines, mixed it together and cooked it. Muling naglakbay ang isip ko kay Aling Carmen. Ramdam ko ang pangingilid ng aking luha sa kaisipang pumanaw siya nang hindi man lang kami masyadong nagkausap noon bago kami tumira sa Marikina.

Sprouted Desire ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon