Kabanata 4

2.7K 79 12
                                    


Hindi na ako nakabalik pa matapos naming mamasyal sa manggahan. Gusto ko sanang bumalik pa para kausapin si Simon. Hindi ako nakapagpaalam sa kaniya nang maayos dahil malayo pa lang ay kita ko na ang maarteng pamamaypay ni Mamáng sa balkonahe ng ikalawang palapag ng bahay.

Kumain na lang ako ng tanghalian at namahinga sa veranda. Nakatingin ako sa maisan pero ang aking isip ay lumulutang.

Was it possible to like a man that fast? Maybe yes and maybe no.

Sino nga ba naman ang hindi mabibighani kay Simon? He had features of a man that were rare to find these days. Namamangha naman ako sa mga lalaking modelo lalo na noong nag-aral ako sa Manila pero iba ang hatak ni Simon sa akin.

I heaved a sigh and played my food on the table. Mula rito sa aking kinauupuan ay nakikita ko ang kubong tinutukoy niya kanina. Naaaninag ko ang mga tao na para bang langgam pero hindi ko makita ang kanilang mukha dahil sa malayong distansiya.

Itinukod ko ang mga siko sa mesa at ipinatong doon ang baba. Kung mamamasyal ako uli bukas, gusto kong siya uli ang kasama.

Kinabukasan ay maaga akong muling nagising. Parang may sariling pag-iisip ang aking mga paa na tumungo agad sa malaking bintana. Inilihis ko ang puting kurtina pagilid at tumambad sa akin ang kagandahan ng hacienda.

Agad hinanap ng mata ko ang kuwadra kung saan nagba-baka sakaling muli siyang makita. Napasimangot ako ng ibang mga mukha ang nakita ko roon. Humilig ako sa haligi ng aking bintana at humalukipkip.

Bakit wala roon si Simon?

Huminga ako nang malalim at napailing sa sarili. Bakit nga ba atat akong makita siya uli? Akma na akong tatalikod sa aking bintana nang matigilan sa natanaw.

Pinaliit ko pa ang aking mata, waring sa ganoong paraan ay makita ko siya nang mas malinaw. Wala sa sarili akong napangiti. Nandoon siya sa loob ng malalaking bakod, nagpapakain ng mga manok. Kung kahapon ay makisig siyang tingnan dahil sa kaniyang kasuotan, ngayon naman ay mas lalo akong humanga.

He was wearing a sleeveless black shirt and a dirty rugged jeans! His tanned skin was visible as I glanced at his muscled arms while throwing the chickens' food. Nakatagilid siya sa aking gawi ngunit base pa lamang sa kaniyang itim at magulong buhok, mamasel na katawan at nakakalaway na tindig, alam kong siya 'yon!

Ilang minuto ko pa siyang pinagmasdan bago kuntentong napangiti. Nag-ayos na ako ng sarili sa banyo bago masayang bumaba sa hagdan. Binati ako ng mga kasambahay at malugod ko rin silang binati pabalik. I just couldn't swipe off the smile on my face. Well, looking Simon from afar already made my day!

Gusto kong batukan ang sarili dahil siya na lang lagi ang nasa isip ko. Kagabi ay hindi rin ako gaanong nakatulog dahil sa kaiisip sa kaniya.

I honestly wanted to get to know him more! I'd never been interested to anyone until him!

"Baka hindi ako rito mananghalian mamaya." Pinunit ni Papáng ang katahimikang namayani sa hapag habang kami ay nag-aalmusal.

Agad akong naalerto sa kaniyang sinabi. "Bakit ho?" Usisa ko matapos punasan ang bibig gamit ang table napkin.

Ngumiti siya nang mabini sa akin. Halata man ang pagkulubot ng kaniyang noo dahil sa simbolo ng kaniyang katandaan ay hindi pa rin naaagnas ang kaniyang kaguwapuhan.

"Sisimulan na namin ang pagpipitas ng mga mangga. We are the number one supplier of mangoes in our town after all."

"Puwede po ba akong sumama?" atat kong tanong.

"Lalabas ka na naman? Mabibilad ka na naman sa araw Cresencia," singit ni Mamáng at humigop sa kaniyang tsaa.

Tiningnan ko siya at matalim ang titig niya sa akin. "Lagi naman akong naka-long sleeves Mamáng. At isa pa, may sumbrero namang panangga sa sikat ng araw." Bumaling akong muli kay Papáng. "Gusto kong sumama Papáng!"

Sprouted Desire ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon