Panay ang pagbati sa akin ng mga tao sa tuwing napaparaan ako sa kanila. Bilang ganti naman ay tumatango ako o 'di kaya'y ngumingiti habang sakay ako ni Valir na naglilibot ngayon sa hacienda.Yesterday's nostalgia engulfed me.
It had been what?
I shook my head and traveled my eyes around. Mabining hangin ang humahampas sa aking mukha na pinatungan ng sumbrero. Ang buhok ko'y nakatirintas nang pang-isahan at malayang nililipad ng hangin.
Si Valir ang matalik kong kaibigan simula pagkabata. Ito ang panganay na anak ng paboritong kabayo ni Papáng. Lagi ko itong kasa-kasama sa mga lakad ko rito sa loob ng hacienda mula pa man noon hanggang ngayon. And riding him right now brought me back to my younger years!
I was just five years old back then when Valir came into my life. I was ecstatic that time because like Papáng, I also loved horses. Ngayon nga ay hindi ko akalaing higit na sa isang dekada ang pagkakaibigan namin ng kabayo ko.
I was busy looking around when I decided to stop in the middle of our small mango plantation. Mas lalo nga itong lumago at dumami na siyang madalang makita sa bukirin ng bayan. Sa tabing linya nito ay ang mahabang pila ng puno ng niyog. The sun rays were covered-up by the large and lawny mango trees. Hindi tumatagos ang sinag ng araw sa magkakadikit na puno kaya't magandang maglakad-lakad habang sinasamyo ang malamig at sariwang hangin.
Itinali ko muna si Valir sa isang puno at nagpasyang libutin ang kahabaan ng puno ng mangga. Gano'n pa rin naman ang itsura nito tulad ng dati, dumami nga lang at humaba ang linya ng mga puno kaya't hindi mo makalkulado kung hanggang saan ang dulo nito.
I was wondering where these plantations end? Bata pa lamang kasi ako ay hindi na ako masyadong napapasyal dito dahil ayaw ni Mamáng. Hanggang sa labas lang ako ng bahay at bakuran noon.
Pakanta-kanta pa ako nang mahina habang patuloy sa paglalakad patungong kadulu-duluhan.
Province was indeed far way different from the city.
Hindi naman ako nangangamba dahil lahat ng taong naririto ay may takot sa aming angkan at may malaking respeto. Iginagalang at iniingatan kami ng mga mamamayan ng hacienda Virantes kaya't hindi nakakatakot magliwaliw mag-isa.
Nakita ko sa kalagitnaan ang ilang mga mabababang puno ng mangga na nag-uumapaw sa bunga. Bigla akong natakam. Hindi naman siguro magagalit si Mamáng 'pag nalaman niyang kumain ako nito. Sa kanilang dalawa ni Papáng, si Mamáng talaga ang medyo kinatatakutan ko. Napakaistrikto at perfectionist nito pagdating sa akin. Samantalang si Papáng naman ay binibigay lahat ng gusto ko at hindi gaanong mahigpit sa akin. That was why they called me "Papa's girl".
Nang makalapit sa aking patutunguhan ay agad akong nag-abot ng isang hinog na mangga. Binalatan ko ito gamit ang kamay sapagkat malambot naman. Akmang isusubo ko na ito nang may baritonong boses ang nagsalita sa aking likuran.
"Hindi n'yo po muna maaaring kainin iyan Senyorita kung hindi pa nahuhugasan."
Bahagya mang napatalon sa biglaan niyang pagsulpot ay agad din akong nakabawi. Hindi ko pinansin ang pagtaas ng aking buhok sa batok pababa.
Nabitin sa ere ang aking kamay at nakangangang humarap sa taong nambitin sa akin sa pagsubo. Siniringan ko siya ng mata dahil ito ang unang pagkakita ko sa kanya. Hindi ko naman ito matandaan kung nakasalamuha ko ba noong bata pa ako.
May kaitiman ang taong kaharap ko.
Tan was the best word to describe his skin. Base sa kanyang panlabas na anyo ay binatilyo pa lamang ito. Hindi siguro nagkakalayo ang aming edad. Maitim ang kanyang mga mata at napaka-aristokrato ng kanyang ilong. He had thick eyebrows and a perfect squared jaw!