Kabanata 16

1.8K 50 6
                                    

"Hindi ka ba pagagalitan dito?" For the ninth time, I laughed again.

"Hindi nga, nakapagpaalam na ako kay Papáng." I told Simon before caressing Valir's face. Huminga ako nang malalim at tiningnan siya. "Ayaw mo ba? Sige, uwi na lang tayo." Parang ngayon ko lang napagtanto na hindi ko man lang tinanong kung gusto niya ba talaga akong samahan ngayon.

Agad siyang umiling. "Ayos lang naman. Nag-aalala lang ako sa 'yo."

"Maliwanag naman ang buwan at maganda ang panahon ngayon..."

Seryoso niya akong tinitigan bago bumaba ang kaniyang titig. Bahagya akong binalot ng kakaibang pakiramdam.

"Ayos lang ba talaga sa 'yong si Valir lang ang sasakyan natin? Isa pa, ganiyan ang suot mo." Marahas siyang bumuga ng hangin sa baga pagkatapos.

I bit my lower lip as I felt my cheeks heat. "A-ayos lang naman."

Tumango na lang siya bago tinapik ang likuran ni Valir. Tinulungan niya akong iangkas nang magkadikit ang mga tuhod at nakaharap sa gilid. Nilingon ko ang aming bakuran at halatang wala man lang nakakapansin sa amin. Marahil ay masyado silang abala roon which was good on my part.

"Kumapit ka," bulong niya nang makaangkas na rin siya sa kabayo at nagdikit ang aming mga katawan. Ikinulong niya ako sa kaniyang mga bisig habang hawak ang tali.

Gumalaw na si Valir. Ipinagpasalamat kong hanggang dito ay rinig ang tugtog dahil kung hindi ay baka narinig na nila ang pag-ingay ni Valir bago tumakbo palayo. The night breeze engulfed us. Mas lalo akong napirmi sa kinauupuan dahil sa lamig lalo na't hindi pa ako nagpalit ng damit.

Ramdam kong kinabig ako lalo ni Simon padikit at halos iyakap na ang mga braso sa kanipisan ng aking baywang. Ninamnam ko ang pagkakataong ito. I promised to myself that this would be the first and last time I'd snatch Simon from someone. Kahit ngayong kaarawan ko lang, makasama ko siya nang matagal ng walang taong nakakaalam.

Malayo ang ilog mula sa bahay at palayan. Ngayon nga ay binabagtas na namin ang manggahan at niyogan. Ang ilaw mula sa buwan ang siyang nagsilbing liwanag namin sa paligid. Kung hindi ko lang siguro kasama si Simon ngayon ay tiyak kong takot akong tumungo rito kahit iba pa ang kasama.

"Malapit na tayo," Simon announced as I took a glimpse of the acacia tree.

Ang malaki at matandang acacia'ng iyon ay nasa tabi lamang ng ilog. Naaalala ko noong doon ako umiidlip sapagkat malilim at presko ang hangin pagkatapos kong magtampisaw.

Ilang minuto pa'y rinig ko na ang ingay ng rumaragasang tubig. Humantad sa aking paningin ang kumikislap na ilog dahil sa sinag ng buwan. The river was calm, contrary to my beating heart.

Bumaba si Simon kay Valir bago ako inalalayan pababa. Laglag panga kong pinagmasdan ang ilog. Dahil sa tag-ulan ngayon ay muli siyang nagkatubig.

"Still breathtaking," I mumbled before walking near it.

I was enthralled by its beauty—be it daytime or nighttime.

Inalis ko ang tsinelas at inangat ang suot na dress. Saglit ko munang nilingon ang aking kasama at kita ko siyang itinatali si Valir sa acacia kung saan gumawa ako ng pagtatalian niya noon.

A tingling sensation crawled to my skin when the cold water touched my bare feet. Mas lalo kong itinaas ang laylayan ng suot upang mas makalayo nang kaunti.

"Huwag mo sabihing maliligo ka?" Nilingon ko si Simon at nakataas-kilay ito sa akin habang nakahalukipkip.

Mas lalo siyang nakakahumaling pagmasdan dahil sa sinag ng buwan na tumatama sa kaniyang mukha.

Sprouted Desire ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon