Kabanata 33

1.9K 51 15
                                    

Hindi ako mapakali habang papatagal nang papatagal ang oras. Parang lumilipad sa alapaap ang aking utak dahil wala akong maprosesong matino. Ang tanging nakatatak na lamang sa aking isip ay si Papáng na itinakbo sa hospital!

Nanginginig akong napahilamos sa buong mukha at napatingala. Umusal ako nang taimtim na dasal na sana ay ayos lang si Papáng. The horrific scene a while ago kept haunting me! That was the very first time I almost choked in too much fear. Hindi ko alam ang gagawin kung may nangyaring masama sa kaniya.

I wanted to follow them, go to the hospital and know everything but I just couldn't leave my son. Hindi ko rin maatim na iwan muna siya sa kung sinong taong puwede diyan. Taranta na lamang akong pabalik-balik sa loob ng silid habang si Simeon ay himbing sa pagtulog.

That night, I literally didn't sleep at all. Umuwi lang si Mang Dorio bandang alas-nuwebe ng gabi at nanguha ng ilang gamit ni Mamáng at Papáng. Nang tinanong ko siya kung kumusta sila, ang sabi niya'y ayos lang naman daw at ini-examine pa si Papáng. Naiinis ako sa aking sarili dahil wala man lang akong magawa bukod sa paghintay sa kanilang pagbalik.

Dalawang araw silang hindi umuwi na lalong nagpalala ng kaba ko. Para akong tangang nakaabang lang magdamag sa labas ng bintana, hinihintay na makita ang aming sasakyan at sakay sila.

Muli na naman akong napaiyak nang magdadapit-hapon na ay bigo na naman ako. I was getting worrier and scarier each passing hour. Tila ako aatakihin sa antisipasyon at pag-iisip ng kung anu-ano sa kanilang kalagayan lalo na kay Papáng! I reminisced the moment he came here—how I didn't recognize him because of his sudden changes. Nagbalik sa aking isip ang kaniyang pagkapayat, pag-iiba ng kulay ng balat maging mata at maging ang kawalan nito sa ganang kumain.

Mariin akong pumikit kasabay ng pagkibot ng labi. Sana ay walang masamang nangyari sa kaniya. Muli ko na namang itinulog ang gabing iyon na puno ng takot at pag-aalala.

Hindi pa lang sumisikat ang araw ay naalimpungatan ako sa ingay na nanggagaling sa kusina. Hindi ko kasi isinara ang pintuan ng kuwarto para kung sakaling dumating sila Mamáng ay mapapansin ko.

Humikab ako't naupo sa kama. Tiningnan ko ang orasan at nakitang alas-kuwatro pa lang ng madaling araw. I stared at Simeon for a few seconds before planting a kiss on his forehead. He moved a bit but managed to return to his deep slumber.

Pupungas-pungas akong lumabas at sinundan ang ingay. Nang makarating sa kusina ay halos mapalundag ako sa tuwa nang makita si Mamáng.

"Mamáng!" I exclaimed and immediately gave her a tight hug. "Buti't nakauwi ka na? How's Papáng?" Sunod-sunod kong untag habang yakap-yakap siya.

She put down the knife on the countertop and hugged me back. Akma akong kakalas nang mas humigpit lalo ang kaniyang yakap. Napakunot-noo ako habang hinahaplos siya sa kaniyang likuran.

"M-Mamáng... is there something wrong?" Pumintig nang malakas ang aking puso. Mabilis ding gumapang ang nerbiyos sa aking sistema.

Umiling ito sa aking balikat habang hindi pa rin kumakalas. Maya't maya pa'y nagsimula nang manginig ang balikat nito kasabay nang paghigpit ng kapit niya sa akin. Kusang nagtubig ang aking mga mata. Wala pa man, ay sobra nang naninikip ang aking dibdib.

"C-Cresencia..." her voice cracked and it shattered me into pieces. "Si Gregorio," dagdag niya bago tuluyang napahagulgol sa aking balikat.

Tatlong salita lang naman ang narinig ko ngunit parang ilog nang umagos ang luha sa aking mga mata. I hugged Mamáng tighter and clutched on her like my life depended on it. Ilang minuto kaming nagtangis sa balikat ng isa't isa hanggang sa tuluyan siyang kumalas, nanghihina.

Suminok ako at parang batang pinahiran ang sariling luha. "How's P-Papáng, Mamáng?" Ulit ko sa tanong kanina at kumurap-kurap pa pero talagang malabo na ang paningin dahil sa hindi matigil na luha.

Sprouted Desire ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon