Tatlong araw ang lumipas at sa tatlong araw ding iyon ay walang mintis sa pagbisita si Simon sa labas ng bahay. I was thankful that Mamáng didn't fret about it again. Paano kasi'y lagi itong nagmamasid sa tuwing bumibisita ang huli. As for Simon, I let him visit me but I was not taking too much time talking to him. Kung ano-ano na ang mga nagagawa kong palusot mapauwi ko lang siya kahit pa man wala pa siyang isang oras na kausap ako.I couldn't push him away just like that 'cause it hurt me twice. Though there were times where I didn't wanna see his face.
"Gano'n ba? Kailan mo ba balak bumisita sa bahay? O bumalik na magtrabaho? Mahigit isang linggo ka na lang kasing nandito sa bahay n'yo," sunod-sunod niyang wika na bahagyang nagpahilot sa aking sentido.
Nakaupo kami ngayon sa living room dahil tinatamad akong tumambay sa aming bakuran. Buti na lang at wala rin si Mamáng dahil nag-shopping ito kasama si Rica kaya't alam kong mamaya pa ito uuwi. Si Papáng naman ay nasa hacienda.
I didn't want him to be out of my sight but his presence at that moment made me feel irritated too. "I'm tired Simon, puwede bang magpahinga na ako?" I murmured lowly, massaging my temples. I guessed, I woke up on the wrong side of the bed.
Tumagal nang ilang segundo ang titig niya sa akin. "Pero kabababa mo lang." Tila sa sarili nito inusal iyon pero narinig ko pa rin. Mayamaya pa'y bumuntong-hininga na lang siya at marahang tumango. "Sige, aalis na ako. Huwag kang magpapagutom. Sana sagutin mo ang tawag ko mamayang gabi, lagi kasing nakapatay ang cp mo."
Natuyot ang aking lalamunan dahil sa kaniyang sinabi. "I... I'll try," alanganin kong sagot sa kaniya pero ang mata ay nakatanaw sa labas. Lumapit siya sa akin at nagulat ako nang patakan niya ako ng halik sa noo.
"Alis na ako Cres," pagkasabi no'n ay tumalikod na siya at dumiretso ng labas sa bahay.
Nang tuluyan ko na siyang hindi makita ay parang gusto ko naman siyang habulin para amuyin. Naiinis na napasabunot ako sa buhok bago padabog na tumayo. Hindi ko na nagugustuhan ang mabilis na pagpapalit ng mood ko. Tumungo na lamang ako sa kusina para maghalungkat ng ice cream sa ref.
Napangisi ako nang makakita ng ube flavor at iyon ang sinimulan kong nilantakan. Kita ko pa ang pagtitig ng ilang kasambahay ngunit nginitian ko na lamang sila.
The next days came and they were all the same. Parang nakasanayan ko na rin ang ipagtabuyan si Simon at hindi na ako natutuwa sa sarili ko. Was it because of my pregnancy? I didn't even know.
"Cresencia, nakikinig ka ba?"
Natigil ako sa paglalakad at binalingan ito. Mamáng's not in the house again that's why I agreed to go out with Simon this time. Nagpaalam naman ako kay Papáng na tatambay lang kami sa kuwadra at agad namang pumayag ito.
"Huh?" Ngayon lang ako nanumbalik sa reyalidad. "A-ano nga ulit 'yong sinasabi mo?" Lutang kong dagdag.
Kita ko ang bahagya niyang pag-iling bago ako marahang hinawakan sa braso para iupo sa upuang nasa labas ng kuwadra. "Ang sabi ko, parang hindi maganda ang pakiramdam ni Mama nitong mga nakaraang araw."
Dumagsa agad ang pag-aalala sa akin. "Then she should be checked by doctors!"
Kumamot ito sa batok. "B-baka kasi kulangin 'yong ipon ko eh."
Saglit akong natahimik. "I'll lend you some money—"
"Hindi. Kaya kong pag-ipunan pa kung may kulang man. Nebulizer lang siguro ang kailangan ni Mama."
Hindi na ako ulit nagsalita pa. Muli na namang nagkuwento si Simon pero ang isip ko'y tinangay na naman ng hangin. I was contemplating if should I tell him about my pregnancy or not. But then, Mamáng's voice echoed inside of my head again.