Kabanata 23

2K 54 13
                                    


"Why are you so late today? Hindi ka na tuloy nakasama sa aming magsimba."

Napahawak ako sa balakang at dahan-dahang lumapit sa hapag. Kita ko ang pagsunod ng mata sa akin ni Babet na nakatayo sa gilid. Maliit ko lang siyang tinanguan bilang pagbati. Ramdam ko ang agarang pag-iinit ng aking pisngi.

"Good afternoon, Mamáng. Si Papáng?" I asked instead.

She eyed me from head to toe. Wala sa sariling dinamba ako ng kaba. "Tumungo sa kabilang bayan. May kikitain daw na kaibigan." Tumango na lang ako dahil wala akong masabi. "Why are you walking like that?"

I stopped in the middle of sitting down and nervously looked at her. Kita ko sa gilid ng aking mata na nag-iwas ng tingin si Babet. I cleared my throat and acted like I was in pain while caressing my hips. "N-nahulog ako sa kama kagabi Mamáng."

"Nahulog?"

Atubili akong tumango. "Yes. Napasarap yata ang tulog ko." Sinundan ko pa iyon ng kabadong pagtawa.

Saglit na nagtagal ang matiim niyang pagtitig sa akin bago nagkibit-balikat. Pasimple akong bumuga ng hininga. Inangat na niya ang kamay kaya't gumalaw na si Babet para kuhanan ako nang makakain. Mamáng was already in the middle of her lunch.

"By the way, Loraine called me this morning," tukoy niya sa tagapangalaga ni Abuela. Naalerto ako dahil umiba ang tono ng boses niya. She then withdrew a shaky breath. "Inatake na naman sa puso si Mamá, anak."

Natigil ako sa paghinga dahil sa balita. My heart started to thump wildly because of worry. "What? Then how was she now? Nasa hospital pa rin ba siya?"

Mamáng shook her head. "She's already at home and Loraine told me she's now okay. We'll go to Marikina but not now since your father just got another deal with Wendell's father."

I pursed my lips when I heard Wendell's name. "Ito ba 'yong pagtatanim ng cacao Mamáng?"

Her face brightened. "Yes, anak."

Hindi na lang ako muling nakaimik. I knew about it since last night. Papáng told me that he had an agreement with Wendell's father—it was about planting cacao in our land.

Wala na akong ibang ginawa pagkatapos kumain maliban sa pagbababad sa aking bathtub habang isinasalaysay kay Babet ang totoong namamagitan sa amin ni Simon. Nakauwi ako nang matiwasay bandang alas-kuwatro kaninang madaling araw. Saktong pumalit naman ang binatang tagabantay sa umaga kaya't hindi na ako nangamba lalo na't sinundo ako ni Babet sa labas ng gate.

"So parang kayo ni Simon pero hindi?"

Nilaro ko ang mga bula sa tubig bago tumango. Nakaupo siya sa silyang nakaharap sa aking gawi. "Yes Babet... uh, I think label is not needed anymore... right?"

Nilingon ko siya at natagpo ang seryoso niyang titig. "Hindi ba kayo masyadong mabilis Senyorita?" Natigilan ako sa paggalaw at napalunok nang malalim. "Hindi naman sa tutol ako sa inyong dalawa pero kasi—"

I just smiled at her and gently rest my head against the headrest in the tub. "Chill Babet, I like Simon so much and the feeling is mutual."

"Kaya ba ang bilis mong ibigay?" Nangamatis sa hiya ang aking pisngi at umilap ang tingin. Parang tubig na biglang umagos sa aking utak ang senaryong iyon! Biglang sumeryoso ang boses ni Babet. "Mas matanda pa rin ako sa 'yo Senyorita at concern ako sa 'yo."

"I understand... and thank you for that," nausal ko na lang at ipinikit ang mata habang ninanamnam ang tubig.

It relaxed my aching body. I admit I liked what happened between me and Simon. I gave it wholeheartedly without any regret and worry. Pero masakit pala sa katawan. Just thinking about it made me smile like an idiot. Well at least, he was now mine. Really mine...

Sprouted Desire ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon