"Ayos ka na ba hija?"
Napaangat ang tingin ko kay Aling Carmen na nakaupo sa katapat kong upuan. Bakas sa kaniyang mukha ang matinding pag-aalala na siyang nagpalambot sa aking puso. Muling lumitaw si Simon na dala ang isang basong tubig at inilahad iyon sa akin. Mahina akong nagpasalamat sa kaniya bago umusog nang kaunti para maupo siya sa aking tabi.
"A-ayos na ho ako. Pasensiya na Aling Carmen, sinira ko po ang selebrasyon n'yo."
Ramdam ko ang paglapat ng palad ni Simon sa aking likuran, bahagyang humahaplos nang marahan. Uminom ako sa baso ng tubig dahil sa natutuyot na lalamunan.
"Naku, kahit anong oras kang magawi rito ay walang problema." Tumigil siya saglit at pinakatitigan ako. "May... nangyari bang hindi kaaya-aya sa inyong mansyon?"
Nagbaba ako ng tingin kasabay ng pagbaba ng baso sa lamesita. "M-may hindi lang po kami napagkaunawaan nina Mamáng," kagat-labi kong tugon.
Aling Carmen sighed and gently nodded at me. "Oh siya, halika. Kumain tayo sa kusina," aya niya at tumayo na.
Tumango na lang kami ni Simon at hinayaan siyang mauna. Saglit na katahimikan ang namayani bago ko nilingon ang aking katabi. Seryoso lang ang mata nitong nakatutok sa akin.
"Hindi ka ba hahanapin sa inyo?"
I bit my lower lip when I realized that. "H-hindi ko alam. I want to stay here even just for a while..."
Mapang-unawa siyang tumango bago hinaplos ang aking pisngi. Hinawi niya rin ang ilang nagkalat na hibla ng aking buhok. "Masaya akong kasama ka namin ngayon ni Mama. Kung anuman ang nangyari sa bahay n'yo ay hindi ko na muna uusisain."
"Thank you, Simon," I murmured wholeheartedly.
His hand moved down to catch mine. Tumayo na siya kaya't napasunod ako. "Ikain na lang natin 'yan," ngiti niya bago ako hinatak patungong kusina.
Tila napawi lahat ng masamang pakiramdam ko kanina nang masaya kaming kumain sa hapag. They immediately pushed my negative thoughts away. Napalitan ng tawa ang pag-iyak ko kanina. They didn't question me again about what really happened and it melted my heart.
Tumambay muna kami saglit sa sala ngunit sa huli'y natulog na. I couldn't swipe off the smile on my face as I laid down beside my man. Iminuwestra niya ang braso at doon ko inilapat ang aking ulo. Kinabig niya ako papalapit at dama ko ang binubugang init ng kaniyang katawan.
He kissed my temple for a few seconds. "Alas-dos na ng madaling araw, tulog na tayo," mababa niyang turan.
Nangingiti akong tumango bago siya hinalikan sa pisngi. Inilipat ko ang pagkakalapat ng ulo ko sa kaniyang dibdib habang ang braso niya'y iniyakap ko sa aking tiyan. From there, my smile grew wider when he caressed my womb unintentionally. Lalo akong nagsumiksik.
I didn't have the guts yet to tell him that I was carrying his child. I didn't even know if he would be happy about it or not.
I was already two months pregnant based on my computation.
Nagising akong mataas na ang sikat ng araw. Napabalikwas pa ako nang makapang wala na si Simon sa tabi ko. Nang maisip ang mga nangyari kagabi ay agad na akong bumangon at lumabas. Sumilip ako sa bintana at doon naunat ang aking labi para sa ngiti nang makita si Simon na pinapakain si Valir.
Outside their gate, I could see people passing by with questioning look in their eyes. Marahil ay nagtataka silang paanong napunta si Valir sa bahay nila Simon... o marahil ay alam nilang narito ako sa kanila ngayon. I just shooed those thoughts away and stole Simon's attention.