Tulala lamang ako hanggang sa nakarating sa harap ng tinggalan. Bukas ang dalawang malaking pintuan at mula sa labas ay kita ang mga nakaimbak na nakasakong pagkain at bigas sa loob ngunit wala ni isang tao.
Paulit-ulit na umaalingawngaw sa aking isip ang narinig kanina. Totoo bang wala na si Simon at Winona? Kinapa ko ang dibdib para pakiramdaman ang sarili... wala akong makapang ibang emosyon maliban sa konsensya.
Pakiramdam ko'y ako ang dahilan bakit naghiwalay na ang dalawa. Malalim akong humugot ng hininga bago bumaba kay Valir at itinali siya sa labas. Hinawi ko paalis ang suot na sumbrero at naglakad papasok para lang matigilan nang biglang bumukas ang pinto ng aking opisina.
The man I was avoiding for a week came out from my office while holding a dustpan on his left hand. Napaawang ang kaniyang labi at natigilan nang makita ako pero agad ding nakabawi at napaayos pa ng tayo.
"Magandang umaga," bati niya na parang walang ibang nangyari kamakailan at itinapon ang laman ng dustpan sa basurahan na nasa labas lang ng silid.
Naalala ko na naman tuloy ang narinig kanina. Huminga ako nang malalim bago lakas-loob na naglakad palapit kahit pa gusto nang matumba ng aking mga tuhod.
Nanatili siya sa pagkakatayo at pinagmasdan akong makalapit. Hindi ko maiwasan ang mapalunok nang paulit-ulit. A familiar sensation crawled in my nerves as my eyes were locked on his. Hindi ko na yata mapipirmi kahit kailan ang dibdib sa tuwing nariyan siya.
I held my head high and bravely stared at him. "Totoo bang wala na kayo ni Winona?" Hindi ko alam kung saan ko pinulot ang tapang ko.
Mula sa kalmadong ekspresyon ay bahagyang nandilim ang kaniyang mukha. "Saan mo nalaman 'yan?" Sa halip ay tanong niya.
I clenched my fist and narrowed my eyes on him. "So totoo nga? Bakit? Sa ano'ng rason? Kasalanan k-ko ba?" Hindi ako magkandaugaga.
Kung normal lang na araw ito ay tiyak kong hindi ko matagpo ang mata niya dahil sa nangyari sa ilog.
Hindi nagbago ang kaniyang reaksyon. Inilapag niya ang hawak na dustpan sa gilid at ibinulsa ang mga kamao sa bulsa ng pantalon. "Wala kang kasalanan—"
"No!" I immediately cut him off. "Alam kong kasalanan ko kung bakit. I-is it because of what happened in the riverside?" My lips trembled a bit as I uttered that. He deeply sighed and avoided my gaze. Napalunok ako nang malalim. "I'll talk to Winona."
Tumalikod na ako at akmang maglalakad palabas nang agad na akong napigil ng kamay nito. "Hindi mo na kailangang gawin 'yan," mas lumalim ang kaniyang tono.
Nanginginig kong iwinaksi ang braso at iniwas ang tingin mula sa kaniya. I bit my lower lip but it remained from trembling. Nag-init ang sulok ng mga mata ko. Pakiramdam ko, nakagawa ako nang malaking kasalanan.
"I-I'm sorry. Oh dang, I just ruined a relationship!" Lubos kong paninisi sa sarili bago napahilamos ng mukha at doon napaiyak.
I was guilty about what happened to them!
"Hey..." he softly murmured and moved closer to comfort me.
Para akong napapasong lumayo sa kaniya at inis na inalis ang mga luha. Sa isip-isip, pinagmumura na siguro ako ni Winona nang ilang beses.
"I-I'm sorry," nausal ko na lang habang pilit na pinapakalma ang sarili. "It's my fault."
Matigas siyang umiling. Gustuhin man niya ang lumapit ay napapaatras naman ako kaagad. "Wala kang kasalanan. Parehas naming ginustong maghiwalay."
"Hindi ako naniniwala."
Kita ko kay Winona kung gaano niya kamahal si Simon na tipong ayaw nitong malingat para lang sa lalaki. Hindi ko man alam ang tunay na rason ng kanilang hiwalayan ngunit alam kong malaki ang parte ko roon.