Kabanata 32

1.8K 49 10
                                    


"Are you hungry again, baby?" I murmured like a child and gently caressed Simeon's cheeks. Gigil kong pinisil iyon nang bahagya na siyang nagpalukot sa maliit nitong mukha. Napatawa ako nang mahina at gigil siyang piniga. "Ang takaw mo sa gatas," nangingiti kong hayag ngunit pinadede rin lang siya.

Nandito kami ngayon sa sala at nanonood ng pangtahaliang palabas. Tapos ko na siyang napaarawan at tapos ko na rin siyang napaligo sa tulong ni Rica. Isa pa, nariyan si Mamáng para turuan ako sa mga bagay na hindi ko alam.

My days were never been dull since Simeon came into my life. All my attention was on him. I poured all the longing I felt for Simon to him. Simeon got some features of mine but Simon's features on him were more visible and emphasized. He got his nose, the colour of his skin and the shape of his face. It was not that hard to recognize that Simon was indeed his father.

Napunta ang mata ko kay Rica na bitbit ang mga bagahe palabas sa kaniyang pinto. Nakaramdam ako ng pagkirot sa dibdib. I held Simeon tightly in my arms as I stood up and walked near her.

"Ngayon ka na ba talaga aalis?" mahina kong tanong.

Malungkot itong tumango bago tumingin kay Simeon. "Oo ate eh. Kailangan ko talagang umuwi para kay T-Tatay," her voice cracked upon mentioning his father.

Kagabi ay nabulabog kami sa biglang paghagulgol ni Rica sa kaniyang kuwarto. Nang magtungo kami roon ay natuklasan naming nasa hospital na pala ang kaniyang ama nang ilang araw na at ngayon lang siya tinawagan ng kaniyang pamilya. Now, his father has only few days left because of his condition. Iyon ang katagang sinabi niya habang nagpapaalam siya sa amin ni Mamáng kagabi.

I felt sad knowing about the news. Walang pag-aatubiling pumayag kami ni Mamáng na umuwi muna ito sa kanilang probinsya sa Ilocos Norte para balikan ang pamilya nito.

"Mag-iingat ka huh? Ihahatid ka ni Mang Dorio hanggang sa pagsasakyan mo."

Lumabas mula sa kuwarto si Mamáng. Tumango lang ito kay Rica nang makitang paalis na ito.

Bahagyang yumuko si Rica. "Maraming salamat po sa inyo. Kailangan ko na po talagang umuwi. Aalis na ho ako Senyora," ngumiti ito bago nagawi sa akin at kay Simeon. "Alis na rin ako Senyorita, mami-miss ko kayo ni Simeon," naiiyak niyang sambit.

Bahagyang nanginig ang aking labi ngunit napatango pa rin. Kahit gustuhin ko mang panatilihin na lamang si Rica dito kasama namin panghabang buhay ay alam kong may sarili rin itong buhay bukod sa paninilbihan sa amin. Masakit lang siyang pakawalan dahil na rin sa nakasanayang lagi siyang nandiyan.

Pumasok na nga si Mang Dorio at tinulungan nitong buhatin ang kaniyang mga bagahe. Bumalik na si Mamáng sa loob ng kaniyang silid habang ako nama'y karga-karga si Simeon na sinundan sila hanggang sa labas. Muli akong kumuway sa kaniya bago niya tuluyang isinara ang bintana ng sasakyan kasabay ng pag-andar nito paalis.

Malungkot na lamang akong napangiti. Mayroon talagang pagkakataon sa buhay natin na kahit gustuhin man nating manatili ang isang tao ay tadhana na mismo ang nagbibigay daan para magkahiwalay kayo.

Huminga na lang ako nang malalim at akma nang tatalikod upang pumasok sa loob nang may matanawan sa labas ng bakal naming gate. Pinaliit ko ang mata dahil hindi ko masyadong mamukhaan ang lalaki. Nang mas lumapit pa ito at inalis ang sumbrero ay halos manlaki ang mga mata ko kasabay ng paglaglag ng panga.

I settled my eyes around him. My eyes glistened with upcoming tears. "P-Papáng!" bulalas ko at nang matauhan ay agad tinawag si Mamáng upang pagbuksan ito ng gate.

Dali-daling lumabas si Mamáng at nang matanawan si Papáng ay parang nanghina rin ito. Marahan itong humakbang palapit sa gate at binuksan iyon.

"G-Gregorio..." Mamáng travelled her eyes to my father. She gasped loudly and walked closer. Papáng stood there at the gate, eyes getting red as he stared back to Mamáng, then to me and my son. "Gregorio!" A sob escaped from Mamáng's mouth before she clung to my father.

Sprouted Desire ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon