Simeon's lips pouted a bit but eventually smiled like he understand what I said. Napahagikgik ako sa kabila ng pagluha. Hindi ko maiwasang titigan siya nang matagal. Hindi maipagkakailang sa akin nga siya nanggaling—dugo't laman namin ni Simon.
"Pupunta tayo kay Papa, gusto mo ba 'yon?" Muli kong untag sa kaniya. Nang maglaon ay marahan na lang akong napasandal sa headrest ng upuan at pumikit nang mariin.
I've already decided. Pinag-isipan ko ito nang tatlong araw at paninindigan ko ito kahit mawasak na ako sa sakit. How I wish we were in a different situation...
Mabilis na lumipas ang oras. Sa bawat destinasyong aming tinitigilan ay ninanamnam ko ang sarap ng hangin. I even talked to Simeon like he understood everything.
I took a nap when our trip continued. Naalimpungatan na lang ako nang sumigaw na ang konduktor sa tamang destinasyon ko. Hawak ko si Simeon sa isang bisig habang ang isang kamay ay hawak ang maliit na bag kong dala. Bumaba ako sa bus at nag-arkila ng tricycle papuntang hacienda. The driver even recognized me.
"Bakit hindi ka nagpasundo Senyorita?" Untag ni Manong nang makaupo ako sa loob.
Napangiwi ako nang magsimula nang umandar ang tricycle at umalog-alog. Kabado kong iniharang ang palad sa ulo ni Simeon.
"H-hindi po kasi nila alam na uuwi ako ngayon." Sagot ko at napapangiwi na lang. Isa pa'y wala akong dalang cell phone para tawagan sila.
Kita ko ang panaka-nakang sulyap sa akin ni Manong at sa anak ko. Hindi ko na lang iyon pinansin. Alam kong walang ibang nakakaalam na buntis akong umalis bukod sa aming mga tauhan sa bahay pero ngayong may dala akong bata pagbalik ay alam ko na ang magiging konklusyon nila.
Saktong alas-kwatro ng hapon nang matigil ang tricycle sa tapat ng aming bahay. Kumabog nang malakas ang aking dibdib dahil sa pamilyar na pakiramdam. Inilibot ko ang mata sa buong paligid—papadilim na ang aking nakikita dahil malapit nang lumubog ang araw ngunit hindi maikakaila ang liwanag ng ilaw na nagmumula sa aming mansyon.
With trembling knees, I managed to enter our gate. Natigil sa paglilibot ang isang tauhan nang matanawan ako. Agad itong tumakbo palapit sa akin at kinuha ang bitbit kong bag.
"Senyorita! Hindi namin alam na darating ka!" Bulalas niya bago tinawag si Babet sa loob.
Nang makapasok kami sa aming sala ay siyang labas ng mga kasambahay. Lahat sila ay gulat at kababakasan ng tuwa sa mga mata.
"Senyorita!" Nangibabaw ang tili ni Babet at agad akong dinamba ng yakap nang may pag-iingat. "Ang tagal mo ring hindi nagpakita!" Dagdag niya at naiiyak na napatingin sa sanggol na nasa aking bisig. "I-ito na ba siya?" puno ng galak niyang tanong.
Naiiyak akong tumango. Lahat sila'y pinalibutan kaming mag-ina.
"Kay guwapong bata!" Hayag ng aming mayordoma.
Panay ang kanilang papuri na siyang nagpainit sa aking puso. Ipinagpasalamat ko ring walang nangahas na nagtanong kung bakit kayumanggi ang kaniyang balat, na napakalayo sa akin. Malamang ay alam ng mga ito kung sino ang ama.
Tumungo na kami sa aking silid sa pangalawang palapag. Tuluyan ng sinakop ng kadiliman ang paligid. Hindi ko maiwasang masaktan nang dumagsa sa aking isipan ang masasaya naming alaala dito nina Papáng. Bawat sulok ng bahay na ito ay nagsusumigaw sa kanilang pangalan. Hindi ko lubos akalain na ang lalaking pinakauna kong pinakamamahal ay naroon ngayon sa hospital.
"Ano't naparito ka Senyorita?" Biglang pagpuputol ni Babet ng katahimikan.
Marahan kong tinatapik ang hita ni Simeon na pagala-gala ang mata sa paligid habang subo ang kaniyang hinlalaki. Umayos ako ng upo nang maupo si Babet sa aking tabi. Humugot muna ako ng lakas ng loob bago napaharap sa kaniya. Doon ko sinimulang ikuwento ang lahat. Lahat-lahat ng kinikimkim kong sakit at paghihirap mula noong umalis ako rito hanggang ngayon.