Kabanata 6

2.3K 67 18
                                    

Minulat ko ang aking mata at agad napapikit-pikit para luminaw ang aking paningin. Agad akong napakunot-noo nang makitang nasa loob na ako ng aking kuwarto. Muli kong inalala ang nangyari kanina at mahinang napamura.

Biglas bumukas ang aking pintuan at pumasok doon si Mamáng. Nakataas ang kaniyang kilay habang may hawak na pamaypay. Her porcelain skin was visible because of her long sleeveless dress.

"Iyan na nga ba ang sinasabi ko, Cresencia Milan! See what happened? You lost consciousness!"

"Because I saw blood Mamáng," bagot kong sagot.

"That's why I don't want you to get close with people here! They will only cause you danger!" Maarte itong naglakad at hinawi ang kurtinang nagpapadilim sa aking silid.

The sun's golden rays entered my room. Hapon na base sa papababang araw na kita ko mula sa malaking bintana. Bagot akong umupo at sumandal sa headboard ng kama.

"Who sent me home Mamáng?" Tanong ko ng ilang sandali.

Lumingon ito sa akin habang nasa tabi pa rin siya ng bintana. "Your father of course! As if I would let anyone touch you!" Mataas pa rin ang boses nito, tila inis pa rin sa nangyari.

"Where is he?"

"He's in the barn." Lumapit na ito sa 'kin. Medyo umayos na ang aura. "Are you okay now?" Hinaplos pa nito ang aking buhok.

Tumango ako bago tumayo. "Can I go to him?" Pagbabalak ko pero mariing pag-iling lang ang natanggap ko.

"No. You better join me for afternoon snacks. C'mon." Hinila na ako nito sa kamay kaya't wala na akong nagawa.

My outfit a while ago was changed into a comfy dress. Marahil ay sina Mamáng ang nagpalit sa akin. Hindi ko na rin inusisa pa.

Matapos naming maupo sa veranda sa bahay ay nangalumbaba lang ako sa ibabaw ng mesa. Iminuwestra ni Mamáng ang kamay sa isang kasambahay kaya't inihanda na ang aming meryenda.

Humigop muna si Mamáng sa mango shake na hawak bago tumingin sa akin. "My friend will come here the day after tomorrow. Wear something nice because you'll gonna see her son again."

I couldn't help but grimace upon hearing that. She was being a control freak and manipulative again.

Tinikom ko ang aking labi at umayos ng upo. "Mamáng..." There was a warning in my voice but she only lifted her brows. I deeply sighed. "You know how much I hate—"

"My goodness Cresencia, don't overthink! I just want you two, to be friends!" I almost roll my eyes from her defensive tone.

"That's what you always say but I know better Mamáng." Habang nagtatagal ang aming usapan tungkol sa ganito ay mas lalo akong nawawalan ng gana. "I don't want my love life be controlled."

"If that's the only way to tie you with a wealthy man then so be it! Hindi ako papayag na sa maling kamay lang mapunta lahat ng pinaghirapan namin ng Papáng mo sa haciendang 'to."

"Mamáng, I have my preference—"

"And that preference you're saying is cheap!" Nanlalaki pa ang mga nito na parang ayaw talaga nito sa sinabi ko.

Hindi na lang ako umimik pa at tahimik na lang na tumanaw sa malayo. Ang kuwadra ay malapit lamang sa mga nakabakod na inaalagaang mga hayop. Nakaharap ito sa aming bakuran kaya't kita ko ito lagi dahil sa bintana ng aking kuwarto. Ilang metrong layo naman mula doon ay ang maisan. Sa gilid ng maisan ay ang kubong tinutukoy ni Simon na kanilang pinagpapahingaan at ilang lakad patungong hilaga ay ang tinggalan na pinagtataguan namin ng mga naaani.

Ang manggahan at niyogan naman ay malayo mula sa maisan pero natatanaw pa rin ito. Naalala kong mayroon kaming ilog dito na siyang ginagawang patubigan minsan sa mga pananim. It was three-hundred meter from the mango plantation going west.

Sprouted Desire ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon