"Magandang umaga."
Napatda ako nang makitang tumayo si Simon mula sa pagkakaupo sa harapan ng aking lamesa. Maang akong napatitig sa kaniya. He was on his usual clothes—shirt and rugged jeans.
"G-good morning," I mumbled before getting inside.
Sinadya ko talagang magpa-late ngayon dahil parang wala akong ganang pumasok. Inalis ko ang sumbrerong suot at isinabit iyon sa gilid bago prenteng umupo sa kaniyang harapan.
He went back to his seat while looking at me. "Hindi ka na muling bumaba kahapon," puna niya at mas tinitigan ako.
Ilang akong nag-iwas ng tingin. "Inaantok na 'ko eh," palusot ko at kunwaring nagbukatkat ng mga dokumento. "Wala ba tayong gagawin ngayon?" Hindi ko siya tiningnan.
I saw him in my peripheral vision, resting his back against the chair. "Wala. Nagsimula na pala sila Rigor na magbungkal ng lupa."
I nodded my head slowly. "That's good."
Silence engulfed us after that. Ayaw kong maka-kuwentuhan siya ngayong araw dahil baka maungkat ang kahihiyan ko kahapon. Pinanatili ko ang mata sa dokumento. Lutang ko lang na pinaparaanan ng tingin iyon.
Tumikhim siya kaya't nagawi ang mata ko sa kaniya. "Kumain ka na ba ng almusal?" Tanong niyang muli.
Tumango naman ako. "I-ikaw ba?"
"Tapos na rin."
"Buti wala kang hangover kagabi..." Nakagat ko ang labi dahil sa pagdaldal.
Hindi ako nakatulog nang maaga dahil rinig na rinig ko pa rin ang boses nila sa ibaba. Siguro malapit nang mag-alas-dose saka lang tumahimik ang paligid.
Nagkibit-balikat lang siya. "Sanay naman kaming uminom." Napatango na lang ako. "Maayos ka na ba? Kita kong tumalsik sa 'yo 'yong mainit na sabaw."
Nahihiya akong napayuko. Bakit ba binanggit niya pa iyon?! "M-maayos na ako," usal ko na lang.
Wala naman akong ibang dapat gawin sa loob ng opisina kaya't nagpasya akong magliwaliw na lang sa labas. Kahit saan naman ako tumungo ay naroon si Simon dahil siya ang nagsisilbing guro ko. Nakakahiya lang isipin na parang mas bagay niya pa ang posisyon ko kaysa sa akin.
Lumabas kami sa tinggalan at tumungo sa kubong pahingahan. Hindi pa tirik ang araw kaya't hindi pa gaanong mainit. Besides, rainy season was fast approaching. Hunyo na ngayon kaya't inaasahan na namin ang tag-ulan na sakto naman sa pagtatanim namin ng palay.
Umupo ako sa isang parihabang upuan na nakapuwesto sa labas ng kubo. Kita ang looban ng kubo dahil hindi nila ito tinakpan sa harapang bahagi. Rason ni Simon ay para kahit nasa loob ka ay malaya mong matatanaw ang taniman nang hindi na lumalabas ng pinto. Pero syempre, naglalagay sila ng harang sa tuwing tag-bagyo't ulan.
Tinanaw ko ang mga kalabaw na kasama nina Rigor para patagin ang lupa. Nakakatawa silang pagmasdan dahil sakay-sakay sila ng mga kalabaw.
"Kailan darating ang truck na kukuha sa mga mais?" Tanong ko kay Simon habang nakatanaw pa rin sa aming harapan.
Mula sa kaniyang pagkakatayo ay tumabi siya sa 'kin. Hindi ko maiwasang maasiwa. "Mamayang hapon na. Alam na ng Senyor."
Tumango na lang ako at muling nanahimik. Inaliw ko ang pagmamasid kahit pa panay ang kalabog ng aking dibdib. Lagi naman kaming nagtatabi, lalo na kapag may itinuturo siya sa aking hindi ko alam pero laging banyaga pa rin sa aking pakiramdam. Siguro nga'y hindi ako masasanay na huminahon kapag naglalapit kami ni Simon.
Ilang minuto pa'y sinilip ko siya sa aking tabi. Seryoso lang din siyang nakatanaw sa kapatagan habang ang mga siko ay nakalapat sa ibabaw ng tuhod.
Humugot ako nang malalim na hininga. I wanted to have a conversation with him! Gusto kong sapakin ang sarili dahil tila kanila lang ay ayaw ko siyang kausapin!