Kabanata 19

1.8K 46 10
                                    


Days passed by like a whirlwind. Hindi ko akalaing natagalan ko ng isang linggo ang ilangan namin ni Simon. These past few days, I felt something had changed on us. I could not pinpoint if it was on me or it was on him. I always felt his intensifying gaze on me but I always shut it off for thinking that maybe I was just assuming things.

We never talked about the kiss. Mas ikinaganda rin iyon ng aking kalooban. Lagi rin kaming naglilibot lang paikot sa hacienda dahil wala naman kaming magawa sa loob ng opisina.

"Bukas na pala," I suddenly blurted out as my eyes were glued to the shining river.

Katatapos lang naming mananghalian sa kubo kasama ang mga trabahador at ngayon nga'y nagpasya kaming tumambay rito sa tabing-ilog dahil wala naman kaming ibang gawain. Tamang pagtitingin na lang kasi sa mga pananim ang pinagkakaabalahan ngayon. Kung sa rancho naman ay may tauhan nang nakatalaga roon kaya't hindi ko na binalak makialam pa.

Ramdam ko ang pagsulyap sa akin ni Simon. Narito kami sa lilim ng punong acacia habang sina Brisko at Valir ay nakatali sa aming likuran. Mabini ang hangin na kay sarap langhapin. Sabayan pa ng ingay ng rumaragasang tubig na tila nag-aanyayang mapagtampisawan.

"Oo. Pupunta ka ba?"

Agad akong tumango. Nakangiti ko siyang binalingan nang maalalang wala man lang pagdadalawang-isip na pumayag si Papáng habang si Mamáng naman ay napataas na lang ng kilay.

"Ano ba'ng dapat suotin?" Hindi ko naitago ang pagkaatat. I should look more beautiful and presentable right? It was his mother's birthday after all!

Unti-unti na namang napalis ang ngiti ko dahil sa nakakalusaw niyang titig. "Kahit ano," mababa niyang sagot.

"Okay," nasabi ko na lang bago napatitig sa walang sapin na paa.

Tila ngayon ko lang napagtanto ang nangyari sa ilog na ito noong gabi ng kaarawan ko. Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi. Sana hindi maalala ni Simon!

"Cresencia..."

Nanindig ang balahibo ko dahil sa lalim ng kaniyang boses.

I inhaled deeply before looking at him. Sinalubong ako ng seryoso niyang mukha.

"B-bakit?" Hindi ko alam kung bakit sa isang iglap lang ay nahulog na naman kami sa mabigat na atmospera.

Simon never failed to make me feel this way each passing day.

I could feel my throat losing its moist. Kailangan ko pang lumunok nang malalalim para hindi tuluyang matuyot.

"Gusto mo ba ako?" matigas nitong tanong na siyang nagpatigalgal sa akin.

Hindi ko siya makapaniwalang tinitigan. Walang nagbago sa seryoso niyang anyo. Nakapagkit lamang ang kaniyang titig sa akin na tila nag-aabang ng anumang reaksyon.

"What?" tila kapos kong bulalas.

I could feel my heart rummaging against my chest. My brain suddenly malfunctioned and now my nerves were shaking! I couldn't even properly breathe right at this moment!

"Alam kong narinig mo ako nang maayos." Umayos ito ng pagkakaupo at ngayon nga ay nakaharap na sa akin. Parang gusto ko na lang panawan ng ulirat. "Gusto ko lang siguraduhin... gusto mo ba ako Cresencia?" pag-uulit pa niya.

Mahigpit kong itinikom ang bibig at ibinaling sa ibang direksyon ang titig. Ramdam ko ang bahagyang panginginig ng aking sistema na tiyak kong ramdam at pansin niya.

I feel so ashamed!

Gano'n na lang ba ako kahalata pagdating sa kaniya? At isa pa, hindi ko akalaing may ganitong lakas ng loob si Simon para diretsahin ako!

Sprouted Desire ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon