Kabanata 2

4.6K 77 14
                                    


"Senyorita, baba na raw ho kayo para sa hapunan," ngiti ng aming kasambahay na si Babet.

Ngumiti ako sa kanya pabalik bago tinapos ang aking pagsusuklay sa hanggang baywang kong buhok. Olandes ang kulay nito na namana ko kay Mamáng. Lumapit si Babet sa akin at nakangiting hinaplos ang aking buhok. Kampante naman siyang gawin iyon dahil nakasara na ang pinto ng aking kuwarto.

"Napakaganda mo talaga Senyorita..." Siya na ang nanguha ng suklay at nagpatuloy sa pagsusuklay. "At napakabait mo pang bata. Nagpapasalamat ako dahil hindi ka tulad ng Mamáng mo. Sana ay hindi mo mamasamain," paumanhin ang ngiting iginawad niya sa akin.

Tumango naman ako dahil sanay na ako sa mga naririnig kong ganyan tungkol kay Mamáng. Simula pagkabata ay si Babet na ang katuwang ko sa paglaki. Limang taon ang tanda nito sa akin ngunit ayaw niyang tawagin ko siyang Ate. Mas nanaisin na lang daw niyang pangalan na lang niya ang aking itawag dahil nagmumukha raw siyang matanda kapag ganoon.

"Sanay naman na ako roon Babet."

"Oo, kaya nga't natutuwa akong malayong-malayo ang ugali n'yong mag-ina. Oh siya, baba na tayo at nang makakain ka na."

Tumango ako at sabay kaming bumaba patungong hapag. Pagdating sa hapag-kainan ay nakahanda na nga ang lahat sa parihabang mesa na naglalaman ng labing-dalawang upuan. Nakaupo si Papáng sa gitna at sa gilid ay si Mamáng na naghahanda sa pagkain.

"Crescencia anak, maupo ka na," malumanay na anyaya ni Papáng.

Tumango ako at umupo sa tapat ni Mamáng. Nakayuko akong naglagay ng table napkin sa aking kandungan. Hindi ko muna kayang titigan si Mamáng ngayon dahil alam kong nakakatusok ang mga tinging iginagawad niya sa akin sa mga oras na ito. Hindi ko kasi siya sinunod na mag-usap kami sa opisina sa itaas kanina.

Para lang ba sa pag-alis ko ay dinadamdam na ni Mamáng iyon? Paano na lang kung mas mabigat pa ang pagsuway na ginawa ko?

Marahil ay ramdam pa rin ni Papáng ang nangyari kanina kaya't tumikhim na ito at nagsalita. "Let's eat."

Gumalaw na ang mga serbidora sa pag-asikaso sa aming pagkain habang kaming tatlo ay tahimik sa hapag.

Sa buong buhay ko, tanging si Mamáng lang ang aking kinatatakutan. Tulad nga ng sabi ko, malapit kami ni Papáng kaya't wala akong problema pagdating sa kanya. Hinahayaan niya lang ako sa mga bagay na nagpapasaya sa akin maliban kay Mamáng na dapat lagi ay ganito-ganiyan, huwag diyan, huwag dito.

Matiwasay namang natapos ang aming hapunan na tanging si Mamáng at Papáng lamang ang nag-usap tungkol sa takbo ng hacienda. Wala naman akong alam sa pagpapatakbo nito simula pa noon kaya't tahimik lamang akong nakikinig.

Lumapit ang isang batang kasambahay na si Rica, anak ng mayordoma namin dala ang panghimagas na manggang nahati-hati na. This was also one of the reasons why Papáng insisted on planting mangoes in our area which was unusual given our place.

Bigla akong nilukob ng tuwa nang maisip na kakain ako uli nito. Sumagi rin sa isip ko ang tungkol sa lalaking nakahalubilo kanina. Nais ko sanang tanungin ang pangalan nito kay Papáng baka sakaling kilala nito ngunit natikom ko agad ang bibig nang maalalang kaharap lang pala namin si Mamáng. Tiyak na hindi niya ito magugustuhan.

"I honestly didn't like what you did a while ago Crescencia," pinunasan ni Mamáng ang kanyang labi gamit ang tela at marahang inilagay ito sa gilid ng pinggan.

Napatingin ako sa kanya at napakagat-labi bago yumuko. "Pasensiya na Mamáng..."

"Hindi ba't sinabi ko sa iyong huwag kang lalabas ng ating mansyon at kung saan-saang lupalop gagala lalo na't kababalik mo lang? At isa pa'y wala kang kasama kanina! What if someone out there was trying to do bad things to you? Did you even think of it while you were away a while ago?"

Sprouted Desire ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon