Chapter 6

1.4K 35 0
                                    

(*Alexie Balbuena*)

Nakarinig ako ng mahihinang katok sa aking pintuan, mayamaya pa'y bumukas iyon " Seniorita inaantay na po kayo sa baba ng lolo at daddy nyo" ang magalang na sabi sakin ng isa sa aming kasambahay. 
Ngumiti ako, "Ok lang ba tong ayos ko , maganda na ba ako?" Ang kabado at nahihiya kong tanong. 
Ngumiti naman siya ng maluwag sakin 
"Nako seniorita kahit naman po anong ayos nyo at suot maganda parin po kayo, pero ngayon araw super ganda nyo po" ang sabi nito sakin ng buong sigla at kumindat pa sa'kin.
 Napangiti na rin ako ng matamis at isang beses pang sinulyapan ang aking sarili sa salamin at saka lumabas na ng aking kwarto. We are just invited for a dinner by a Family Mondragon.
 At ngayon ding araw dumating ni Matthew actually, kagabi  pa sya dumating. I'm quite excited to see him kahit pa hindi naging maganda ang huli naming paghihiwalay two years ago. 

Masaya pa nga ako nuong una kase nakatanggap pa ako ng gift mula kanya noong 16th birthday ko. After that, wala na akong natanggap kahit nga konting balita about sa kanya kung anong pinagkaka abalahan nya in the past two years.
 Kahit pa malapit kong kaibigan ang dalawang nakababata nitong kapatid. Iniwasan kong magtanong isa pa, hindi rin sila nagkwekwento sakin about sa kanya.  
 Ang alam ko lang nag aaral sya about sa negosyo. Marami ng nagbago kung tutuusin, siguro kung meron mang hindi nagbago sa nakaraang dalawang taon ,e yon ay ang nararamdaman ko para sa kanya.
 Yong epekto nya sa akin kahit marinig ko pa nga lang ang pangalan nya. Yong kaba at excitement na nararamdam ko kahit marinig ko lang ang pangalan nya. 
Agad kaming pinagbuksan  ng pintuan ng kanilang  katulong at masayang sumalubong samin si Tito Marcuz at Markey. Si Markey ang pangatlo sa mga kapatid ni Matthew at naging malapit kona ring kaibigan. Bali apat silang magkakapatid at si Matthew ang panganay...
Masayang nag batian ang mga ito at pagkatapos ay  pumasok na sa loob. 
Akbay akbay pa ni   tito Marcuz si lolo habang masaya silang nag uusap kasabay din si daddy. 
Binati rin ako ni Markey at sinabayan  papasok sa loob, deritso sa dining area.
 Bahagya akong natigilan ng makita ko si Matthew na nakaupo na sa harap ng mesa katabi ang isang napakagandang babae at mukhang hindi nalalayo sa edad nito sa ka nya. 
Wala na ata talaga sila ni ate Trisha. Ang pagkakaalam ko pagka alis ni Matthew umalis na rin si ate pabalik ng US akala ko nga susundan nya si Matthew sa England. 
But look Matthew now, seems  very happy together with a new woman, sa sobrang ka sweetan nga nila parang di pa nila kami napansin na dumating. 
 Napangiti ako ng mapait at umiwas ng tingin mula sa paglalambingan ng dalawa. Naramdaman ko nanaman ang pamilyar na kirot na yon. Pero sanay ka nanaman di ba? Expected mo na, di siya natitingga at laging maraming babae ang nakapaligid sa kanya. Pero ayan umasa ka parin! Ang galit na sabi ng   pakialamerang bahagi ng utak ko! 
 Agad tumayo si Marvin at Shielo para batiin kami. Pangalawa si Marvin sa magkakapatid, pangatlo si Markey at bunso naman si Shielo na isang taon lang ang tanda ko sa kanya at nag iisang babae. 
    " Hi Alexie masayang bati nito at nakipag beso beso sa akin   ganun din si Marvin. Kahit nga yong kasamang babae ni Matthew na nagpakilalang Karla ang pangalan ay masaya akong binati.
 Nagpakilala rin ako dito at sinuklian ko naman ng simple pero genuine na hi at ngiti. Napag alaman kong kakauwi lang din nito mula sa England at sabay sila ni Matthew na umuwi.
 Samantalang maski sulyap ay di ata ako tatapunan ni Matthew which is naiintindihan ko naman. Baka nga ayaw pa ako nitong makita tulad ng sabi nito dati.
 Akala ko nga di na ako babatiin nito. Alanganin rin naman akong mauna kaya ng hinila ako ni Shielo paupo sa tabi nya'y sumunod nalang ako at umiwas ako ng tingin sa kanya. 

Kung maari gusto kong kumilos ng normal. At iwasan nalang ang mapatingin sa gawi nila Matthew at ng babaeng kasama nito. 
Kahit pa alam kong parang mahihirapan akong gawin yon. Nakaupo na ako ng maramdaman ko nalang na nasa gilid kona sya at walang emosyon akong beniso. Saglit na nagtama ang aming mga mata at alanganin akong ngumiti. 
Ni wala itong reaksyon. Siguro napilitan akong batiin. Syempre nga naman mahahalata nila na may something wrong sa pagitan namin kung hindi man lang nya ako babatiin kahit pilit. 
 Napapagitnaan ako ni Markey at Shielo na masayang nagkwekwento about sa mga school activities ng mga nito. 
Iisa lang ang university na aming pinapasukan kaya madalas kaming magkita kahit pa magkaiba kami ng kurso.
Maya maya pa'y iniba nito ang paksa. 
"Lumabas na yong pangalawang commercial mo sa tv. Ang ganda ganda mo talaga Alexie. Pag ikaw na nga yong nasa tv napap upo sa harap ng tv si kuya Markey kahit di naman mahilig manuod". Ang masayang kwento ni Shielo at tinapunan ng mapanuksong ngiti at tingin si Merkey.
 "At mayroon syang picture mo sa phone nya katulad ng nasa billboard mo" Pahabol pa nito. 
"Pwede ba bakit mo naman ako binubuking kay Alexie, Shielo."  Ang kunwari  nahihiyang sabi Markey. 
Awtomatikong nag init ang aking mukha ngunit nangiti na rin ako habang nakatingin kay Markey na pakamot kamot sa batok. 
"Nako kung balak mong manligaw kay Alexie dapat ngayon palang magpa alam kana kay Raul at Roberto" pasegunda ni tito Marcuz. 
Alam kong biro lang lahat pero di ako komportable lalo na't medyo katapat ko lang sa harap ng mesa si Matthew. 
Napasulyap ako sa kanya at nabanaag ko ang tila pag dilim ng mukha nito. Pero saglit lang at bumaling ito sa katabing babae at ngumiti ng ubod ng tamis. 
 "Alexie, kung ikaw ang magiging girl friend ni kuya Markey full support ako dyan" ang biro pa ni Shielo at kumindat sa'kin. Shiiit! Pakiwari ko'y isa isa nila akong ginigisa. 
Lagot ka sa'kin Markey! sa loob loob ko. 
"Ano ka ba Shielo, magtatapos muna kami ni Alexie, pero kung halimbawa pumayag si tito Raul at don Roberto pwede rin siguro mag umpisa na akong manligaw bukas na bukas din tutal isang taon nalang tapos graduate na'ko." Nagtawanan ang lahat kahit nga ako'y natawa at pasimpling binulungan ko si Markey.
"E enjoy mo pa" ang pigil ngiti kong bulong. Nakuha nito ang ibig kong sabihin humarap sakin ito at buong tamis na ngumiti. 
Palihim kong sinulyapan si Matthew, nakatingin ito ng masama samin ni Markey. 
Napayuko ako at tinuon nalang ang pansin sa pagkain. Pagkatapos ng hapunan ay nag punta sila sa sala para ipagpatuloy ang kanilang kwentuhan. 
Hinila naman ako ni Shielo papunta sa garden para makapag kwentuhan. May kalahating oras narin kaming nagkwekwentuhan ng dumating si Markey. 
"Shielo pwede bang pumasok ka mona sa loob kakausapin ko lang ang future ate mo." Ang walang ano mang sabi  nito. 
Tawang tawa naman si Shielo at nanunukso pa ito bago umalis.

Young HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon