Chapter 30

1.2K 28 0
                                    

(*Alexie Balbuena*)


"W-why are you c-crying?" Pakiramdam ko nanginig ang boses ko ng tanungin ko siya...  Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit nakakaramdam ako ng pagkahabag para sa kanya...  
Bakit siya nagkakaganito? Kanina lang ay okey naman siya at kitang kita kong masayang masaya siya sa buong maghapon... 

Humuhuni pa nga ito kanina ng utusan kong maligo na habang naghahanda ako ng hapunan namin.. Medyo nauna kase akong umuwi kesa sa kanya na talagang tinapos ang pagtulong sa paghahakot ng mga pakwan.. Nakisuyo nga rin ako kay nana Clara na ibili ito ng mga ilang mga gamit, tulad ng mga damit at gamit pang paligo dahil puro pambabae lamang ang nasa banyo..

 "I'm...i'm just happy b-babe.. Finally after 7 long years I-'ve waited... Y-you're here again with me.. Pagkatapos ng 7 pitong taon, nayakap ulit kita." Ang medyo paos at paputol putol nitong sabi.. 
Nagulat ako sa sinabi nito, what's the meaning of this? Dont tell me kaya siya naiyak dahil sa pumayag akong tumabi sa kanya at yakapin ako?
Dapat ako yong maiyak, dahil sa totoo lang ngayon ko napagtanto kung gaano ba talaga ako nangungulila sa kanya... I missed his embrace, i missed his manly scent and the sounds of his heart beat...I missed everything about him...

Pero lahat ng yon ay pilit kong binabaliwala, pinipilit ko parin kontrolin ang nararamdaman ko para rito dahil alam kong masasaktan akong muli, kung hahayaan kong magpakalunod ulit sa mapaglinlang na damdamin..

Tinanggal ko ang bikig sa aking lalamunan... 

Why he had to make me feel this way again? Yong pakiramdam na para bang  may halaga ako sa kanya, na para bang mahal nya rin ako...

 "Matthew, please.... huwag mo ulit akong paasahin sa wala. M-mas ok yong alam kong walang katugon yong nararamdaman ko-- mas madaling tanggapin. Kesa, bigyan mo ako ng pag-asa, pero wala kang balak seryosohin. M-sakit yon. S-sobrang sakit..." Nag umpisang uminit ang sulok ng aking mga mata...

Bakit kailangan nyang iparamdam ulit sakin na may halaga ako sa kanya? Bakit kailangan nyang iparamdam ulit na para bang mahal nya talaga ako?. Is he still not done with me? Nakulangan pa ba siya sa pananakit sakin kaya heto nanaman siya? Sinusubukan ulit akong paasahin? 

 Naramdaman ko ang lalong paghigpit ng yakap nya.. Marahan nya akong pinihit paharap sa kanyan. Iniwas ko ang mga mata kong nag umpisa ng mang ulap.. He cupped my face, and looked at my eyes intently... "Believe me babe, mahal kita. Mahal na mahal... I fell in love with you since your 15. Pinigilan ko ang nararamdaman ko, dahil alam kong mali at hindi ko dapat nararamdaman yon, dahil alam kong masasaktan kita.."  Napailing iling ako, hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala sa mga sinasabi nya... Though nakikita ko sa mga mata nya ang sincerity sa mga sinasabi nito... E, di ba nga magaling siyang umarte? Remember Alexie... He's the paasa king.. Baka kung kailan asang asa kana saka naman umatake ang alzheimer nyan... Ang pagpapaalala ng bahaging yon ng utak ko..

 " Pagkatapos ng nangyari satin, before I left to England, hindi kana nawala sa isip ko.. Something was change about me too... I got scared of what I'm feeling kaya iwasan kita at para hindi rin ako matukso sayo, I bedded alot of women para burahin ka sa sistema ko pero lalo lamang akong bumabalik sayo. I was a jerk and even felt so much jealousy with my own brother. Nagalit din ako sayo ng lihim dahil ang akala ko pinag palit mona ako kay Markey.." Matiim lamang itong nakatitig sa'kin habang tumutulo ang luha nito. 
May parte ng puso ko ang gustong maniwala pero ang bahaging yon ng utak ko ay unti unting binabalik ang mga masasakit na pangyayari na namagitan sa aming dalawa... 
Nalalag ang butil ng luha mula sa aking mga mata. 

 " T-hen why you h-hurt me? Why you p-pushed me away? Why you said you don't love me, that you don't even like me? W-why you choose Karla over me?" Ang matapang kong tanong sa kanya. Nanlalabo man aking paningin dahil sa luha ay buong tapang kong sinalubong ang mga mata nya... He making me so confused... He loves me but he choose to hurt me and pushed me away! What kind of love is that? Wala itong idea kung anong klasing sakit at trauma ang dinulot nun sa'kin.

 "Because I had to... I love you so much but I need to hurt you.. but believe me, mahal na mahal kita talaga. " 
 Naguguluhan akong tinignan ito..Marahan akong napailing sa mga sinasabi nya.. Ang mga mata nito ay parang nang aarok at tila nagmamakaawa na paniwalaan ko siya..

Pero pilit ko mang kumbinsihin ang sarili ko, at unawain ang mga sinasabi nya, ay hindi ko parin talaga maintindihan kung bakit niya sinasabing mahal na mahal nya ako gayo'ng  malinaw pa sa alaala ko ng sabihin nya sa akin noon na hindi ako nito mahal, ni hindi ako nito gusto... Pinagtabuyan pa nya ako, kahit nagmakaawa ako sa kanya.. He even just looked at me too ng ibalibag ako ni Karla sa sahig.. 

Ang lupet pala talaga ng pagmamahal ng gagong to e, nakakarindi! Tumayo na ako at aktong aalis ngunit pinigilan ako nito sa isang braso. Kaya buong tapang ko itong hinarap and once and for all gusto kong ng linawin pa sa kanya kung ano pa ba ang kailangan nito sa akin...


"Matthew.. kung sasabihin mong kaya ka nandito ay dahil hindi kapa tapos na makuha ako ay mas madali kong maiintindihan at matatanggap kung ano pa ba ang gusto mo.." Patuloy na nag uunahan ang luha sa aking pisngi kaya may gigil akong pinunasan yon ng palad ko.  Shit these tears! Bakit di ko mapigilan ang pagbuhos..
Kahit kinakain na ako ng halo halong emosyon ay nagpatuloy parin ako... Wala na akong pakialam kung mag mukha na akong tanga at miserable sa paningin nya..
Tumawa ako Ng pagak habang patuloy parin ang pagbuhos ng luha sa aking mga mata...

"Syempre di ba babaero ka. Gusto mo iba't ibang putahe. Siguro nakukunatan kana sa mga katulad ni Karla na matanda, kaya heto ka at binabalingan ang isang batang alam mong nagpakatanga sayo dati.. Na kahit alam kong mali, na kahit dignidad ko nagawa kong bitawan, kase mahal na mahal kita... Kase nga ang mga gusto mo yong mga haliparot di ba? Kaya ako si tanga? Handang maging haliparot para mapansin mo lang, para mahalin mo lang! pero gago ka pinaasa mo lang ako! Tapos sasabihin mong mahal na mahal mo ako, pagkatapos lahat ng ginawa mo? Wow! Wow ka talaga... Ang lupet ng pagmamahal mo." Pinilit kong hinihila ang braso ko, pero yumakap itong muli ng mahigpit sa baywang ko.. Habang walang humapay parin ang pagbuhos ng luha mula sa mga mata ko...

Huminga ako ng malalim at kinalma ang aking sarili... Ok na sana e, buong hapon kaming masaya at ok....Pero shit talaga bakit ako nakakaramdam ng pagkahabag habang nakikita ko siyang ganito? Sinaktan na ako lahat lahat pero mahal ko parin talaga ang gagong to...Ilang sandali kaming nanatili sa ganoong ayos...

I softly comb his hairs with my fingers.... 

"Kahit sobrang gago ka, mahal parin kita..." ang mahina kong sambit... What's the point of continuing denying? Alam ko naman na ramdam parin nyang mahal ko parin siya... Nahihirapan narin akong patuloy na iwasan at abandonahin ang nararamdaman ko gayong alam ko naman na tanging siya lang ang siyang may kakayahang pasayahin ako ng totoo, at  may kakayahang saktan ako ng todo..

Marahan itong nag angat ng mukha mula sa pagkakasubsob sa aking tiyan... Iniwasan kong salubungin ang nang aarok nyang mga mata... Dahil nag uumpisa nanaman akong malunod roon... Tumayo ito at walang imbahinasyon nitong hinawakan ako sa magkabila kong pisngi at sinakop ng labi nito ang mga labi ko....

Here you go again Alexie, with his simple touch... Youre giving in... Just for once gusto ko ulit makalimot sa bisig nya..... Pinikit ko ang aking mga mata, at buong puso kong muling tinanggap ang damdaming yon na siyang patuloy na bumabaliw sa akin...  






Young HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon