Chapter 28

1.1K 29 0
                                    

(*Matthew Mondragon*)

Nagising akong masakit ang ulo ko kinabukasan, nanlalabo parin ang mga matang nilibot ko ang paningin sa kabuon ng silid.  Where am i?...This is not my room....
 Napaungol ako ng maramdaman ang matinding sakit sa aking ulo. Napansin kong tanging boxer short lamang ang suot ko..
 Fuck! napahilot ako sa aking sintido.. Inalala ko ang mga nangyari kagabi... 

I got drunk last night.  Napuno ako ng matinding selos, idagdag pa ang frustration na nararamdaman ko dahil sa gusto ko mang lapitan si Alexie pero hindi ko magawa.. 
Wala akong magawa kundi ibunton sa alak lahat ng pagkabigong nararamdaman ko..
 Hindi naman ako ganito, I never been like this to any woman.. Hindi ko rin mapaniwalaan na nangyayari ito sa akin ngayon...
 Ang masaktan ng ganito... Only Alexie has the ability to hurt me unconsciously...
 I even cried infront of her.... Hindi ko napigilang ang emosyon ko, at dala narin ng alak at sa tindi ng nararamdaman kong selos at sama ng loob ay naiyak ako sa harapan nya.. 
Hindi ko mapigilan ang emosyon ko, isipin palang na iba na ang minamahal nito at gustong pakasalan ay parang binibiyak ang puso ko....
Walang pag aalinlangan na lumuhod ako sa kanya.    I begged her.... I begged for her love... Kaya kong gawin lahat bumalik lamang ito sa akin, kaya kong gawin lahat para mahalin lang ako nitong muli..
Pero parang wala lang ata yon sa kanya, dahil tinalikuran nya ako at dali daling pumasok ng banyo at nagkulong roon.
 Nanatili lang akong nakalunod sa sahig hanggang sa hindi kona namalayan na nakatulog na pala ako...
Pero nakaramdam ako ng saya, dahil pagkagising ko ay nasa kama na ako... Marahil ay nilipat ako nito sa higaan, hindi ako nito natiis na matulog sa sahig...
Maya maya pa'y nakarinig ako ng ilang mahihinang katok. Bumangon ako at may kasabikang binuksan ang pinto...
 I was expecting her but disappointment hit me, when i saw nana Clara handling a tray full of foods.
 Ang asawa ng katiwala ng hacienda.
 "Magandang umaga po sir Matthew, ang pagkain nyo po. Kumain na muna daw po kayo ng almusal bago uminom ng gamot. Bilin po ni ma'am Alexie.. Siya po ang nagluto nyan lahat." Ang malumanay at nakangiti nitong sabi. 
 I was amused , it was prepared well, and looks all delicious.. Napangiti ako, naalala kong culinary arts pala ang kinuha nitong kurso.
 At ng minsang tanungin ito sa isang interview kung bakit yon ang kursong kinuha nito, ay walang pag aalinlangan nitong sinabing..........
Gusto nitong matutong magluto para sa magiging asawa nito.. Mas gusto daw nitong siya ang nagsisilbi sa asawa kesa, siya ang pinagsisilbihan.. Naalala ko ng ipag bake ako nito ng cheese cake.. Nagpaturo, at nagpatulong talaga ito kay nanay Estella, para lamang igawa ako ng cheese cake. And the happiness on her face was priceless ng makita nito kung gaano ako nag enjoy sa cake na ginawa nito para sa akin. 
 "Nana Clara, nasaan po ba si Alexie? Nasa baba na po ba siya? Gusto ko po sana siyang makasabay kumain.." ang magalang kong sabi.. 
 "Naku maaga siyang umalis, ganon yong batang yon simula pa noong maliit pa, pag nagagawi dito sa hacienda, nag mana talaga sa ina nito na malapit sa mga trabahador, at masipag tumulong sa paghaharvest ng mga prutas at gulay. Nag aalala lang ako sa kanya dahil nakita ko na medyo marami ang galos nito sa braso at kamay  mula sa pag harvest ng pinya kahapon.. Pero mahirap pigilan ang batang yon sa pagtulong sa bukirin, binilinan ko nalang na maglagay ng sunblock dahil matindi ngayon ang init ng araw at baka masunog ang balat.." ang mahaba nitong paliwanag.. Marahan lang akong tumango sa sinabi nito... She's really unbelievable...

 "Nana Clara m-may nanliligaw po ba kay Alexie na taga rito?" Ang nahihiya kong tanong.. Gusto ko lang malaman kung may nagtatangkang manligaw sa mahal ko, para maumpisan ko ng trabahoin.. She's mine fuckers! sigaw ng utak ko...

 Napangiti ito sa sa'kin..

 "Kung manliligaw lang marami, sino ba naman ang hindi magkakagusto sa batang yon? Bukod sa napakaganda na, ay napakabait pa.. Walang arte at kayang makihalubilo kahit kanino.. Alam kong maraming nagkakagusto sa kanya sa mga kabinataan dito pero nahihiya lamang sila.. Dahil nga sa estado ng buhay na mayroon ang pamilya ni ma'am Alexie.. At nahihiya din sila marahil, dahil masyado itong mabait, mataas ang respeto ng kalalakihan dito kay ma'am Alexie.. Kung may naglakas loob noon na manligaw sa kanya ng personal, yon ay ang anak ni Don Manuel yon may -ari ng malaking Rancho sa kabilang bayan.. At  yong anak ng mayor..Nangharana pa iyon kay Alexie dati.. Pero busted! Mayabang kase. Tapos yong mayamang pamilya na malapit lang dito sa hacienda.. Yong Rexie Clerk Villa more? Napagwapo ng batang yon, palagi rin dito yon pag alam nitong narito si Alexie... Pero narinig ko ng bustiden din siya ni Alexie.. May mahal na raw siyang iba, at gustong mapakasalan, kaya yong pobreng lalaki e, lulugo lugong umalis. " Ang natatawang kwento nito sa akin...
 Napangiti ako... I was so stupid... Akin na akin na siya noon pero pinakawalan ko pa... At ngayon, para akong mabaliw baliw sa takot na baka magmahal na siya ng iba.... 

Young HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon