Chapter 40

1.1K 31 0
                                    

(*Alexie Balbuena*)


Kinaumagahan ay  maaga akong nag tungo  sa Mansyon namin, upang dalawin at makitang muli si lolo bago ako tumulak papuntang Davao...
 Madalas naman kaming magtawagan at nagkakamustahan ngunit sabik parin akong makita siya... Kadarating lamang nito kahapon from Japan.. May kasabikan akong pumasok ng Mansyon, habang hindi naman magkandamayaw akong sinalubong ng mga tauhan namin sa Mansyon... 
Lalo na si nanay Estella na maluha luha pa habang mahigpit ang yakap nitong salubong sa akin...
 "Na'ko bata ka, napakaganda mong lalo ngayon... Na'ko halika at nag aantay na ang lolo mo. At marami rin kaming hinandang pagkain para sayo, lahat paborito mo." Ang masayang sabi, nito ngunit luhaan ang mga mata, mababakas ang sobrang saya nito ng makita ako... 
 "Nay, huwag na ho kayong umiyak at baka mahawa ako sa inyo alam nyo naman pareho tayong mababaw lang ang luha." Ang biro ko rito dahil nag uumpisa narin uminit ang sulok ng aking mga mata.. 
Siya ang nagpalaki sa'kin at nakagisnan kong pangalawang magulang, dahil madalas ay wala si daddy... 
Miss na miss kona rin siya pati ang mga luto at pag aalaga nya.. Papunta na sana ako sa library kung saan madalas naroon si lolo ng makasalubong narin namin ito papunta sa malawak naming sala kung saan kami naroroon... 
May baston na itong hawak, may katandaan narin kase ito pero malakas pa naman dahil matigas parin ang ulo nito at hindi rin mapirmi ng pilipinas. 
Lagi parin itong nangingibang bansa gamit ang private plane nito... Masaya ako nitong sinalubong ng mahigpit na yakap...
 "Sa wakas nakauwi kana rin. Aba teka bakit hindi mo kasama si Matthew?" Ang tila wala lang na tanong nito... Habang sinisipat ang paligid kung kasama ko nga ito..
Nahihiya naman akong napatingin kay nanay Estella. Si lolo talaga kung maka tanong wagas.. Sa harap pa ni nanay Estella na pakiwari ko'y alam nito ang tunay na dahilan sa pag alis ko noon, papuntang America...
"M-marami ho ata syang t-trabaho lo, isa pa aalis kami ni Roger papuntang Davao mamayang mga alas sais ng gabi." I tried my best to talk  casualy, pero parang nasamid pa ako sa sarili kong laway...
 Wala sa loob na napausal ako ng mahinang panalangin na sana huwag na itong magtanong pa tungkol kay Matthew... Hindi kase ako komportabling pag usapan ang tungkol sa aming dalawa sa ngayon...
 "Ganon ba apo? Kung ganon pala ay hindi korin kayo makakausap na dalawa ng sabay.. Gusto ko sanang kausapin na si Matthew kung kailan nyo ba balak magpakasal dahil ayaw ko naman na kung kailan malaki na ang tiyan mo saka ka maglalakad papuntang altar." Ang mahabang litanya nito na halos ikaluwa ng mga mata ko... 
Nakita ko pa ang bahagyang ngiti sa labi ni nanay Estella... 
 "Na'ko, anak sigurado akong masayang masaya ngayon si 
sir Matthew dahil narito kana... Malalabahan kona rin yong mga damit mong naiwan na labahan.." Bahagyang napakunot ang noo kong napatingin kay nanay Estella... Naguguluhan at nagtatanong ang mga matang tinignan ko siya, nag iwas naman ito sa akin ng tingin at agad na nagpaalam para ipaghanda raw ako ng makakain, ngunit agad ko itong sinaway at sinabing maya maya na lamang ako kakain at sabay sabay na kami sa tanghalian... Why it feels like everything arounds me acting so weird... And seems so really weird...
Pagkatapos namin magkausap  ni lolo about sa hacienda at sa ilang mga proyekto kong dapat tapusin dito sa pilipinas ay nagpaalam ako saglit upang magtungo sa aking kwarto...
Habang binabagtas ko ang pasilyo papunto roon ay hindi ko maiwasang makaramdam ng pagkasabik para sa dati kong silid... It's been long time.....
Nakakamiss din ang dati kong kwarto, kung saan maraming alala akong naiwanan bilang isang batang Alexie... 
Saksi rin ito sa pagbuo ko ng mga pangarap, naging saksi rin ito noon, kung paano umibig ang bata ko pang puso para kay Matthew... 
Buong sigla kong pinihit ang seradura pabukas, kinapa ang switch ng ilaw.... Napangiti ako ng makita ang kabuoan ng aking silid... Ganon parin ang ayos nun...  Napangiti pa ako ng makita ang pamilyar na sapin ng kama at comforter na paborito ko noong gamitin...
Naroon parin ang ilang picture frame na naka display.... Pero naagaw ang pansin ko nang mapansin marami ang frame na nadagdag roon.... Dahan dahan akong lumapit, at bawat hakbang ng aking mga paa ay siya rin pag atake ng sunod sunod na kaba sa aking dibdib...
Pinasadahan ko ang bawat picture frame na nakapatong sa mahabang shelf na naroon..
Ramdam na ramdam ko ang pagkislot ng puso ko sa bawat larawang maraanan ng mga mata ko....
There's a picture of me and Matthew while happily looking at the camera.... Napangiti ako habang nag uumpisa naman mag init ang sulok ng aking mga mata... Tandang tanda ko ang larawang iyon... Ang unang larawan namin dalawa na magkasama. It was taken from tagaytay ng unang beses nya akong dalhin noon.. There's a picture also when i kissed him on the cheek... Hindi ko alam kung anong ang nararamdaman ko pero nag umpisa ng bumuhos ang luha ko...Nang makita at maaalala ang mga masasayang sandali namin dalawa bago pa kami maghiwalay noon.. Napahinto ang pansin ko sa isang larawan.. That's when we kissed on the lips...Marahan ang bawat kong hakbang at galaw, isa isa kong kinuha't pinagmasdan ang mga iyon, habang hindi ko mapigilan ang aking emosyon... Ewan ko pero sunod sunod ang mga bersyon ng mga luha kong masaganang dumadaloy mula sa mga mata ko ... Tila nanariwang muli ang panahon kung saan nag uumapaw ang pagmamahal na nararamdaman namin para sa isa't isa. 
Isang linggo mahigit nalang ang nalalabi at babalik na kami ng France...Kaya ko pa kayang iwanan si Matthew? Marahan  hinaplos ng mga daliri ko ang larawan namin ni Matthew...Naagaw muli ng pansin ko ang isang shelf kung saan nakapatong ang may kataasan ng magazine... Tinignan ko iyon isa isa at sa bawat angat ko ay hindi ko maiwasang na manginig ang mga kamay ko.. Ang lahat ng magazine na iyon ay makikita ang pagmumukha ko! Ang karamihan ay ako pa mismo ang cover non...
Marahan kong inilapag ang mga iyon at ibinalik sa dati nitong ayos.. Pumasok ako sa walk in closet para sana kumuha ng towel, dahil balak kong maligo... Nagulat pa ako ng mapansin ko ang ilang nakatuping t-shirt na alam kong hindi ko pagmamay ari... May ilang pantalon at polo rin ang naka hanger... At higit sa lahat may nakita akong perfume bottle na kilalang kilala ko kung sino ang gumagamit ng klase na pabango na iyon... Si Matthew... Anong ginagawa ng mga ito rito? Bakit may mga gamit siya rito sa kwarto ko?
Ang naguguluhan kong tanong sa sarili...
Kalalabas ko lamang ng walk in closet ng madatnan ko naman si nanay Estella habang tangan ang ilan pang tinuping damit.. 
May pagtataka at naguguluhan ko itong tinignan,parang gusto kong magtanong pero ayaw naman bumuka ng aking bibig..
"Mula ng umalis ka, madalas na dito natutulog si sir Matthew.. Dito mismo sa kwarto mo... " Napahinto ako sa sinabing yon ni nanay Estella, para rin biglang may sumipa sa dibdib ko sa narinig kong iyon... Tipid naman siyang ngumiti sa akin....At nagpatuloy....
"Alam ko anak na siya ang dahilan kung bakit ka umalis... Bata ka palang alam kona na may lihim kang pagtatangi para kay sir Matthew... Syempre kilang kilala kita.." Tahimik lamang akong nakikinig, pero hindi ko alam kung ano ang sasabihin o, magiging reaksyon ko...Ngunit ramdam na ramdam ko ang pamumula ng magkabilang pisngi ko... Ganon ba talaga ka obvious ang pagtingin ko para kay Matthew noon?
"Sa tuwing nagpapakalunod yon sa alak, laging umiiyak at yakap yakap ang mga damit mo... Ni ayaw palabahan yong mga huling damit na ginamit mo...Pitong taon narin hindi nalabhan, pambihira talaga yong batang yon..At ngayon nandito kana siguro naman ay malalabahan kona iyon at papayag ng itago na, dahil narito kana. May ilang beses nga akala ko nasisiraan na ng bait, panay kausap sa mga litrato mo.. Sinasabi nya kung gaano na siya nangungulila sayo... Kung gaano ka nya kamahal...Lumuhod pa yon sa lolo mo, nagmakaawa... Para lang mapatawad siya at ibigay ng lolo mo ang bendisyon at payagan na siyang maligawan ka..Pero hindi pumayag ang lolo mo, hintayin nalang daw ni Matthew na bumalik ka.. Yon nga lang nakaka awa ang batang yon at akala mo e, masisiraan na ng bait..." Ang mahabang kwento ni nanay Estella na lihim na nagpayanig sa mundo ko... Ang akala ko, ako lang ang lubos na nasaktan...Akala ko ako lang ang nagmahal... Pero hindi ko lubos akalain na ganun katindi ang mga naging sakripisyo nito para sa akin... 
He saved my name from embarrassment and humiliation... He saved me... He endured the pain just to earn my dad and lolo's forgiveness and to have me again... And me? I just saved myself from heartache... Ni hindi nga ako nagtagumpay na sagipin ang sarili ko dahil mula sa pagkabigo...Umalis ako ng bansa na nagdurugo ang puso, at akala ko napagtagumpayan kong mahilom ang sugat noon, pero hindi pala. Dahil sa tuwing nakikita ko si Matthew parang nanariwa ang sakit... Doon ko napagtanto na wala ng pag asa pa para masagip ko ang sarili ko... Ngunit  si Matthew, tanging siya lang, at siya lamang ang may kakayahang sumagip sa puso ko... And again, he saved me.... He saved my heart.... Wala na itong ginawa kundi ang sagipin ako..... 
At sa napipinto kong pag alis pabalik ng abroad ay alam kong masasaktan ko itong muli... Kailangang magkausap kami bago man lang ako umalis.....

Young HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon