Chapter 7

1.3K 35 2
                                    

(*Alexie Balbuena*)

Isang nakakaburloy na sabado. Nasa harden ako habang nakikinig ng love songs. 
Wala si Rebecca dahil umuwi ito sa kanila sa Batangas samantalang may sariling lakad din naman si Roger. 
Printe akong naka salampak sa damuhan at nakalapag naman ang aking cellphone sa nilatag kong tuwalya .
 Nagsalang ako ng none stop OPM songs. Mabuti nalang at hindi masyadong tirik ang araw.
Nagsuot lamang ako  ng manipis na white sando, aninag pa ang itim na suot kong bra at tinerohan ko ng maikling short . 
Litaw na litaw ang mala gatas kong kutis at ang mahubog kong katawan.
 Ang mahaba kong mga binti na wala manlang kahit isang mantsa ay malayang dumadama sa preskong simoy ng hangin at ng bermuda grass.
 Humiga ako at pinatong ang isang braso sa aking mga mata. Naka uklo naman ang isa kong binti.

 Pumailanlang ang isa sa OPM favourite song ko. Napasabay tuloy ako sa pagkanta at masyado ko atang dinibdib ang bawat lyrics nito.
Kahit pa alam kong pumipiyok piyok pa 'ko dahil sa hindi naman maganda talaga ang boses ko at wala rin sa pagkanta ang bwerte ko. 

 Tila ba ginawa talaga ang kantang to para sa akin. Ganon na ganon ang kalagayan at nararamdaman ko ngayon. 
Ganon na ganon ang nararamdama ko.  

Kapag ako ay nagmahal 
Isa lamang at wala nang iba pa
Iaalay buong buhay Lumigaya ka lang,
 lahat ay gagawin 
Tumingin ka man sa iba 
Magwawalang-kibo na lang itong puso ko
 Walang sumbat na maririnig
 Patak ng luha ko ang iniwang saksi 

 Bakit nga ba mahal kita
 Kahit 'di pinapansin ang damdamin ko
 'Di mo man ako mahal, ito pa rin ako Nagmamahal nang tapat sa 'yo

 Bakit nga ba mahal kita Kahit na may mahal ka mang iba 
Ba't baliw na baliw ako sa 'yo Hanggang kailan ako magtitiis O, bakit nga ba mahal kita...

Bawat liriko ay tila tumutusok sa aking puso.
 Tila ba nakapaloob sa kantang yon lahat ng nararamdaman ko para kay Matthew.
 Tulad sa kanta handa kong gawin lahat, handa akong magtiis para lamang sa pagmamahal ko sa kanya. 
Kahit alam ko na tila ba imposible rin na mahalin din ako nito. Kahit alam ko na iba ang mahal niya at ako ay malabo niyang mahalin. 
 
Ano man ang sabihin nila
 Pagtingin ko sa 'yo'y 'di kailan man magmamaliw
 Buong buhay paglilingkuran kita
 'Di naghahangad ng ano mang kapalit

 Tumingin ka man sa iba
 Magwawalang-kibo na lang itong puso ko
 Walang sumbat na maririnig
 Patak ng luha ko ang iniwang saksi 
 Bakit nga ba mahal kita
 Kahit 'di pinapansin ang damdamin ko
 'Di mo man ako mahal, ito pa rin ako Nagmamahal nang tapat sa 'yo
 Bakit nga ba mahal kita
 Kahit na may mahal ka mang iba
 Ba't baliw na baliw ako sa 'yo
 Hanggang kailan ako magtitiis 
O, bakit nga ba mahal kita...

 Diko alam kung bakit parang bumibigat ang nararamadaman ko. Pakiramdam ko konting konti nalang iiyak nako sa bwesit na kantang to... Pero promise inuulit ulit ko siyang pinapatugtog everyday... 

 Bakit nga ba mahal kita 
kahit 'di pinapansin ang damdamin ko
 'Di mo man ako mahal, ito pa rin ako 
Nagmamahal nang tapat sa 'yo 
Bakit nga ba mahal kita
 Kahit na may mahal ka mang iba Ba't baliw na baliw ako sa 'yo
 Hanggang kailan ako magtitiis O, bakit nga ba mahal kita...
 O, bakit nga ba mahal kita...

Napabalikwas ako nang tila ba may kung anong tumakip sa sinag ng araw na tumatama sakin kawatan.
Napatili ako sa gulat nang mapagtanto kong may tao nga saking harapan.

 "Ay gwapong kabayo ka!" Ang bulaslas ko sa gulat. Kinusot ko pa ang aking nanlalabong mga mata at kinurap kurap.
 
Medyo namilog ang mga mata ko nang mabungaran ko si Matthew. Nakatayo ito sa aking paanan at naka ngesing aso sa'kin. 

Inaatake man ako ng kaba sa dibdib ay pinanatili kong kalmado parin ang aking awra. Bahagya ko rin itong tinaasan ng kilay.
 
"Ano bang ginagawa mo dito? Bakit kaba nang gugulat?!" Inis ko itong hinarap para itago ang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa presensya  nito. 
Samo't saring tanong ang nasa utak ko. Ano kaya ang ginagawa nito rito at kung kanina pa ito naroon at bakit ngesing ngisi Ito sa kanya na parang demonyo !!! Aaah! Napaka gwapong demonyo!

"I have a meeting with your abuelo pero wala pa raw siya. Gusto ko sana siyang hintayin sa sala kaso nagulat ako ng may narinig akong tila kinakatay na boses dito sa harden! Napatakbo  tuloy ako " ang ngising aso niyang sabi.
 Biglang nag apoy ang mukha ko ramdam na ramdam ko na tila nagtayuan ang lahat ng balahibo ko sa katawan.
 Nanghahabang nguso ko itong hinarap at nagngangalit ang kalooban ko sa inis.

"Ang yabang mo! Ano naman kung hindi maganda ang boses ko? Bwesit Ka!" Dali dali akong tumayo at dinampot ang aking cellphone at towel. 

Hindi ko na matagalan ang pag ngisi nito sa'kin! Halatang plano nitong asarin ako. Gustong gusto  ko ng atensyon niya ngunit yong atensyon na tulad dati ang gusto ko, yong tipong kahit di niya ako ganon kadalas kausapin or pansinin pero puno ito ng lambing at may mga pagkakataon pa nga na niyayakap nya ako or buhatin.
 
Madalas din niyang guluhin ang buhok ko at ilapit ang mukha niya sa mukha ko. 
Kilig na kilig ako sa tuwing gagawin niya yon kahit alam ko na para sa kanya walang ibang ibig sabihin non or kung meron man bilang kapatid siguro!

 Pag katapos ng pang aakit ko sa kanya at pagsasamantala ko sa kalasingan niya, nag umpisa na itong dumistansya sakin na para bang may nakakahawa akong sakit. 
At ngayon pag balik nito galing ibang bansa napapansin ko ang tila mapang asar nitong ngisi sakin. At kung makita naman niya kaming magkasama ni Markey parang patay na TV naman ang mukha nito sa sobrang dilim!
Tatalikuran kona sana ito nang magsalita ito ulit.
 
" So, It's you and Markey huh? Dahil ba sa wala kang napala sa'kin kaya kapatid ko naman ang target mo?"
 Hindi ko mahulaan kung himig nagseselos ito or himig nang iinsulto! Pero wala ako sa mood kaya mas pinili ko yong huli since nakaramdam ako ng pagka insulto.
 Marahas ko itong hinarap di parin nawawala ang ngising aso sa mukha nito.

 "Ano naman sayo? Alam mo Matthew napagtanto ko rin kase noong umalis ka e  mas bagay nga pala kami ni Markey bukod sa halos magkasing edad lang kami! Mas okey nga sigurong kami nalang ni Markey at least sabay kaming tatanda.. Pero kung ikaw, baka care giver ang maging labas ko dahil matanda kana!!!" 
Ang nakabusangot kong sabi. Siya lang ba ang may karapatan mang insulto? Try me now Matthew Mondragon! Sa loob loob ko. 

 Ginutay gutay mona ang puso ko pati lahat ng lamang loob ko pati ba naman ang kakaunting natitirang confidence sa sarili ko balak mo rin pirapirasuhin? No way!.
 Nakita ko ang pag iiba ng itsura niya mula sa ngising aso ay nag aapoy ang mata nitong tinitigan ako.

Medyo nakaramdam ako ng kilabot, gusto ko tuloy magsisi sa salitang lumabas sa bibig ko..

 Kitang kita ko rin ang pag galaw ng kanyang panga. Ang pag igting ng kanyang ng mga iyon.. Parang gusto ko tuloy maghilagbot sa takot pero pinanatili ko parin maging palaban ang awra ko. 
 Hinaklit nito ang isa kong pala pulsuhan at mahigpit naman nakahawak ang isa nitong kamay sa aking beywang.
 Nakayuko ito sa'kin  para magpantay ang aming mukha,  hinuli nito ang aking paningin at hindi nilubayan ang aking mga mata.
 Shit! Ngayon ko nalang ulit Ito natitigan ng malapitan. Damn! ang bango niya at gwapo gwapo pa. Pati hininga niya shit! Amoy fresh mint! Sigi na Matthew naasar ka sa'kin di ba ano pa hinihintay mo halikan mona ako hindi ako papalag! Alam ko nasaling ko ang ego mo sigi na inip na inip nako halikan mona ako utang na loob!!
 Pero shit! ngumisi lang ulit ito sa'kin.
 " Bata pa  nga si Markey kaya hwag kang magulat kung pang bata rin sandata non! Di tulad ko mas malaki pa kesa sa palapulsuhan mo di ba? Halos di nga masakop ng palad mo sa laki. Natakot ka nga kahit ulo lang ang sumayad sa bukana mo ."
 Noong unay clueless ako kung anong paksa ang tinutumbok nito. Namilog ng husto ang mga mata ko at napa buka ang bibig ko nang mapagtanto kung ano ang tinutumbok nito.
 I cursed him many times on my head. Ramdam na ramdam ko ang pamumula ng aking buong mukha.  Piniksi ko ang aking kamay mula sa kanyang pagkakahawak. Di naman niya ako pinigilan at hinayaan akong makaalis.
 Narinig ko pa ang mahina niyang pag tawa. That bastard! How dare him! Dismayado na nga ako't di niya ako nahalikan nagawa pa niya akong insuluhin ng ilang ulit at ipamukha sakin ang ginawa ko ditong mang aakit. 
Pero masaya parin ako at least natitigan ko Ito ng malapitan,nagkadikit ang aming balat dahil hinawakan niya ako. At naamoy ko ang napakabango nyang hininga!
 Para pa akong baliw na nangingiti sa isiping iyon! Shit sarap batukan talaga ang sarili ko! Ganon talaga ako kabaliw sa kanya dahil lang sa mga simpling bagay basta may kinalaman sa kanya napapasaya na ako. Kahit pa panay pang aasar at insulto ang inaabot ko mula sa kanya.

Young HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon