(*Alexie Balbuena*)
"Haaay..... ngarag nanaman ang beautiness ko my goodness! ang tindi talaga ng director na yon mooi. Nakakapanginig ng laman! Anong akala nya sa lahat ng staffs at artists robot?" Ang palatak na reklamo ni Roger at agad na sinalampak ang pagod na katawan sa mahabang sofa mula sa hotel na tinutuluyan namin sa San Jose, northern california.
"Huling araw nanaman bukas hayaan mona, ok na rin yon buti nga natapos narin agad.." ang mahina kong sabi habang nakaupo sa pang isahang sofa, at pagod na nakasandal ang likod at nakapikit ang mga mata.
Last year ng alukin ako ng production bilang parte sa isang vampire series. Ni hindi nga ako nag audition sa kahit anong may kinalaman sa pag arte, dahil hindi ako marunong umarte at wala din doon ang hilig ko.
Pero nagustuhan nga raw ako ng nasabing production, dahil bukod sa kilala ako bilang sikat na international model ay swak din daw ang aking mukha, sa isang character na gusto nilang gampanan ko sa naturang series.Bilang lang din ang scene na mahaba ang aking script na binigay sa akin, na lubos na pinagpapasalamat ko.
Puro pose lang ng mukha sa camera talaga ang ginawa ko, tapos ay labas pangil sa buong series! then pak! my good lord! Taaaarrraaan! Tumataginting na million dollar!
Nakakatawa nga kase kahit medyo weird ang character ko sa series na iyon ay pumatok parin sa mga manunuod at lalo pang nakilala ang pangalan ko, hindi lamang sa larangan ng pag momodelo..Malaki rin ang naging offer nila sa akin, kaya hindi ko ito nagawang tanggihan. Ilang charity rin ang matutulungan ng perang iyon. Yon nga lang ay nakakapagod ang maghapong taping, alas tres narin kami ng madaling araw nakauwi ngayon, buti nalang ay nagawa pa naming makauwi sa kasalukuyang tinutuluyan naming hotel..
Huling araw narin naman bukas, at pagkatapos no'n ay lilipad naman kami ni Roger to England para sa isang cat walks fashion show.. Si Roger narin ang tumatayo bilang manager ko. Sinasamahan ako nito, kahit saan pa man lupalop ako ng mundo mapunta. Hindi rin nakakalimutan ni Roger ang gumawa ng vlog video sa bawat lugar na napupuntahan namin. Isa narin si Roger ngayon sa mga sikat at kilala vlogger sa buong mundo.. Sumasama rin naman si Rebecca sa amin lalo na kapag wala itong masyadong ginagawa sa kompanya.. Si Rebecca kase ang namamahala ngayon sa dalawang hotel na pagmamay ari ni lolo sa France..
It's been 7 years since i left, and lived here in the States with my dad.. But after i finished my culinary arts course, i was lucky to got a contract from the most biggest and famous modeling company in the States. Napabilang din ako sa mga piling modelo na tinatawag nilang angels. At rumarampa taon taon sa harap ng mga kilalang personalidad sa buong mundo lalo na sa larangan ng fashion designing..
****
"Ang daming interviews and guesting requests, na nakahilira mula sa Pilipinas, baka gusto mo naman silang pag bigyan? Hindi naman siguro masama kung mapagbibigyan mo ang libo libo mong taga hanga roon. Isa pa tumataginting na milyones din ang offer ng isang womens magazine na gusto kang kunin bilang cover. Na recieved kona rin ang invitation, mula sa isa sa pinaka paborito mong charity, ang Save Children Foundation. Atleast makakadalo ngayon ng hindi palihim, hindi patago, at hindi na ako makikiusap sa kanila na walang press para sayo etc. What do you think mooije?..." Ang mahabang sabi ni Roger, habang isa isang inilalagay sa maleta ang mga gamit namin.. Iniisa isa rin nito ang mga mga kompanya na kumausap sa kanya nitong mga nakaraan at nag aalok ng mga proyekto para sa akin..
Ang ilan sa kanila ay ilang taon nang nag hihintay na mapagbigyan ko, ngunit hanggang ngayon ay wala rin akong matinong maisagot para sa mga ito. Lagi nalang akong gumagawa ng dahilan para makaiwas ako sa mga press mula sa Pilipinas.. Sa pitong taon kong pananatili sa ibang bansa ay dalawang beses pa lamang akong umuwi ng Pilipinas upang mag attend ng charity events.. At yon ay mga pawang patago, at hindi ako nagtatagal at agad din akong umaalis agad pabalik sa ibang bansa..
BINABASA MO ANG
Young Heart
RomanceAt the age of 15, she was so sure that she's madly so inlove with the most playboy in town no other than Matthew Mondragon.. Sa sobrang pagkabaliw niya sa binatang babaero ay nagawa niyang pagsamantalahan ang kalasingan nito isang gabi ....Pinagsalu...