Malapad ang ngiting sumilay sa labi ni Alexie habang pinagmamasdan ang mag ama nyang naglalaro sa garden.. Nagpapagulong gulong ang dalawa... Masarap na hagikhik ang kanyang naririnig mula sa kanyang little Matthew sa tuwing kikilitin naman ito ng tadang Matthew... She barked a soft laugh of what she thought... Ang bad kona rin, at ginagaya kona ang laging pang asar ng mga kaibigan nito sa kanya... Pag kundina ng kanyang sariling isip...
Tinatawag kase ng kanyang mga kaibigan na little Matthew ang panganay nila since sinunod naman ito sa pangalan ng kanyang ama.. He's a Matthew Jr.. At ang mga sira ulong mga kaibigan nito ay madalas nilang asarin si Matthew sa tawag na tandang Matthew, na siyang kinaiinisan naman ng husto ni Matthew...
Nilapitan naman ni Alexie ang isang taong gulang pa lamang nilang bunso na si Michaella.. Nakaupo ito sa kanyang walker habang kinakalikot ang mga maingay na laruang nakadikit sa ibabaw ng walker nito..
At nang makita siya ay humagikhik rin ito at dali daling lumapit sa kanya... Agad nya itong binigyan ng isang magaan na halik sa ulo... Na siyang kinahagikhik nitong muli... Naagaw naman ng hagikhik na iyon ni Mechaella ang pansin ng dalawang Matthew...
"Mommy! mommy is here already!" ang masaya at matinis na boses ni little Matthew... At kumalas sa kanyang ama at agad na tumakbo palapit kay Alexie... Nakaluhod si Alexie sa bermuda grass..
She widely spread her two arms to greet him with a big embrace. Mahigpit ang naging yakap nito sa kanya..Habang pinugpog naman ni little Matthew ng maraming halik ang kanyang mukha... Ganon rin naman ang ginawa ni Alexie, pinaulanan nya rin ng mabining mga halik ang buong mukha ng kanyang panganay at bahagya pang pinanggigilan ang cute na cute nitong pisngi...
"I missed you so much mommy.." ang malambing nitong sabi habang nanghahaba ang nguso.. Natawa nalang siya sa sinabing yon ng kanilang panganay.. Dalawang oras pa lamang siyang nanawala ... Manang mana talaga ito sa kanyang ama na hindi mapakali kapag hindi siya nakikita kahit isang oras palang silang hindi magkasama.
Kanina nga eh wala pa ngang isang oras mula ng umalis siya ng bahay e, panay tawag na nito sa kanyang cellphone...
"I missed you too my big boy." ang pagsasakay nya sa panglalambing ng kanyang panganay... Bigboy rin ang eadearment na ginagamit ni Alexie para rito sa tuwing kausap nya ang panganay nyang anak.. Dahil panay reklamo na nito sa tuwing tatawagin nya itong " my baby" sinasabi nito lagi na hindi na ito baby, kundi big boy na siya...
"Ako ba wala bang hug and kiss?" ang nakanguso at pakunwari namang tampo ni tandang Matthew... Yumapos ito agad sa kanya at pinaulanan ng mabibining halik ang kanyang leeg..
"Wala pa nga akong isang oras na nawawala panay tawag muna sa cellphone ko... you're really unbelievable." ang paninita ni Alexie sa kanya... he just chuckled at muling pinaulanan ang leeg ng kanyang asawa ng maraming halik.. Napahagikhik siya sa kiliting naramdaman...
"Mahal na mahal kase kita at ayaw kong nawawala ka sa paningin ko.." ang napakalambing nitong sabi at bahagya pang kinagat ang ibabaw ng kanyang dibdib...
"Nakaka kaba talaga yang mga ganyang lambing mo babe..... Nakakabuntis yan.." ang natatawang sabi ni Alexie... Natawa naman ng medyo malakas si Matthew...
"Ganon talaga babe, dapat makarami tayo.." ang maloko nitong sabi.. Mababanaag sa mukha nito ang sobrang kapilyuhan...
Hinawakan ni Alexie ang kanyang mga kamay na nakapulupot sa kanyang baywang... At inilagay roon ang isang bagay... Namilog naman ang mga mata ni Matthew habang naka awang naman ng husto ang mga labi nito...
"Seriously babe? Hindi ba to prank?" Ang naluluha sa kaligayahan nitong tanong... Habang hindi maalis ang mga mata nito sa hawak nitong prenancy test na may nakalagay na dalawang guhit na pula... Kanina ay umalis siya upang pumunta sa clinic at magpa check up... Madalas kase siyang makaramdam ng pagka hilo at delayed narin ang kanyang menstruation.. May hinala na siya ngunit hindi pa nya iyon sinabi sa kanyang asawa.. Gusto nya munang makasiguro at para surpresahin na rin ito. Madalas nitong mabanggit ang kagustuhan nitong magkaroon ng pangatlong anak... Though, mahigit dalawang taon pa lamang ang kanilang panganay... At isang taon pa lang din ang kanilang bunso... At ngayon ay tatlong linggo na nanaman syang buntis...
"Oooh you really made me so happy babe.." ang madamdaming saad ni Matthew at binigyan ng malalim na halik ang asawa sa kanyang mga labi....
Marahan pa nitong hinaplos ang wala pang umbok na tiyan ni Alexie...
"Everything for you babe...I love you so much..." ang buong pagmamahal na sabi ni Alexie..
"I love you too so much, babe.... Higit pa sa inaakala mo.." ang buong pagmamahal namang tugon ni Matthew...At buong pusong pinakatitigang muli ang asawa bago muling sinakop ang kanyang mga labi...
Tunay nga'ng makapangyarihan ang pag ibig.. At punong puno rin ito ng misteryo at pagsubok... Na siyang sumusukat sa tatag at lalim ng pagmamahal ng bawat isa... Ngunit isa lamang ang napatunay ni Matthew at Alexie... Ang pag ibig ay hindi minamadali... At magkahiwalay man ng mahabang panahon ang dalawang pusong nagmamahalan, kung ang mga puso nila ay tinakda para sa isa't isa...
Tadhana na mismo ang ang kikilos at gagawa ng paraan para muli silang magtagpo at magsama...
~~~~~END
A/N: Hanggang dito nalang po ang kwento ng pagmamahalan ni Matthew at Alexie.. Maraming maraming salamat sa lahat ng nagbasa at sumubaybay... At salamat din sa mga magbabasa pa.. :*Please share and Promote if you liked the story thank you
BINABASA MO ANG
Young Heart
RomanceAt the age of 15, she was so sure that she's madly so inlove with the most playboy in town no other than Matthew Mondragon.. Sa sobrang pagkabaliw niya sa binatang babaero ay nagawa niyang pagsamantalahan ang kalasingan nito isang gabi ....Pinagsalu...