(*Alexie Balbuena*)
Pagkatapos namin magpitas ng mangga ay sumama naman ako kay Boboy sa may pinyahan para tumulong sa pag harvest.
Maghapon pagod, pero di ko maitatanggi na naging masaya ang maghapon ko. Masarap sa pakiramdam ang maransan muli ang mga bagay na nakasanayan mong gawin noong bata kapa.
Kaarawan din ng isa sa mga tauhan ni lolo at naimbihan akong dumalo kaya dumiritso na agad kami ni Boboy roon, hindi ko rin naman natanggihan dahil malapit din ako sa pamilyang iyon, kababata at kaibigan ko ang anak nito.
Malalapit ang mga ito sa'kin at mas dito ko nga ginugugol ang bakasyon ko noong bata pa ako , kesa pumunta sa ibang bansa tulad ng karamihan ginagawa ng mga kaklase ko at kakilala.
Marami rami narin tao na naroroon ng dumating kami ni Boboy. Makikitang pawang mga tauhan lang din sa Hacienda ang karamihang bisita ni Mang Sonny na siyang may kaarawan. May isang mahabang lamesa sa di kalayuan at pawang mga nagiinoman na ang mga naroon. May mga ilang malilit na lamesa naman na, nakahiwa hiwalay para sa mga babaeng bisita at ang ilan ay para sa mga kabataang bisita.
Madilim narin kaya naman nag lagay din sila ng ilang mga ilaw na bombilya kaya, puro malamlam lang na liwanag ang nagsisilbing ilaw sa bakuran ng kanilang tahanan.
"Naku ma'am Alexie andito na pala si Albert."
"Tay, Sonny hindi nga po ako teacher para maging ma'am." Kako sa kanya at siya nama'y napakamot sa kanyang batok.
"Pasensya kana anak, malaki kana kase at hindi na ako sanay na tawagin kang Alexie lang." Ang nahihiya nitong sabi.
"Hindi parin naman po ako nagbabago eh ganon parin." kako at simpling ngumiti. Alam ko naman na malaki talaga ang respeto ng mga ito kay lolo at sa nasira kong ina na siyang namamahala dati sa hacienda.
Kapagkuwan napalingon ako sa tinuro nitong lalake na bagong dating lamang. Ito ang anak ni Mang Sonny na si Albert, ang kababata ko. Ilang taon lamang ang agwat nito sa akin.
Naging kaibigan ko rin ito noon at laging kasama sa paglalaro, kapag ako'y naparini sa Bantangas.
Masaya akong tumayo, at sinalubong ang bagong dating. Ang kwento ni Mang Sonny ay abogado na raw ito ngayon at nagtratrabaho sa syudad.
"May napakaganda pala tayong bisita ngayon dini." ang masayang biro nitong salubong sa akin.
"Wow, grabe pormahan natin Albert ah, mukhang beyahing langit tayo ah." Ang ganting biro ko dahil sa puting puti nitong suot na polo. Natawa ito sa'kin at ginulo ng husto ang buhok ko.
"Ikaw ha, nagdalaga kana at sumikat sa buong mundo. Dala dala mo parin yang pagka baliw mo!" Anito at pagkatapos guluhin ang buhok ko'y inakbayan naman ako.
"Abogado kana daw ngayon? Pwede bang mag apply na sekretarya mo?" Ang biro kong muli habang palapit kami sa mesang akopado namin kanina. Pinitik ako nito sa noo. Kapagkwa'y bumaling kay Boboy at tinanguan lamang ito bilang pagbati..
"Magandang gabi attorney." ang pabirong mga bati naman ng mga malapit sa kinaroroonan namin..
Iningusan lang nya ang mga ito..
"Ano apply nga akong sekretarya mo?." ang ulit kong biro..
"Ayaw ko nga, baka mahawa pa ako sa pagkabaliw mo, kung araw araw kitang kasama." Napaingos ako dahil sa kanyang sinabi. Parang kailan lang e, kasa kasama ko pa silang naakyat ng manggahan pag ako'y nagbabakasyon ng hacienda.
Madalas pa nga akong mapagalitan ni daddy noon dahil sa kakaakyat ko sa puno ng mangga.. Ang bilis ng panahon at ngayon ay isa narin itong ganap at magaling na abogado, ayon sa mga naririnig kong balita. Kung sabagay ay balita pa noon na matalino nga raw talaga Ito at laging nangunguna sa klase.
Maya maya pa'y e sinet-up narin nila ang vedio Ok, at nag umpisa ng magkantahan ang mga ibang naroroon.
"Kumain kana ba? Gusto mo bang ipaghanda kita ?" Ang mahina kong tanong kay Albert at inilapit pa ng bahagya ang aking mukha sa kanyang tainga para marinig ako nito.
Maingay ang vedio ok kaya hindi kami magkakarinig kung hindi kami malapit sa isa't isa.
Tumingin ito sa akin at muling pinitik ang noo ko at ngumisi pa sa akin. Ganito na talaga ito noon pa, nakagawian na nitong pitikim ako sa noo.
"Ako na, baka masanay ako, isa pa bisita ka namin. Antayin mo nalang ako dito. Ikaw, kumain kana ba? Gusto mo bang ikuha rin kita?" Ang nakangiting tanong nito sakin.Umiling iling ako.
"Kanina pa ako kain ng kain baka maimpatso na ako." Mahina itong natawa sa sinabi ko.. Tumayo na ito at pumasok sa kusina, at ng bumalik ito sa aming lamesa ay may dala na itong pagkain.
Habang kumakain naman ito ay panaka naka kaming nagkukumustahan sa mga nagdaang taon na hindi kami nagkita.
Masaya ako't natupad rin nito ang pangarap nito bilang abogado. Mismo palang scholarship foundation ng company ni lolo ang nagpaaral dito..Ayon sa kanya mismo.
At nalaman ko rin na, pinili nitong maging isang public attorney, at talagang tumutulong ito sa mga mahihirap na walang kakayahang magbayad ng mahal na serbisyo ng isang mahusay na abogado.
"Ate Alexie kanta kana, kanta tayo?" ang yaya ni Boboy sa akin.. Napatingin ako sa kanya at umiling iling..
" Ayoko, nakakahiya na ngayon, baka umulan pa! panget panget boses ko e." Ang nakanguso kong sabi.. Noong mga bata kami'y panay ang vedio ok namin at lagi kaming nag du duet ni Boboy. Wala naman kaseng pakialam ang mga tao rito kung panget ang boses ko. Kahit pa na maghapon akong umatungaw ay ok lang sa mga ito. Tuwang tuwa nga sila dahil nakikihalobilo daw ako sa mga kabataan roon.
"Sigi na, nakakamiss narin pakinggan ang boses mong parang kinakatay na baka!" ang pang aasar sakin ni Albert at humagalpak ng tawa. Hinampas ko ito sa balikat at ngumuso ako.
" Hoy, nag voice lesson na ako no! minsan kase sa guesting pinapakanta ako! Ang sama mo talaga Alberto!" ang kunwari nakasimangot kong sabi, tawa lang ito ng tawa sa akin.
"Joke lang yon, ok naman boses mo e, pwede ng pagtsagaan, good tandem nga kayo ni Boboy eh, Segi na parinig na.." anito na tumigil na sa pagtawa ngunit may sinusupil parin na nakakalokong ngiti sa mga labi nito..
"Gusto nyo bang kumanta si Ate Alexie tulad dati?! Gusto nyo bang marinig uli ang boses nya?!" Ang malakas na tanong ni Boboy sa mga naroroon. Napapikit ako ng mariin habang kagat ang ibabang labi ko. Nakakahiya, kung noon bata pa ako ay di ako nahihiyang kumunta kahit pa nga ang panget ng boses ko! Hindi naman ako sintunado kumanta ngunit di kagandahan talaga ang aking boses.
Naghiyawan naman ang mga naroroon sa tanong ni Boboy.. At sumisigaw sila ng "kakanta na yan!"
"Oh sigi, isalang mo yong kanta natin Boboy, kala nyo ah praktisado na to. Huwag kayong magrereklamo pag umulan ng malakas!" Ang natatawa kong biro sa kanila. Nagtawanan silang lahat sa sinabi kong iyon.
Mabilis naman nag tepa ng numero sa vedio ok si Boboy... At agad na ini abot sa akin ang mikropono.
Isinalang nito ang madalas namin pag duetan na dalawa noon,
ang, Kahit dina tayo by: Repablikan Mashup cover by: Sevenjc and Ica
Biglang bigla ay lumitaw ang isang imahe sa aking isip... Si Matthew... Bigla ang pagkirot ng bahaging iyon ng puso ko..
Lumalalim na ang gabi ngunit wala ka sa'king tabi
Pilit kong nilalabanan ang nakaraan
Ngunit Di manalo, dahil wala ang pag ibig mo giliw ko
Kung naririnig mo ang pag samo ko sana'y pakinggan mo
Kahit dina tayo sana'y maalala mo
Kahit dina tayo sana'y pakinggan mo ang tibok ng puso ko ay ang pangalan mo
Ako ay lumuha dahil,
Di ko kaya na limutin Ka at iwan Ka
Dahil ikaw Lang talaga
Akoy nagmahal ng todo pero,
Ako'y niloko sana ngayon ay mahalin
At wag mong lokohin please yong bago mo
Kahit dina tayo sana'y maalaala mo
Kahit dina tayo sana'y pakinggan mo
Ang tibok ng puso ko ay ang pangalan mo
Kung hindi ako nararapat sayo
Bakit hinayaan pang mahulog ang puso sayo ohh....
Wala akong magawa minahal kita kaagad
Ang puso kong ito
Kanino ba dapat
Naranasan mo na Na umibig sa tao na di pala para sayo
Pagkatapos mo nang mahalin Ibigay ang lahat sa bandang huli ay ganito
Paalam sayo salamat sa pagmamahal mo na sakin ipinadama
Biglang naghiyawan ang mga naroroon ng maikli kaming nagsalo sa rap lyrics na iyon ni Boboy
"Alexie on the house!" ang sigaw pa ni Albert na lihim kong kina ngiti. Nagpatuloy sa pag rap si Boboy. Nakakahanga dahil mas gumaling pa talaga ito at medyo nag iba narin ang boses nito. Siguro dahil binata na talaga ito.
Naramdaman nya na mahal mo sya
Pero bakit mas pinili nya pa ang iba
Ang mga mata, na papikit habang
Binabalikan ang mga nagdaan
Hindi na malaman anong dahilan
Palaging itinatanong mo kung saan Nga ba nagkamali at bakit nasawi
Ang pagmamahal bakit dito nauwi
Ang pag ibig na ibinigay bakit mo nilagay Sa kalungkutan at pighati
Ito na ang sukli, pagluhang Di maikubli Kapalit ng aking katapatan
At tila parusa aking pagdurusa
Ano ang mali at ako'y nilapatan marahil ay di na ikaw ang para sa akin
At ako'y hindi na para sayo
Kung nalalaman ko ang dapat mahalin
Di Sana ganito ang natamo
Bakit pa kailangan na masaktan
Ang puso kong Ito sa iyong paglisan Hapdi ang siyang naramdaman
Hindi na ba maibabalik ang lahat ng ating nakaraan
Dahil ba sa huli na ang lahat sayo'y paalam
Kahit dina tayo sana'y maalala mo
Kahit dina tayo sana'y pakinggan mo ang tibok ng puso ko ay ang pangalan mo
BINABASA MO ANG
Young Heart
RomanceAt the age of 15, she was so sure that she's madly so inlove with the most playboy in town no other than Matthew Mondragon.. Sa sobrang pagkabaliw niya sa binatang babaero ay nagawa niyang pagsamantalahan ang kalasingan nito isang gabi ....Pinagsalu...