Chapter 18: Confirmation

1.3K 31 3
                                    

 “ALMAAA!!!!!” tumitili si Camille habang patakbong lumalapit sa akin.

“A-anong nangyari sa’yo?” mukhang masayang-masaya naman ang loka.

“Wahhh! I’m sooooo happy!!!” obvious nga.

“Care to share?”

“Nakasalubong ko si sir Clever sa may lobby! He said HI! Siya yung naunang bumati sa akin, ibig sabihin nun, kilala niya akooo! Oh my gosh!” at nagtatatalon talaga siya sa harapan ko. At least siya, ganda ng simula ng New Year niya.

“What’s going on here? Ba’t mukhang natitimang tong isa dito?” si Xandra, dumating na din pala.

“Binati siya for the very first time ni Sir Clever kaya ayan nagwawala.”

“Hoy Camille! Akala ko ba nakaget-over ka na kay sir?” nang-aasar na tanong ni Xandra kay Camille.

“Ewan ko ba, akala ko di ko na siya mahal, pero kanina lang binati niya ako and I’m so damn happy! I guess I’m really not over him!” haha! Never naman naging sila actually, nangangarap lang talaga si Camille. Unrequited love on the go! Sa teacher pa talaga.

“Hi guys! Happy New Year! Namiss ko kayo!!!” Nagmamadaling lumapit sa amin si Rhianne at niyakap kami isa-isa.

Nakakamiss din tong mga loka-lokang nilalang na to. Two weeks na din kasi kaming di nagkita and I just got back yesterday after spending my Christmas vacation sa probinsiya namin.

“Hi Xandra!” si Daryll, yung admirer ni Xandra. Nagpagupit ng semi-kalbo. Infairness mas pogi na ngayon, di na obvious yung kunting buhok niya. Hehe!

Ngingitingiti lang kaming tatlo at um-exit saglit para magkaroon ng privacy sana ang dalawa kaso pinanlakihan kami ng mata ni Xandra.

“Hoy saan kayo pupunta?!” alam naming naiinis na si Xandra pero tinakbuhan na lang namin siya. Mga traidor lang. Haha! Makabawi man lang sa mga malala niyang pang-aasar sa amin.

 Tawanan kami nang makalayo.

“Alma di ba kotse yan ni Klein?” tanong sa akin ni Camille. Nasa tapat na pala kami ng parking lot. Kapapasok lang yong kotse ni Klein.

“Yata!” Honestly, medyo miss ko din yung kumag na yon kahit lagi lang niya akong pinagtritripan. Pero kahit huwag ko na lang siyang pansinin, i-reserve ko na lang mamaya sa classroom. Sigurado kasi akong mang-aasar na naman yon.

“Ang ganda!” OA lang na reaction ni Camille. Napatingin na rin tuloy ako sa direction ng mga mata niya.

Natigilan ako. May palabas na babae sa may passenger seat ng kotse ni Klein. Para pa ngang pinagbuksan ito ni Klein kasi nasa tapat na niya ito.

Tama nga si Camille, ang ganda niya. Matangkad at maganda ng hugis ng katawan. Nakayellow dress siya na hanggang knee ang haba at nagcomplement yung dilaw na kulay sa skin niya, para tuloy mas lalo siyang pumuti. Pati pa yung ayos ng hair niya, simpleng nakalugay pero ang sosyal tingnan. Nakakatibo lang.

“Sino siya?” tanong ni Rhianne. Pero I have no idea who she is. Hindi ako kumibo, pinapanood ko lang sila.

Si Klein pa mismo ang nagsara sa pinto ng kotse. Gentleman naman pala eh, pinipili lang niya siguro kung kanino niya ginagawa yun. Ang sakit lang. Kumapit yung babae sa braso ni Klein.

“May girlfriend siya?” tanong ulit sa akin ni Rhianne. Hindi ko alam, ako nga mismo, gulat eh.

Palangiti yung babae at ang aliwalas tingnan. Yung itsura din ni Klein, parang tuwang-tuwa. Grabe para lang akong tinamaan ng kidlat. Titig na titig lang ako sa kanila na parang ayaw kong maniwala. Palapit na sila sa kinatatayuan namin.

ATALANTA GIRL (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon