Chapter 26: Unconfirmed Apologies

1.2K 32 0
                                    

“C-craig…” lumapit ulit ako sa kanya pero mabilis niya akong tinalikuran at pasimpleng nagpunas ng luha.

“I’m so sorry Alma,” sabi niya saka muling humarap sa akin. “I didn’t mean to…” halatang nag-alala siya nang makita niyang bumakat sa braso ko yung kamay niya sa sobrang higpit ng paghawak niya sa akin kanina. Mukhang disappointed siya sa sarili dahil nasaktan niya ako.

“O-okay lang ako…” kung kanina galit ako, ngayon naman parang bigla na akong naaawa sa kanya. Ibang-ibang Craig ang nakikita ko ngayon, a very vulnerable one.

“Please Alma… don’t tell me to stop… because I can’t promise you I’ll stop… Not this time…” putul-putol yung pagkakasabi niya habang titig na titig lang siya sa akin. Nangingilid ulit yung luha niya. Paano na to, parang di ko pala siya kayang tiisin. He looks so afraid… yung tipong takot na takot siyang maiwan… ulit.

Pero I don’t think this is right… Not at all…

“Is everything okay here guys?” biglang sumulpot yung mama niya. Lumabas din pala ito para i-check kami. Naikwento siguro ni Helena kung anong nangyari.

Yes ma… we’re fine. Nag-uusap lang kami…” sinagot naman siya ni Craig nang hindi siya nililingon. Her mom gave me an apologetic smile bago siya umalis. Ngayon ko lang napagtagpi-tagpi ang mga reactions nila kanina. Kaya pala mukhang gulat na gulat sila nung unang harap nila sa akin… tapos yung usapan pa nila kanina sa dining room. It’s all because they’re shocked as well.

I looked at him, seryosong-seryoso siya. Hindi ko na tuloy alam kung anong sasabihin ko. Lumapit siya ulit sa akin saka dahan-dahan niyang hinawi sa mukha ko ang hinahangin kong buhok. Hinayaan ko na lang siya.

“Alma, hindi kita ginagamit…” umiling siya. “It’s just that…” tumigil ulit siya. Di ko alam if he’s just trying to look for the right word or dahil wala na talaga siyang mairason. “Inaamin ko, your resemblance drew me in but that doesn’t mean na… na…” tumungo siya bigla. Parang siyang nahihirapang i-express yung gusto niyang sabihin. Or baka naman gusto lang talaga niyang pagtakpan ang katotohanan pero di niya lang alam kung paano. Hindi ko alam. “Please just don’t think of pushing me away… please…” halos nagmamakaawa na yung dating niya.

I’m speechless. Hindi ko siya maintindihan. Hindi ko rin alam kung anong gusto niyang mangyari.

“C-craig… please just let me think this over…” malungkot kong sagot. “Saka na lang tayo mag-usap kung okay ka na…” di na ako nagdalawang isip na talikuran siya. Ayoko ng ganito.

“Ihahatid na kita…” hinabol niya ako uli.

“No!” di ko namalayang medyo tumaas na pala ang boses ko. “Craig kaya kong umuwing mag-isa,” saka ako nagmadaling naglakad papunta sa may gate.

Buti na lang di na niya ako sinundan pa. Hindi ko na alam kasi kung paano ko pa siya haharapin. Dapat sulitin kong medyo naka-high pa ang emosyon ko ngayon. Meron kasi akong topak minsan eh, madali akong mauto, maawa, magpatawad kaya tuloy madalas akong naloloko at napagtitripan.

Nakakainis pero paglabas ko kasi wala naman pala atang sasakyang dumadaan dito sa loob ng subdivision nila. Kelangan ko pa palang maglakad nang medyo malayo-layo para makarating sa may main road. Tapos medyo madilim na pa. Halos padabog-dabog tuloy akong naglalakad mag-isa na para lang tanga. Pero mga 50 meters pa lang ang nalalakad ko nang maramdaman kong may sumusunod na sa aking sasakyan.

ATALANTA GIRL (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon