“K-klein…” mahinang sambit ko nang magkamalay ako. Then I looked around. Maputi ang kisame at mga dingding.
“Hi…” sila Xandra, nasa may gilid ng kama ko.
“Musta?” tanong sa akin Rhianne saka niya ako inalalayang bumangon. May plaster na kasi ang kanang kamay ko kaya di ko maigalaw.
“Okay lang ako… Si Klein?”
“Kakalabas lang sa kanya mula sa emergency room---“
“Oh my gosh!” I gasped. Emergency room? Baka napano na siya?! Dali-dali akong bumaba sa kama. “N-nasan na siya?!” tarantang-taranta ako at di mapakaling umikot-ikot.
“Alma calm down!”
“Klein… no please…”and I felt my tears continuously running down my face. Para akong nawawala sa sarili ko sa sobrang pag-aalala. Ang alam ko lang, natatakot akong baka may nangyaring masama sa kanya. Hindi siya dapat masaktan… kasalanan ko tong lahat eh…
“Alma!” niyugyog ako ni Xandra saka niya ako tiningnan sa mata. “He’s fine! Klein’s fine!” at pilit niyang pina-absorb sa akin yun kasi parang wala na akong naririnig at naiintindihan. “Okay na siya, nilipat lang siya sa private room…”
Natahimik ako pero patuloy pa rin sa pag-iyak. Pakiramdam ko para na akong naloloka. Halo-halo kasing emosyon ang nararamdaman ko.
I wanted to see him… I wanted to make sure he’s fine…
“Gusto mo bang puntahan natin siya sa room niya?” may nagtanong sa akin. Nanginginig ang mga labi kong tumango na lang.
Yung mga barkada niya ang nasa room niya pagkapasok namin.
“Kumusta Alma?” they asked as they approached me.
“O-okay lang…” sagot ko saka ako napatingin sa nakahigang si Klein. Nakataas nang unti yung sa may ulunan ng hospital bed at may bandage na rin sa ulo niya.
“Wala pa rin siyang malay pero okay na daw siya. The doctor said he has a mild concussion kaya siya nawalan ng malay. Pero kelangan daw niya munang dumito for obeservation para masigurong…” I listened while my eyes are focused on Klein. Gustung-gusto kong lumapit sa kanya pero bakit parang pinako ang mga paa ko sa floor kaya di ko magawa. Natatakot ba ako? Hindi ko alam… Naiiyak na lang akong nakatingin sa kanya.
“Hmmmm…” natahimik kaming lahat nang may marinig kaming mahinang ungol. Sabay-sabay kaming napatingin sa kanya habang unti-unti siyang nagmulat ng mata.
Hindi ko alam kung anong naramdaman ko at bigla naman nang nag-unahan ang mga luha ko sa paglabas. Maybe I was relieved to see him alright. At para lang hindi mapahikbi, I even covered my mouth with the back of my palm.
BINABASA MO ANG
ATALANTA GIRL (Ongoing)
RomanceHaving a classmate like him has been a torture! He doesn't care if his jokes hurt or when he's not funny at all. Just like when he told me that my beauty is not that desirable or, when he said I'm just too assuming to expect from a guy whom I will n...