Chapter 19: Freaking Out

1.2K 31 5
                                    

Kinakabahan ako, di pa ako ready na kausapin siya.

“Uy!” sabay pitik niya sa noo ko.

“Aray!” Nasa tapat ko na siya, kasama niya si pretty girl. Pinipilit kong huwag maapektuhan sa presence niya.

“Sasamahan ka niya sa CR,” kausap niya ulit si pretty girl. Ano daw? Sasamahan ko yung kasama niyang babe sa CR? Gagong Klein talaga ‘to! Akala yata alipin ako!

“Hi! I’m Hannah!” She seems sweet. Ang amo-amo ng mukha niya tapos ang cute pa ng smile niya na nakakainis na kasi nakaka-insecure talaga.

“Alma,” pasimple din akong ngumiti saka inabot yung kamay niya. Ang lambot!

“Okay lang ba kung pasama ako sa ladies room?” tila nahihiya pang request niya sa akin.

“She’s totally cool with it!” at hinila na ako patayo ni Klein. Bastos lang? Tss! Dinaanan ko siya ng  masamang tingin saka tumingin kay Hannah.

“O-okay lang…” pahinhin din yung boses ko.  Oh hell, I can pull this off!

Sinamahan ko siya. Ang saklap nga lang ng feeling kasi napapatingin sa kanya halos lahat ng mga nadadaanan namin sa corridor.  Pakiramdam ko tuloy para lang akong sidekick na echapuwera lang sa gilid.

“Matagal mo ng classmate si Jordan?” Jordan? Klein Jordan? I’m so not used to it, it sounds weird.

“Si Klein?” tumango siya. “Hindi, ngayong sem lang…”

“He has never changed, masungit na makulit pa din…”

“M-matagal na kayong magkakilala?” malakas ang loob kong nagtanong. I actually really want to ask her if boyfriend niya si Klein, but of course I can’t.

Sakto na ring walang katao-tao sa CR.

“Friends yung mga lola namin so we almost grew up together,” sinagot niya ako bago siya pumasok sa cubicle. I’m really bothered. Kinakabahan akong di ko maintindihan.

Pasimple na lang din akong patingin-tingin sa salamin habang hinihintay siya.

“So the monkey knows how to use the mirror!” Oh crap! Mitch the bitch is here. Para siyang sigang naka-pose sa may pintuan porket kasama niya ang mga ungas din niyang kaibigan. Akala ko sa TV lang at movies nag-eexist ang mga mean girls, but here they are, right in my face. At ang kapal ng mukha niyang tawagin akong ‘monkey’!

“Oh hi bitch!” matapang ko siyang sinagot. Malas siya at medyo bad mood ako ngayon.

“Ano sabi mo?” mukhang sapul yong sinabi ko sa mukha niya.

“Are you sure you want to hear it again? Sabi ko, ‘Hi Bitch!” ulit ko.

“How dare you! Ang kapal ng mukha mong tawagin akong bitch when in fact, you are the bitch here! Kunwari lang ang santa-santahang figure mo pero the truth is, MALANDI KA! Porket nakabingwit ka lang ng pogi, akala mo ang ganda-ganda mo na! Di ba girls?” sabay tingin sa mga kasama niya. Grabe, napupuno na talaga ako sa babaeng ito! But of course, I won’t let my guard down especially to someone like her! Hell no!

Tumango-tango naman ang mga kasama niya. Maka-second demotion naman sila, wagas!

“Oh really? At least, kung malandi man ako masasabi kong magaling akong manglandi kasi wala pa akong ginagawa nilalapitan na ako. Eh ikaw, dikit ka na nga ng dikit, hindi ka pa rin effective! In short, you’re just a trying hard failing flirt!” in her face!

ATALANTA GIRL (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon