Second day pa lang ng klase eh mukhang malalate ako.
Tumakbo ako papasok ng building, sakto yung student assistant lang ang nasa elevator kaya agad din akong pumasok.
“Sandali!” Magsasara na sana ang elevator pero biglang may mga dumating pa.
At talaga yatang hindi na naman ako magiging masaya ngayong araw na 'to. Sila na naman. Mabilis silang pumasok kaya pasimple naman akong gumilid sa isang corner.
“9th floor miss,” sabi ng isa sa student assistant.
Salamat naman at mukhang di nila ako namukhaan. Pinagmasdan ko sila mula sa likod. Sa totoo lang, puro nga naman sila may maipagyayabang eh. Lahat sila may dating.
Nagbukas yung elevator nung nasa 7th floor na kami.
Ano ng floor ko ngayon?! Eh sumara na yung elevator dahil walang pumasok.
7th floor yata ako ngayon…
“Sandali! PARA!”
PARA???
Biglang napatawa yung limang kasama ko at napatingin silang lahat sa akin.
Shit! That was freaking embarassing!
Pati na rin yung student assistant sa loob ay di mapigilang mapangiti.
“Miss, sa 8th floor ka na lang baba.”
Pero ang mga gago eh di pa rin mapapigil sa katatawa. Mga insensitive! Sabay silang titigil saka tatawa uli.
Namukhaan na nila ako. Naman kasi! Fail ako eh!
Pagkabukas pa lang ng elevator eh mabilis akong lumabas…
“Miss sandali!” may tumawag sa akin galing sa loob. Lumingon naman ako. Tanga lang?!
“Miss ‘di ka pa kaya nagbabayad bumababa ka na!” sabi ng gagong nanggago sa akin kahapon. Saka sila sabay nagtawanan.
“Bwisit!” dali-dali akong lumayo.
Arrrrghhh. Agad kong tiningnan yung schecdule ko only to find out na I'm in the wrong floor pala. Sa 9th floor din pala ako.
Kinabahan ako.
“Paano pag kaklase ko uli sila. Nakakahiya!” mabilis kong inakyat ang hagdan patungo 9th floor, hinanap ang room at tama nga ako. Andoon nga sila, wagas kung makapagtawanan.
Mabilis akong pumasok at naghanap ng upuan para hindi mapansin. Sa dulo nga lang uli ako. Dumating din agad ang instructor namin sa subject na iyon.
“Good morning class! One-fourth sheet of paper. Write your name, course and year, and your contact number. Vacate your seats, you’ll have your seat plan today.” Utos nito.
“Mr. Abad, please occupy the first seat here.”
“Ms. Aguirre, the second seat please.”
Putakte lang! Alternate! Dalawa pang babae ang nauna sa akin.
“Mr. Aragon.” Tumayo yung lalaking kinaiinisan ko. Lord please, wag naman po ako ung katabi niya… please…
“Miss Andrada, next.” Torture na ito! Grabe lang!
Palapit pa lang ako sa lalaki eh nakatingin na siya sa akin na napapangiti. Pabagsak kong inilapag ang backpack ko sa assigned seat ko. Kunwari di na lang siya nag-e-exist!
BINABASA MO ANG
ATALANTA GIRL (Ongoing)
RomanceHaving a classmate like him has been a torture! He doesn't care if his jokes hurt or when he's not funny at all. Just like when he told me that my beauty is not that desirable or, when he said I'm just too assuming to expect from a guy whom I will n...