Chapter 33: He's back!

1.2K 44 11
                                    

Tulog siya nang makabalik ako kaya inilapag ko na lang sa side table ang binili kong dinner sa labas.

“Kainin na lang niya to pagkagising niya,” mahina kong kinakausap ang sarili ko sabay upo sa maliit na sofa sa may gilid. Ewan pero parang nahiya ako bigla na lumapit sa kama niya. Hindi pa kasi kami nakapag-usap nang maayos kasi may iba pa siyang dumating na bisita kanina. Kaya here I am now, still wondering what we are now.

Pinuno ko ng hangin ang bibig ko saka ko dahan-dahang binuga.

Pinag-iisipan ko pa sa ngayon kung uuwi na ba ako kahit na hindi na ako magpapaalam, pero a part of me says I should not. Do you think I am too assuming to think there is still something we should talk about? Argggh!

Muli akong napatingin sa kanya hanggang sa di ko napigilan ang sarili kong lapitan siya. I watched him silently with my eyes filled with amazement as I examined his face. Hindi na ako nasanay…

Then I realized there’s this familiar feeling that I remember I have twice felt before when I was watching him sleep. Yung calmness na nararamdaman ng puso ko habang pinapanood ko siyang natutulog… nagpapatunay lang na hindi man ako naging aware agad, noon ko pa pala siya gusto.

And so I kept my eyes on him, treasuring this moment that I have again the chance to look at him closely.

Pero natigilan ako nang mapadako ang mga mata ko sa lips niya. All of a sudden, uminit ang mukha ko.

Naalala ko kasi yung kiss. Haha!  And unconsciously napahawak ako sa lips ko tapos bigla na lang uli akong napangiting para lang tanga. Kinikilig? Haha!

Nga lang!!!

He opened his eyes nang hindi ko inaasahan. For sure huling-huli niya akong nakatitig sa kanya na natitimang pang ngiti ng ngiti. Nakakahiya!

Kaya pasimple na lang akong naglipat ng tingin saka kunwari di ako nahuli. Haha, grabe I look stupid pero bahala na.

“Awww…” bigla siyang umungol na parang nasasaktan kaya bigla akong kinabahan.

“M-may masakit ba?” tarantang tanong ko.

“Oo…” napangiwi siya sa sakit.

“S-sandali, tatawag ako ng doc---!”

“Yung mukha ko…” seryoso siyang napahawak sa mukha niya. “Napaso sa mga titig mo… lalong-lalo na to…” tinuro niya ang lips niya saka siya biglang ngumiti.

Pero sa halip na matawa, bigla na lang nagsi-akyatan ang dugo ko sa ulo ko. Gusto ko siyang batukan!!!

“Nakakainis ka!!!” di ako nakatiis at bigla ko siyang binulyawan. Pinag-alala niya lang ako!

“Uy…” at mukha din naman siyang nagulat sa biglang paglakas ng boses ko. Buti nga! Pero saglit lang yun dahil agad din lang naman siyang tumawa. “Nakakatuwa kasi yung itsura mo…” and then he continued laughing like the jerk he’s always been.

Nakakainis! Parang kanina lang eh madrama siya masyado tapos ngayon ang sarap na naman niyang sapakin.

“Gago!” singhal ko sa kanya sa sobrang inis. Takte, nabura lahat ng kilig na nararamdaman ko. “Uwi na ako!” agad akong tumalikod at aalis na sana pero maagap na naman niyang hinila ang kaliwang kamay ko.

“Uy!” mabilis siyang bumangon. “Nagbibiro lang ako…” at finally nawala na yung nakapangga-gagong ngiti niya kanina.  Tapos bigla siyang nag-iwas ng tingin na tila nahihiya. “I just said that because I don’t want to admit that I really like it when I see you staring at me...” at pasimple pa siyang yumuko.

ATALANTA GIRL (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon