Chapter 21: Didn't see that coming!

1.2K 41 8
                                    

It’s been a week already. A lot of interesting things happened. Craig has been texting me lately, talagang pinanindigan niya yung sinabi niya.  Three days ago pa nga, pagdating ko sa room, may bulaklak na sa upuan ko galing sa kanya. Na-tease tuloy ako ng buong klase.

He’s really sweet. Til now, I’m still wondering kung ano kayang nagustuhan niya sa akin, I’m so ordinary. Pero syempre kilig na kilig naman ako. Imagine your ideal type guy courting you, it's just a dream come true. Hehe!

Eto pa, I have been avoiding Klein ever since that incident. Better avoid him bago pa lumala ang topak ko. Lagi akong late pag pumapasok dun sa subject na magkatabi kami para maiwasan kong kausapin siya tapos aalis din agad pagkatapos. I don’t care kung anong nasa isip niya.

Though honestly, hindi ko maiwasang i-check kung meron siya sa classroom. Mas nakahinga nga ako kanina eh, absent kasi siya.

Nasa bahay nga pala ako ngayon, nanunuod ng How I Met Your Mother.

Zzzzzz. Zzzzzz.Zzzzzz.

Nagva-vibrate ang selepono ko. Mabilis kong tsineck sa pag-aakalang  si Craig ang tumatawag pero hindi siya.

Si Klein! Pagkabasa ko pa lang sa pangalan niya eh bigla akong kinabahan. Iba na talaga ang dating niya sa akin. Natataranta ako kaya nakatitig lang ako sa pangalan niya sa screen ng phone ko.

“H-hello,” kabado pa ang boses ko.

“Punta ka dito sa bahay,” kakaiba ang boses niya.

“Bakit naman?” kunwari walang ganang sagot ko.

“I’m sick.”

“Eh ano ngayon?”

“Wala si Manang Minda kaya walang mag-aalaga sa akin.”

“Tapos?” ano ngayon? Papupuntahin niya ako doon para alagaan siya? Excuse me, namimihasa na siya ah. Iba na ang sitwasyon ngayon ungas ka!

“Ano ba Alma! Seryoso ako!” at mukhang siya pa ang galit.

“Bakit? Ano ako? Private Nurse mo? Hoy Klein Jordan Aragon, hindi mo ako utusan!  Find someone else to bother!” end call! Bwisit talaga yon! Wala akong pakialam kung may sakit siya. Tinapon ko yung cellphone ko sa pinakadulo ng bed ko para walang istorbo saka ko isinuot yung headphones ko.

Kaso, distracted na ako eh! Di ko na tuloy ma-enjoy yung pinapanood ko. A part of me is worried. The heck! Paano pag malala na talaga sakit niya, tsaka absent siya kanina eh, baka totoo nga. Pero bakit ako ang tinawagan niya, may Hannah naman siya ah.

“Concentrate Alma!” sinampal-sampal ko pa yung mukha ko para magising. Nakatiis naman ako ng two hours, pero hanggang doon na lang ata ang kaya ko.

“Alma! Paki-alam mo ba sa taong yun!” kumbinsi ko sa sarili ko pero wa epek eh!  “Eisshh!” makapunta na nga bago pa ako tuluyang mabaliw. Mabilis akong nagbihis at umalis na sa boarding house. Baka napano na yon!

As usual, tahimik sa labas ng bahay niya pagdating ko doon. Bukas yung gate kaya di na ako nagdoorbell pa. Siguro inaasahan pa rin niya  akong pupunta kaya hinayaan niya lang na di nakalock yun. Mabilis akong naglakad papunta sa ma maindoor. Bukas din.

“Klein…” mahina kong tawag pero walang sumagot. Dahan-dahan akong pumasok saka dahan-dahan ding sinara ko ang pinto.

Ang tahimik ng bahay. Tsineck  ko yung buong first floor pero wala siya kaya umakyat na ako sa may second floor. Baka nasa room niya. Dahan-dahan  pa ang lakad ko para hindi ako maka-istorbo.

ATALANTA GIRL (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon