"ARAYYYYYYYYYYYY!!!"
Nagising ako nang maramdamang sumasakit ang ilong ko.
"Ahhhh!!!" May plaster na ding nakadikit.
Ang sakit ng buong katawan ko. I'm in the clinic pala.
Dahan-dahan akong bumangon at kinuha yung phone ko sa bag ko sa maliit na table sa tabi.
Pinipigilan ko pang huwag huminga gamit ang ilong ko kasi mahapdi talaga.
I checked the time. Wala na, na-absentan ko na yong klase ko at baka dismiss na din sila ngayon.
DITO AKO SA CLINIC. NEED HELP!!!
Message sent... Camille... Rhiane... Xandra...
Then the nurse came to check on me.
"Gising ka na pala Miss. How are you feeling?"
Tinuro ko yong ilong ko. "Is my nose broken?" I was so worried.
"Malapit na actually." Nanlaki mga mata ko. "Don't worry. Though it's kind of swollen now, it'll get better soon," she explained.
"SWOLLEN?" Kinuha ko agad yong salamin sa may table. "Oh Shoot!" Namamaga nga!
Ang panget!!!
Para tuloy lumapad pa yong ilong ko.
"Apply an ice pack ten to twenty minutes on your nose three times a day to reduce the swelling and pain, tapos uminom ka din nito para gumaling agad yan," sabi ng nurse sa akin.
"Opo."
"ALMA!!!" I saw the three walking fast towards me.
"Anong nangyari sa'yo?" nagtatakang tanong nila.
"I'll explain later." Nahiya akong magkwento.
Tapos bigla silang nagtawanan.
"Ano?" nagtatakang tanong ko.
"Yong ilong mo kasi," ani Camille.
"Bastos talaga kayo. Uy hatid niyo naman ako please... Ang sakit kasi ng katawan ko eh."
"Ano ba kasing nangyari sa'yo?" they kept on asking as we were moving out of the clinic.
"May ini-stalk kasi ako kanina. Tapos mali yong baba ko sa stairs, ayon sapul!"
Nagtawanan pa ang mga ito.
Pati pala yong tuhod ko masakit din.
Putik lang talaga.
"Ayan kasi, dapat nagtatawag ka kasi ng kasama pag nang-i-stalk ka. O ayan, you look pathetic!" at bumanat pa si Xandra. Wala talagang hiya itong babaeng ito. Lagi niyang ipinapamukha sa akin mga pagkakamali ko.
"Oo na!"
"Grabe, kung may honor roll lang talaga ang mga clumsy ikaw na ang una," dagdag pa ni Camille.
Pumunta kami sa may elevator. We waited for a while then it opened.
Nanlaki mga mata ko nang magbukas ito.
I turned my back as fast as I can.
"Alma?" I heard some chuckle behind me.
Pasimple kong hinila ang tatlo para huwag nang pumasok pa.
BINABASA MO ANG
ATALANTA GIRL (Ongoing)
RomanceHaving a classmate like him has been a torture! He doesn't care if his jokes hurt or when he's not funny at all. Just like when he told me that my beauty is not that desirable or, when he said I'm just too assuming to expect from a guy whom I will n...