Chapter 3: Asa lang!

1.6K 43 6
                                    

Nagvibrate ung phone ko sa bulsa. One message received.

Xandra:  Akyat ka dito sa library! Bilis!!! Spotted yung crush mo!

I got my bag at agad umexit sa room. Kahit hirap na hirap akyatin ang hagdan, binilisan ko pa din. I can’t miss the chance to see him! Medyo mahaba-haba din ung sembreak na di ko siya nakita no.

“Dito!” nakatambay yung mga kaibigan ko sa dulo table sa lib.

“ASAN?!” Grabe lang. Super excited akong makita siya.

Dumiretso ang mga mata ko sa kanang bahagi ng library pagkaturo nila.

Tatlong Koreanong busy-busing nagbabrowse ng ipad ang nakita ko. Natutulala akong tinititigan yung isa.

“OA lang? Umupo ka kaya muna!” saka ako hinila paupo ni Cammile.

“Oppa!" mahina kong sabi.

“Ang cute cute niya talaga. Ang ganda ng hair plus ‘yong porma niya!” kinikilig ako habang pinagmamasdan ito.

“Uy wag mo nga silang masyadong titigan! Baka mahalata tayo.” Kalabit sa akin ni Rhianne.

  

“Eh namiss ko nga siya di ba?” sagot ko naman.

"Namiss mo nga siya, eh ikaw, ni hindi ka man lang kilala ng Antonio mong yan," banat naman sa akin ni Xandra. Antonio nga pala English name ni crush. Nakakatuwa langs.

"Kahit na!" depensa ko. Eh poging-pogi ako sa kanya eh.

Pero nagulat kami! May dumating na dalawang Koreana. Agad na tumayo si crush at kinuhanan sila ng upuan.

“Damn!” sabay-sabay naming reaction.

  

Pero mas nagulat kami nang tumabi kay crush yung isa. Halos magkadikit ang braso ng mga ito.

Oh my! They seem intimate!!!

“Alma, okay ka pa ba?” mukhang nang-aasar pang tanong sa akin ni Xandra.

“Shut up! Baka close lang sila!” defensive naman ako.

  

Nanlaki ang mga mata ko nang hawakan ni crush ang pisngi ni ‘bitch’. Let’s call her that. Haha! Bitter eh.

  

Sabay-sabay na tiningnan ako ng mga kasama ko.

“Well! Seems like taken na siya,” dagdag pa ni Cammile.

“Ang bilis ah! Three weeks lang kaming ‘di nagkita tapos ngayon may iba na siya!” sabi ko naman. As if naman naging akin nga siya.

“Maghanap ka na ng bagong prospect!”- Camille

“Yung achievable kasi!” nang-asar pa ulit si Xandra.

 “Achievable naman siya ah. Nakikita ko naman siya dito sa school. Minsan nakakaeye-to-eye ko pa nga siya ‘di ba?”

“Nakikita mo nga siya dito pero type ka ba? Mukha ngang wala siyang balak magkagirlfriend ng Pinay eh. Tingnan mo, Koreana din lang pala ang hinihintay,” ani Cammile.

“Hurt na nga ako dinadagdagan niyo pa,” kunwari nagtatampo naman daw ako.

“Eh para matauhan ka na. Matagal ka na kayang umaasa, di mo ba napapansin? Tapos sa tinagal-tagal ng paghihintay mo sa ‘tamang panahon’ mo na yan, wala kang napala. Mas naipamukha pa sa’yo na wala ka talagang pag-asa!”

“Ouch! Di pa ba kau titigil?”

“Di pa ako tapos.” Kunwari nanenermon na si Xandra. “Oh tingnan mo yung girl, matangkad, makinis ang balat, magaling pumorma, mukhang mahinhin, maganda. Tapos tingnan mo nga yang sarili mo.” At tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

“Oh, tapos ako?” taas-noo kong tanong.

“Wala. Hindi ka nag-i-stand out eh. Mukha ka lang normal. Hindi ka ka-ala-alala.”

“Wow! Kaibigan ba talaga kita? Uy, matangkad naman ako ah, 5’4’’ ko kaya.” mafeeling lang. Haha.

“Huwag ka ngang feeling, 5’2’’ ka lang noh. Compared naman sa girlfriend niya, mukhang 5’8’’ ang tangkad, mukha ka ng bonsai.” Dagdag pa nito.

“Uy 5’3’’ naman daw. Ba’t ba ang lalait ng mga tao ngayon? Ikaw, mas lalo ka na.” tanong ko kay Xandra.

“May bagong girlfriend na kasi yung ex niya eh umaasa pa mandin yan na magkakabalikan pa sila.” Si Rhianne na ang sumagot.

“Kaya naman pala kung makadiscourage eh malala. Umasa ka din pala sa wala.”

"Alma. Don't listen to them." singit naman ni Rhianne. Nalipat ang tingin namin sa kanya. Unusual kasi pag ito na ang nagsalita. "Hindi niyo ba alam na mas madaling humuli ng manok na nakatali?"

Oh shoot! Nga naman. But I can't do that. I'm not a slutty bitch after all.

"Adik!" we reacted.

These are my friends by the way. They may same senseless and outlandish but...

I can say I have the best.

 ===========================================================

Thanks for reading! ^__^

Feel free to comment and vote.

MARAMING SALAMAT! 

ATALANTA GIRL (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon