Chapter 23: I'll Be

1.3K 39 10
                                    

Everything happened so fast. It’s been a month na mula nung sabihan ako ni Klein na hindi na niya ako guguluhin. Tinupad naman niya. Mixed emotions ako, yung tipong masayang malungkot nung una but I'm fine now, natuturuan naman pala ang puso kahit papaano. Pero siyempre, di ko pa rin sure if I’m totally over him.

Na-rearrange na rin naman ang seating arrangement namin dun sa isa kong subject na katabi ko siya kaya di ko yun prinoblema. Parang sinasang-ayunan talaga ng mundo ang desisyon kong iwasan siya.

Minsan nagkakatinginan kami pag nagkakasalubong pero parang normal na lang. Walang ng gaguhan at sagutan. Nakakamiss nung una pero sanayan lang pala. In the end, ako din naman ang nag-benefit.

And Craig? We’re cool. Nanliligaw pa rin siya. Para nga akong bata pag kasama ko siya kasi alagang-alaga niya ako. Pinipilit nga ako nila Xandra na sagutin ko na siya eh kaso natatakot ako. Kahit na gusto ko naman na talaga siya, hindi pa rin ako sure kung ready na ako to be in a relationship.

Ito siguro ang epekto ng masyadong mailap sa love-love thingy na yan. Prepare ka ng prepare pero hindi mo sure kung kelan ka na ready talaga. Samantalang yung iba na maagang nagka-lovelife eh mukha rin naman silang masaya. Sana nagpractice na din ako nung high school pa ako. Hehe! Practice talaga!

February 14 nga pala ngayon. Ang daming booth sa may lobby. Bising-busy talaga dito sa university tuwing Valentines Day. Pinapayagan kasi ng school admin na maistorbo ang mga klase tuwing may magse-serenade o kaya’y mga padeliver na bulaklak, balloons, kiss mark, cupcakes at kung anu-ano pa gaya ng talong. Pinaka-weird yung latter, lakas ng trip talaga ng mga estudyante no!

Nag-o-observe ako habang hinihintay na magbukas tong elevator, sa 9th floor pa kasi ako. Nakakatuwa lang kasi ako lang ata ang naka-green, marami pa ring naka-red at naka-black. Haha! Nawawala talaga ang kulay ko.

*Ting!* The elevator opened.

UH-OH!!!

Natinag yung pagkakatayo ko at medyo napaatras pa ako unti. Sa dinami-dami ng mga taong pwede kong makita ngayong Valentines Day, nanguna pa siya!

Yung itsura niya, parang bored na bored habang nakasandal sa wall ng elevator. Mag-isa lang niya kasi sa loob. Naghesitate ako kung papasok ba ako or tatalikod na lang. Kaso napatingin na siya sa akin eh, napilitan na tuloy akong pumasok.

Tahimik lang kami pareho. Super awkward! Hindi ko alam kung babati ako. I looked at him, at least siya relax na relax samantalang ako parang tuod lang sa pagkakatayo. Mukha pa yatang wala siyang balak pansinin ako eh. Kung ayaw niyang magsalita, eh di ako din. Naiinis na kinakabahan ako.

“Anong nangyari diyan sa kamay mo?” nagulat ako nang magtanong siya. Uy, kinakausap na niya ako o!

“Huh?” Pero di niya ako sinagot sa halip ini-angat niya yung kanang kamay ko. “Oh shit!” nagulat ako. Ba’t may dugo? Kaya pala mahapdi, pero hindi ko alam kung saan ko na naman nakuha ‘tong sugat ko. Na naman!

Pupunasan ko na sana yung dugo pero naunahan niya ako, he used his hanky. Mas nagulat pa ako sa sumunod niyang ginawa. He patted my head like I’m his little sister or something.

*Ting!* 9th floor na pala kami.

“Please Alma, refrain from hurting yourself!” sabi niya tapos nauna na siyang lumabas. Naiwan akong tulala.

I shook my head. Ayokong maapektuhan. Dere-derecho ako sa upuan ko pagdating ko sa room. Kunwari nothing happened. Sakto na ring pumasok ang professor namin.

Kakasimula pa lang niyang magdisuss eh may kumakatok na sa door. “Excuse me ma’am. Mag-se-serenade po kami,” paalam nung baklang leader nila at pinayagan naman silang pumasok. Nakakainggit naman yung haharanain.

ATALANTA GIRL (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon