“Thank you ate!” tuwang-tuwa yung batang lalaking inaabutan ko ng bag at school supplies.
“You’re welcome…” saka ko ginulo yung buhok niya. Tumakbo na rin ito papasok sa classroom nila.
Dito pala kami ngayon sa isang lumang elementary school na medyo may kalayuan sa lungsod. May Outreach Program kami para sa subject naming Ecology. Yung buong klase namin nandito, as usual required. Weird no, may subject pa kaming ganito sa curriculum ng Accountancy dito sa unibersidad na pinapasukan ko.
“Gustung-gusto ka ng mga bata ah!” biglang sumulpot si Marl sa likod ko. Still remember him? He’s one of Klein’s friends.
“Hi Marl. Oo nga eh, nakakatuwa sila,” nakangiti ko namang sabi.
“Ate!” nakasimangot na tawag sa akin nung batang kausap ko lang kanina. May hawak-hawak naman na itong bulaklak na yellow ang kulay, mukhang kapipitas lang.
“Para sa akin ba yan?” nakangiti kong tanong. Hindi siya sumagot agad sa halip tiningnan niya ng masama si Marl.
“Boypren niyo po ba siya?” malungkot na yung itsura ng bata. Parang gusto kong matawa. Mukhang crush ako ng batang to ah. Haha! Agad naman akong umiling kaya medyo lumiwanag yung mukha niya.
“Meron siyang boyfriend pero hindi ako,” singit ni Marl. Loko din talaga tong si Marl, balak niya pang asarin yung bata. “Siya oh!” at may tinuro siya sa kanang bahagi ng campus. Sinundan ko ng tingin ang tinuturo niya. He’s pointing at Klein na bisi-busy ring kinakausap ang iba pang pupils pero sakto ring napatingin sa amin. Mabilis akong nag-iwas ng tingin. “Aww!” siniko ko kasi siya.
“Jordan! Naku tong batang ‘to!” yung teacher nila, nakita kasi yung bulaklak na hawak-hawak ng bata. Nagmadaling lumapit sa amin yung guro. “Jordan naman, di mo ba nabasa yung sign na ‘NO PICKING OF FLOWERS’ doon?” malungkot na sita nito sa bata. Jordan pa talaga ang pangalan ng batang ‘to, he again reminds me of Klein, Klein Jordan!
“Ibibigay ko po sana kay ate, ang ganda at ang bait po kasi niya,” paliwanag ng batang Jordan. Napangiti na naman ako. Buti pa tong batang to, na-a-appreciate niya ang beauty ko. “Ate, para sa’yo…” saka siya kumindat sa akin.
“Thank you Jordan!” I exclaimed. Natutuwa ako sa batang to, ke bata-bata pa lang eh marunong ng dumiskarte sa babae. “Pero next time, huwag kang basta-bastang pipitas ha, sige ka, papanget tong school niyo,” paalala ko and I’m glad he just nodded. Inakay na rin siya ulit ng teacher niya pabalik sa room nila.
Tuloy ang outreach program, nag-speech yung adviser namin sa stage, may mga pa-games ding hinanda ang mga kakaklase ko and then nagprepare na kami ng food para sa mga mag-aaral.
“Ate may ipapakita po kami sa inyo!” hinila ako ng dalawa pang bata. Around 6-7 years old sila siguro. “Meron po kaming nahuling palaka sa may likuran!” Ano daw? Palaka! Ayoko ng palaka!
“Ha? Di na----!” pero dire-diretso pa rin sila sa paghila sa akin. Oh my gosh! I hate frogs! Na-trauma kasi ako magmula nung lagyan ng pinsan ko ng palaka yung suot kong t-shirt noong bata pa kami. Pero di ako makapalag, baka kasi masaktan sila pag nilakasan ko. “S-saan?” hindi pa rin komportableng tanong ko. Sa may likuran ng classroom nila ata ako dadalhin.
Nasa harapan ko yung isa, sa likuran din yung isa pa. Hirap na hirap ako habang nilalakad namin ang makitid na daan papunta sa likod. Madulas pa actually kasi basa pa yung lupa dahil umulan daw dito kahapon. Tapos yung gilid naman, may kanal pang puno ng tubig.
BINABASA MO ANG
ATALANTA GIRL (Ongoing)
Roman d'amourHaving a classmate like him has been a torture! He doesn't care if his jokes hurt or when he's not funny at all. Just like when he told me that my beauty is not that desirable or, when he said I'm just too assuming to expect from a guy whom I will n...