Chapter 11: "The Kiss"

1.4K 36 4
                                    

Klein's Point of View

============================================================

"Oh, 'tol. Okay ka lang diyan?" -Marl. Kanina pa nila ako pinipilit sumayaw pero ayoko kaya nagpaiwan na lang ako. 

"Yeah!" sagot ko sabay lagok sa laman ng baso ko.

"Bakit di mo pinagbigyan yung babaeng lumapit sa'yo kanina?" - Llenart.

"Iyon? Hindi ako pumapatol sa bata. Parang highschool lang eh." Mukha kasing bata yung lumapit sa akin kanina. "Tsaka---- oopppsss!" May bumunggo sa lamesa namin. Halos matumba-tumba pa mga bote ng alak na nakapatong.

"Damn!" Kilala ko pa.

Mukha siyang ngarag na ngarag. Medyo magulo pa ang buhok niya. Ngumiti pa siya sa akin then she started licking her lips. Parang gusto kong masuka. Mukha kasi siyang trying hard mang-akit e hindi naman effective. Masagwang tingnan!

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Wala akong ka-ide-ideya kung anong binabalak niyang gawin.

"What----" Magsasalita pa sana ako pero bigla siyang umupo sa lap ko. She seems to be out of her mind.

Two inches na lang siguro pagitan ng mga mukha namin. I even inhaled her liquor smelling breath. Damn! She's so near. Di ako makagalaw!

Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. Napalunok ako. I'm having some strange feelings. Pero nanlaki mga mata ko sa sumunod niyang ginawa.

She bridged the gap between our lips. I was caught off guard. Di ko inaasahan yun ah!

Nakapikit pa siya, OA pa actually ang pagkakapikit niya. Parang gusto kong matawa!

I didn't know what I felt... I didn't push her away though. I was actually thinking whether do I have to kiss her back or just let her be. I was smiling inside when I realized she doesn't know how. (to kiss properly) Haha! Halatang gulat din mga kasama ko pero mukhang tuwang-tuwa naman silang pinapanood kami.

4... 5 seconds... Tapos humiwalay siya. She's smiling at me again.

Damn! I really hate it when she smiles like that. Bigla-bigla kasi nagiging cute siya. Then she kissed me again. This time, smack lang naman.

Titig na titig lang ako sa kanya. Ngumiti siya ulit... Tapos para na siyang baliw na tumatawa nang mahina.

"Pasado na ako!!!" masayang sabi niya saka tumayo.

Napangisi ako. Lasing nga talaga itong babaeng ito. Pasado saan? She patted my head before she turned her back.

Pero isang hakbang pa lang niya eh mali dahil napatid agad siya sa paa ng table. At dahil wala siyang sense of balance, matutumba na sana siya.

Adrenaline rush? Dahil mabilis ko siyang nahawakan bago pa siya tuluyang bumagsak sa floor.

Unfortunately, my hands landed on an unexpected spot.

Malambot. Yes? Sort of?

Nagulat din ako. That was unintentional. Wala sa sariling agad ko siyang nabitawan. Natuluyan na ring bumagsak ang mukha niya sa floor.

I stood up.

Oh shit!

Nasa harapan ko yung isang friend ni Alma, Sandra ata. Di ko sure, I easily forget names. She probably saw that. Lumingon ako sa mga kaibigan ko. They seem to have seen it too. Medyo maliwanag kasi yung ilaw na nakatapat sa amin.

ATALANTA GIRL (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon