Chapter 40: Breakfast Together

114 3 1
                                    


Naalimpungatan ako nang may marinig akong katok sa pinto. Pagtingin ko sa bintana, maliwanag na. it's already 7 in the morning. Grabe, parang alas 7 lang din kagabi ako nakatulog sa pagod ko. Muli kong narinig ang katok sa pinto.

"S-sandali!" kinabahan ako. Baka si Klein. Oh no! Agad tuloy akong napabalikwas ng bangon. Shit, natataranta ako. Tuluyan na rin akong tumayo at tumungo sa may pinto. Na-double lock ko kasi ang pinto kagabi sa sobrang nerbiyos ko. Dahan-dahan kong pinihit ang pinto at hinila pabukas. Pero hindi ko inaasahan ang tumambad sa akin.

Isang Klein na topless at puting tuwalya lang ang nakatakip sa pang-ibaba nito ang tumambad sa paningin ko. His hair was still dripping. He must have just showered. Napalunok ako bigla, ramdam na ramdam ko ang biglang pag-init ng pisngi ko. Eh sa umagang-umaga ba namang abs ang una kong makikita.

Sinalubong niya ang mga mata ko at saglit lang ay hinawi niya ako para makapasok siya. Nanlaki tuloy ang mga mata ko. "T-teka lang---" pero natigilan ako nang derecho lang siya sa may closet. Now I get it. Nandito nga naman ang mga gamit niya so malamang kelangan niya talagang pumasok dito pero dahil nilock ko kagabi hindi siya makakuha ng pagbibihisan. Siguro nagshower na lang siya sa ibang room at malamang wala siyang ---. Oh my gosh. My train of thoughts are going somewhere. Muli tuloy uminit ang mukha ko. Nakakahiya ang iniisip ko. Buti na lang at may divider pa sa may closet niya kaya di ko na siya nakikita sa kinatatayuan ko.

Nanatili lang ako sa tabi ng pinto na di pa rin mapakali. Ano ng gagawin ko? Then I realized ang gulo pa pala ng buhok ko at halatang bagong gising ako. Pero saglit lang ay lumabas siya mula sa wardrobe area niyang nakabihis na ng puting shirt at black shorts, habang tinutuyo niya ang buhok niya sa tuwalya. Hindi ko mapigilang mapalunok. Damn my brains but he looks deadly hot. Mabilis tuloy akong nag-iwas ng tingin.

He stopped nang nasa tapat ko siya, his eyes were on my luggage na hindi pa rin nabubuksan mula kagabi. Tapos muli siyang bumaling sa akin. "Still leaving huh? I already told you I'm leaving tomorrow night. You just have to bear it 'till then" sabi niya bago siya tuluyang lumabas ng pinto.

Napa-isip tuloy ako, can I bear it 'till then? I think I can, I thought again. Basta iwasan ko lang na magkasalubong kami. Nagmadali na rin akong naghanda at nagbihis, madami pa akong gagawin ngayong araw.

I took me just 30 minutes to prepare and I was about to leave the room when Hannah came out from her room too.

"Alma!" natigilan tuloy ako at agad na binaling sa kanya ang paningin ko. "Klein mentioned to me last night na nandito ka na," hindi ko ma-explain kung ano ang nakikita kong emosyon sa mukha niya. It's like whether she doesn't like the idea that I'm here staying at Klein's room and is just pretending that she is pretty cool with it or she really doesn't mind at all. I really don't know, hindi ko siya mabasa.

"Ah---" hindi na rin tuloy alam kung anong sasabihin ko. Sasabihin ko ba na lilipat sana kasi ako kaso it turned out na wala pala akong ibang malilipatan kaya bumalik din lang ako dito kaso too late kasi wala ng room. But she might ask me why and I don't know na what to say after.

"Ready?" Nang biglang sumulpot si Klein galing sa may dining area. Napatingin tuloy ako sa kanya. Sino ba ang tinatanong niyang ready? Is it me? Kinabahan ako. Pero upon seeing him, he's eyes weren't on me but rather on Hannah. I felt relief.

"Yeah," sumagot si Hannah. "Alma, you should come with us, we're heading out for breakfast," aya niya sa akin na nakangiti.

"Ah, no. Hindi na, I don't want to intrude," mabilis akong umiling. "I'll have mine later," dagdag ko pa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 25, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ATALANTA GIRL (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon