Chapter 36: His Other Version

1K 31 15
                                    

It’s really funny how we often set qualifications for the person we want to love, but when it comes to that person, we will always make an exception. Hindi ko mapigilang mapangiti habang naiisip yon. It’s just that I’ve never thought I’d fall in love with someone like him, someone too far from all the standards I’ve set for myself before. Maybe, that’s what we call love, and perhaps that’s the reason why they call it blind.

“We’re here,” natigil ako sa pagmumuni-muni nang magsalita siya. Napatingin ako sa paligid, nasa harap kami ng isang mataas na gusali. May nagbukas na rin sa pinto ng sasakyan mula sa labas.

“Good evening sir, ma’am,” nakangiting bati sa amin ng lalaking nagbukas ng pinto at hinintay kaming lumabas sa sasakyan bago ito pumasok at minaneho ang sasakyan patungong parking lot.

“Saan tayo?” di ko tuloy mapigilang itanong. The environment seemed so corporate to me.

“Good evening sir, ma’am,” muli’y bati sa amin ng mga security guard sa may main door ng building.

“Good evening,” and Klein answered na parang sanay na sanay na siya sa ganitong pakikitungo ng mga tao dito na para bang we’re VIPs.

“Where are we?” I asked him again. It just that I feel like I don’t fit in here. Lahat ba naman kasi ng mga nakakasalubong namin pagkapasok pa lang namin ay puro naka-business attire samantalang naka-jeans at t-shirt lang ako. Pero mas kinabahan pa ako nang mapadako ang mga mata ko sa napakalaking logo sa may lobby at sa tabi nun ay ang malalaking dalawang salitang ARAGON EMPIRE na kulay gold pa ang bakal na gamit para maporma ang mga letra nun.

Bigla akong sinalakay ng kaba nang may unti-unti akong nare-realize sa mga nakikita ko. So Klein Jordan Aragon is related to this Aragon Empire? Akala ko nagkataon lang na Aragon ang apelyido niya. I honestly had no idea. I know that this company exists but it never got to me that he was actually one of The Aragons. Oh my gosh! Parang bigla tuloy akong napako sa pagkakatayo ko sa gitna ng lobby. Nakikita ko na rin ang itsura ng mga tao sa paligid ko, they were all eyeing at him as they’re heading out or in the building. Naririnig ko na rin ang ibang bumabati sa kanya. Never did I see this coming. Alam ko naman na mayaman siya noong una pa lang eh, but not at this state. Not like this.

He’s an Aragon of the Aragon Empire, a conglomerate, a group of companies. Aragon Empire is a fully diversified corporation engaged in different industries. For the past years, sunud-sunod ang mergers and acquisitions nila ng iba’t ibang papalagong companies. Na-discuss pa namin ang background ng company na ‘to sa Strategic Management na subject namin. The company started as a small manufacturer of beverages lang noong una, mga around 1940’s. Hanggang sa paunti-unting lumawak ang market nito sa mga bayan dito sa Pilipinas. Tuluy-tuloy ang kanilang paglaki hanggang 1960’s. Minsan na ring bumagsak ito noong nagkaroon ng Asian Crisis, I can’t remember what year that was. Then it got back to its feet again. Hanggang sa tuluy-tuloy na ito. It started diversifying noong 1980’s sa oil industries. Then nagkaroon ito ng sariling banko, ng airlines, ng construction… and so on.

He’s an Aragon…

Hindi ko alam pero parang bigla akong natakot. Parang bigla akong nanliit, nawalan ng confidence sa mga narealize ako.

“K-klein?”

Ewan ko rin pero parang may kaba din sa mga mata niya nang humarap siya sa akin. “Alma,” sabi niya saka niya hinawakan ang kamay ko. “I’ll explain everything later,” he has that hesitant smile on his face na parang natatakot siyang baka biglang magback-out ako. Saka niya ako inakay papunta sa may elevator area. Kahit kinakabahan ako eh hinayaan ako ang sarili kong umayon lang sa mga nangyayari. Tumapat kami sa elevator sa pinakagilid which has signage on top that says ‘EXECUTIVES’.

ATALANTA GIRL (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon