“Shot tayo!” It’s Xandra’s idea.
“Shot?”
“Oo. Bago pa tayo maging busy next week sa pagrereview, itodo na nating lumabas ngayon!”
Two weeks before prelim exams kasi namin. By the way, we’re currently taking up Bacherlor of Science in Accountancy. 3rd year.
And it’s Saturday night.
“Saan naman?” interesado na ring tanong ni Camille.
“I know a place,” si Xandra naman talaga actually ang may nalalaman pag tungkol sa inuman eh. The rest of us? Not that much, sumasabit lang kasi kami. ^__^
Wala pang masyadong tao nang dumating kami. Hindi pala uso ang maagang pumunta sa bar. Maaga pa daw pala kasi ang 9:00 PM.
“Mga tol, everything’s on me tonight,” Xandra. “Pina-reimburse ko kasi kay papa yung mga pinambili ko ng damit last week,” loka talaga ito. Pinapapalit niya kasi lagi sa papa niya lahat ng mga nagagastos niya.
Si Xandra lang naman talaga ang mayaman sa amin eh, may business kasi sila at incumbent mayor ang papa niya sa probinsiya nila. Nakakapagtaka nga na naging kaibigan namin siya samantalang di namin siya kalevel. Or siguro dahil hindi siya maarte at kwela lang talaga.
Umupo kami sa medyo malapit-lapit sa may dance floor para daw mas madaling makita kung may gwapong sasayaw mamaya ayon kay Xandra. Adik lang talaga ano. Haha!
Binigay sa amin yung menu. Grabe wala akong kaalam-alam.
“Ito na lang!” turo ni Xandra. “Let’s try something new!” at mukhang tuwang-tuwa pa ‘to.
“Paano pag malakas ang tama niyan?” nag-aalala kong tanong.
“Eh di sakto para maranasan din ninyong malasing!” tumatawa pang sagot sa akin ni Xandra.
“Gaga! Ang yabang nito, paano naman daw tayo makakauwi nun. Lagot ako sa landlady ko pag nakita niya akong lasing, siguradong tatawag iyon kay mama.”
“Relax ka nga lang Alma, let’s just enjoy tonight okay,” Camille butted in. Excited talaga ito.
Umorder din ng pulutan si Xandra. We started drinking. Noong una, parang walang effect kaya dinerediretso ko. Yabang lang. Parang gusto ko nga talagang malasing tonight.
More people came in. Then the DJ started playing some music. May tumugtog ring banda sa harap nang dumami ang tao. Siguro, epekto na rin ng alak kaya ang lalakas ng loob naming makisabay nang malakas sa kumakanta. Saka kami sabay-sabay na tatawa.
Ang saya lang ng feeling. Ang gaan! My body is starting to give up pero my mind is still working pa naman. I just can’t stop my mouth from blurting out stuffs I’m not actually sure about. Haha! So fun!
Sayawan na sa dance floor, kahit di marunong sumayaw, fineel ko na din. Ang kakapal ng mga mukha naming nakipagsiksikan sa mga tao doon. Dikit-dikit kaming apat sa gilid saka nagahahagikgikan. Para lang mga timang.
“Oh my! That was fun!” malakas na reaction ni Rhianne nang makabalik kami sa upuan.
“Oh yeah!” medyo nahihilo pero pacool pa ring sagot din ni Camille. “How about if we’ll play a game. That would make things more interesting,” dagdag pa niya.
Gamit ang bote ng alak na iniinom namin, pinapa-ikot-ikot ito sa table at kung sino mang maituturo nun, ang taya. TRUTH or DARE daw. Ganito daw ang mechanics ng laro, kung TRUTH daw ang pipiliin mo, magtatanong ang grupo ng tanong na answerable ng oo or hindi. Kung hindi ang sagot mo, kailangan mong inumin ang isang baso nung inumin. Pag oo naman daw, the answer needs some further explanation. Pag DARE naman, may ibang ipapagawa sa’yo maliban sa pag-inom. Haha. So complicated. Alin ang mas mabigat?
BINABASA MO ANG
ATALANTA GIRL (Ongoing)
RomanceHaving a classmate like him has been a torture! He doesn't care if his jokes hurt or when he's not funny at all. Just like when he told me that my beauty is not that desirable or, when he said I'm just too assuming to expect from a guy whom I will n...