Chapter 8: It really is him!

1.5K 51 12
                                    

“Okay ka lang? Kaya mo pa ba?” kunwari concern si Xandra pero natatawa naman sa akin.

“Pag napilayan ako dito, mapapatay ko kayo! Lalo na ikaw!” sabay turo ko kay Xandra. At tumawa pa ang loka.

Right now I’m wearing 3-inches heeled sandals. Di pa mandin ako sanay kasi hanggang rubber at doll shoes lang ako. Pinilit ako ng mga babaeng ito porket acquaintance party sa school ngayon. Nirequire kasi kaming umattend. Asar lang talaga!

Ako lang talaga kasi ang di nagsusuot ng may heels. Hindi kasi ako komportable. Tapos nakadress pa ako ngayon. Feeling ko tuloy parang I’m so girly!!!

“CR muna ako, sunod na lang ako sa table natin,” sabi ko nang nasa loob na kami ng gym saka ako dumiretso sa CR. Wala pang masyadong tao kaya agad din akong nakapasok sa isang cubicle.

“Oh my God! Grabe, ang gwapo niya talaga!” ang ingay ng mga babaeng pumasok.

“Eh kasi naman Mitch, ikaw na kasi maunang lumapit…”

Wait. Mitch? Michelle? Are they referring to the Mitch I know? Hindi ko kasi sila makita kasi nasa loob pa ako.

“I already did, kaya lang parang hindi nagwowork powers ko sa kanya eh. Hindi pa rin niya ako pinapansin!” Siya nga! Familiar kasi boses niya kasi maingay siya sa classroom. Alam niyo na, papansin eh.

“Eh baka naman kasi may girlfriend na siya kaya ayaw niya sa’yo?” may isa pang babaeng nagsalita.

“Uy wala daw oh! I asked Marl kung meron pero wala naman daw.”

Marl is one of Klein’s friends so her crush is probably Klein. Natatawa lang ako sa loob. Grabe ang desperada din kasi talaga ng babaeng ito.

“Eh ganun pala eh di seduce him!” suggestion pa ng isa.

“That’s what I am intending to do tonight girls. Watch me!” at mayabang itong sumagot. WHOAH! Ang lakas talaga ng apog niya ano? “Do I look stunning enough?” narinig ko pang tanong pa niya sa kasama niya.

“Of course, you always do!” I waited ‘til they’re gone. Naiinis kasi ako. Anyway, still remember the shirt she lent me? I gave it back to her. In her face! Haha! Kahit ayaw pa niya!

Dali-dali akong lumabas nang makalabas ang mga ito. Baka kasi kung anu-ano na naman iisipin ng tatlong boss ko eh.

“ARAYYYYYYYYYYY!!!” NATAPILOK AKO!!! Buti na lang malapit ako sa pader kaya napasandal ako.

I THINK I SPRAINED MY ANKLE!!! ARGHHHHHHHHHHH.

“Miss okay ka lang?” may lumapit sa akin. Tiningnan ko siya.

Oh man! IT’S HIM!!! Siya yung, yung mystery artist guy na ini-stalk ko!!! Hindi ko alam kung anong uunahin ko. Nagsasabay kasi yung kaba at kilig ko dun sa sakit ng paa ko eh.

“Ma-my foot!” para akong batang itinuro yung paa kong halos di ko na magalaw. Dali-dali namang yumuko si crush para i-check yung paa ko! ALMA umayos ka! Shit! Kinikilig akooooooooooooo!

“You sprained your ankle…” sabi nito saka ito tumayo at……. BINUHAT NIYA AKO! Totoo!

“Sa-sandali!” late na yung reaction ko. Buhat-buhat na kasi niya ako eh.

“Saan ang table niyo?” tanong pa niya sa akin.

“Ha?” nagfa-fly away na yung utak ko! Imagine! Buhatin ka ba naman ng crush mo? Makakapag-isip ka pa kaya ng matino?

ATALANTA GIRL (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon