Chapter 27: Fortuitous Event

1.2K 33 6
                                    

Sa isang chapel pala yung address na nakasulat sa newspaper. Kahit na medyo madilim na eh marami pa ring tao sa labas, puro pa sila mukhang elegante at mayayaman. Nahihiya tuloy akong pumasok.

“Uwi na lang ata ako…” mahinang bigkas ko saka tuluyan nang umatras. Napagilid pero ako saglit nang may pumaradang kotse sa harap ko. May bumabang babaeng nakaitim na dress. Familiar yung body built niya. Nagmamadali itong naglakad papunta sa chapel.

Si Hannah yun! “H-hannah!” mahinang tawag ko. Pero hindi niya ako narinig kaya tuluy-tuloy siyang pumasok sa loob. Naman eh, ang bagal ko kasi! Nilakasan ko na lang ang loob kong  sumunod sa kanya. Dumiretso siya sa may harap kung saan may nakaupong mag-isa na nakayuko. Si Klein yun! Tumabi si Hannah sa kanya saka siya niyakap. Pero parang tulala lang si Klein.

“Klein…” nagsimula akong naglakad palapit sa kanila. “Klein…” tawag ko sa kanya nang medyo malapit ako pero parang wala siyang narinig. “Klein…” ulit ko. Nag-angat siya ng ulo at hinanap kung saan galing yung boses na tumatawag sa kanya. Nakita niya akong nakatayo sa may kaliwang gilid niya. Grabe, ang lungkot ng aura niya. He looked so helpless, gloomy, at parang puyat na puyat.

As soon as he saw me, he got up at naglakad palapit sa akin. Sa totoo lang, gustung-gusto ko siyang takbuhin at yakapin, pinigilan ko lang sarili ko. Kitang-kita ko na yung mukha niya habang palapit siya nang palapit, para siyang naiiyak. Nang makalapit siya agad niya akong niyakap and I just hugged him back.

I can hear him sobbing, crying silently. Maybe what I thought was right, that man was really close to him. Hinahaplos ko na lang yung likod niya at hinayaan siyang nakayakap sa akin. Saglit kaming ganoon bago siya tila natauhan at agad na humiwalay sa akin. Yumuko agad siya, parang ayaw pa niyang ipakita sa akin na umiiyak siya. Hindi na ako makatiis, hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at ako na mismo ang nag-angat sa ulo niya.

“Klein, I’m so sorry this happened…” pinunasan ko yung luha niya saka ako na mismo ang yumakap sa kanya ulit. I really wish I could make him feel better. Pagtingin ko sa kabilang dulo, nahuli kong pinapanood kami ni Hannah. Nag-ngitian na lang kami nang magkatinginan.

Inalalayan ko na lang rin muna siyang umupo saka ko hinawakan ang kaliwang kamay niya. Sana maramdaman niyang di siya nag-iisa…

*

Iniwan ko muna saglit si Klein para umakyat sa may altar to extend my condolences sa matandang babaeng nakatayo doon. From what I have heard, siya daw ang nanay ng Tito Frank niya. Pagkatapos ay lumabas din muna ako para magpahangin saglit at magmuni-muni. Kanina ko pa kasi napapansin yung name na nakasulat sa harap ng altar kanina.

Frank de Mesa…

Kung tito man siya ni Klein, bakit magkaiba sila ng apelyido? Or baka naman kapatid siya ng mama niya.

“Alma…” may tumawag sa akin mula sa likod ko. Si Hannah.

“Hannah…” ngumiti ako.

“Nakilala mo na din pala si Tito Frank,” sabi niya. Umupo kami sa isang bench sa labas ng chapel.

“Hmmm. Nagkita kami dati kila Klein pero di kami nagkausap, busy kasi sila noon,” paliwanag ko. “Ah Hannah, okay lang magtanong?”

“Huh? Sige lang…”

“Magkaanu-ano pala sila ni Klein?” tanong ko.

“Hindi sila blood related. Lawyer siya actually ni Lola Ellie, lola ni Jordan (Klein). Pero bata pa lang ako e lagi ko ng nakikita si Tito Frank kila Jordan kahit na noong  nakatira pa sila sa bahay ng lola niya,” she paused. “Tapos noong namatay si Lola Ellie three years ago, si Tito Frank na ang tumayong guardian niya,” tumigil siya saglit, nangingilid na yung luha niya. “Naaawa na nga ako kay Jordan eh, he has suffered so much loss already.”

ATALANTA GIRL (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon